“Ano ba tong suot naten! Napakabalot na balot naman. Parang ayaw mo ng sikatan ng araw eh.” gageu to. Yeah naka-disguise kase kami at sobrang init pa kaya umaatake naaman ang pagiging reklamadora ng lecheng babaitang to! Habang nagtatago kami sa mga sasakyan na nakapark dito, tinitingnan ko lang sila.
Natatanaw namin ngayon si Taeh at yung babaeng... Eun-jong? Eun-lin? Ewan! Wala na akong oras para isipin pa yung pangalan niya bwiset! Nanliliit na yung mata ko sa pagsunod sa bawat galaw nila. Huta talaga!
“Sino ba kase yung sinusundan na--SI TAEH?!!!” humarap ako kay Yoorai at pinatikom ang bibig niya. Ang ingay kase ihhhhh! Ang nakikita lang namin ngayon ay sina Bryan, Baek, Taeh at yung babae! Dana ah. Lakas ng tama ng babaeng to. “Omo! May babae si Taeh?” see? Pati si Yoorai nagtataka na. Grabe kase makakapit ang babaeng to sa asawa ko.
“W-Wala daw....” malungkot kong sabi at napatingin ulit kina Taeh at dun sa babaeng kasama nila na kung makakapit kay Taeh wagas.
“Grabe oh! Ang ikli ng dress tapos sexy! Magandaaa! Tinalo ka girl!” at dahil sa inis ko, tiningnan ko ng masama si Yoorai.
Anong talo?! Mas maganda at mas sexy ako diyan noh! Tingnan mo naman ang katawan! Ang payat lang! Eh yung legs niya? Parang kawayan! Heels lang ang nagdala! Tsaka yung mukha? Halatang tinakpan lang ng make up yung panget niyang face! Kaya mas love ako ni Taeh kumpara diyan! Sus! -_-
“Tumahimik ka nga Yoorai.” sabi ko at dahil napupuno na ako sa panay na pagyakap niya kay Taeh, napaisip ako at napangisi nalang. “Yoorai, umuwi ka na.” sabi ko ng nakangisi. Tingnan lang naten tss.
“Ha? Gaga ka? Sinama-sama moko tas pauuwiin moko mag-isa?! Hala grabe!” sabi niya at hinubad ko nalang basta basta yung jacket na suot ko at cap tsaka binigay kay Yoorai. “Anong ginagawa mo?!!!” ang ingay kainis!
“Pupuntahan ko sila dun bakit.” sabi ko at ginulo ng konti ang buhok ko syempre para mukhang galing sa traffic! Luh! Mamangha siya dahil kahit galing ako sa traffic, ang ganda ko paren! Hahahahaha.
Well, di ako masyadong nakabihis. Pambahay lang. (nasa media yung suot ni Chachi. Yung left picture.) Bakit ba? Simplicity is beauty. Mahiya siya sa suot niyang choker mukha kase siyang aso. Hahahaha kamukha niya lang naman si Scrappy. Actually, mas maganda yung Siberian Husky ko kumpara sa babaeng bruha nato.
Iniwan ko nalang si Yoorai at tumakbo tsaka sinira yung isang heels ko. Aba! Wag kayong makialam. Mainit ang ulo ko gustung gusto ko na sugurin ang babaeng yun ang kapal ng mukha. Okay.... Here we go!
“OMGGG! TAEEEEH!” sigaw ko kaya napalingon saakin sina Baek, Bryan, Taeh and syempre nanlaki ang mata nung babaitang nakayakap sa braso ni Taeh.
Nanlalaki niya akong tiningnan mula ulo hanggang paa. Oh ha! Ginulo ko ng konti yung buhok ko at iisa lang yung sapatos ko dahil nga hawak ko yung heels kong sinira ko. Gulat siya? Ganda ko noh. Partida, ayos pambahay lang yan. Di ko kailangan ng choker hahahahaha.
Gusto kong tumawa sa reaksyon niya nung agad tinanggal ni Taeh yung kamay niya at tumakbo saakin si Taeh. “Chachi, ayos ka lang? Anong nangyari sayo?” sabi ni Taeh at inalalayan ako.
Tinanggal niya nalang yung isang sapatos ko para daw pantay at hindi na ako mahirapan. Humawak ako sa batok ni Taeh at tumingin kay girl.
“Puntahan sana kita eh. Kaso natraffic ako at nanakawan ako kaya nasira yung heels ko. Uhm.... Ano bang ayos ko? Mag-aayos nalang ako.” sabi ko kay Taeh at nginitian niya lang ako at hinalikan ako sa pisngi. Mainggit ka girl! Mainggit ka huta!
“De maganda ka naman. Hahaha basta mahalaga dun ayos ka lang. Gusto mo magstay muna sa office ko?” sabi ni Taeh nang tuluyan na kaming makalapit kina Baek at Bryan. Nakaakbay lng saakin si Taeh at halata namang nagpipigil lang ang babaeng to. Ayaw niya akong makita? Edi wow. Sorry siya! Partner lang siya sa business ako? Partner ni Taeh sa buhay niya! Wag kayong aangal tsong!
Ahhhh Eun-Jin pala ang pangalan niya. May nametag kase.... Gaaahd. I hate her. “Chachi, buti napadalaw ka kay Taeh.” sabi ni Bryan na may hawak na papers tsaka ballpen at nginitian lang ako. Hehe syempre ako pa! Isa na sa mga dahilan ay dahil nanganganib ang buhay ng asawa ko sa asong nasa harap ko. Miss. Choker.
BINABASA MO ANG
Planeta Ni Kim Taehyung [Editing]
FanficAng tingin mo sakanya ay kaaway at nakakainis na nilalang na namumuhay dito sa mundo! Naiinis ka sa tuwing hinahabol-habol ka at kinukulit ka niya. Iniisip mo na baka may lahi siyang alien kaya iba ang takbo ng isip niya. Pero paano kung bumaliktad...