PLANETANG 5

3.1K 140 22
                                    

Dedicated to yanredkim!!!!! Hello kamusta ka? Salamat sa pagsupport! Gaya ng pangako ko sayo, dedicated to sayo! Haha pakibasa yung story niyang 'FEELER MUCH' haha nakakatawa i swear! Hahaha Saranghae ^_^

+++

CHACHI's POV

"Maaa! Ano ba yan?!" sigaw ko habang sinasakay nina Mama ang mga maleta sa isang kotse! Palayasin ba naman ako?! "Ma, stop it!" sabi ko at pilit binababa ang mga maleta ko sa kotse! Actually, katatapos lang ng dinner at paglabas namin, ito ang dinatnan namin ni Taeh. Ang mga maleta namin.

"Ano ka ba anak! Ang laki laki mo na! At ikakasal ka na rin, kaya akin na yang maleta mo!" sabi ni Mama at kinuha ulit saakin ang maleta ko. Kinuha ko ito ulet pero inaagaw ni Mama. Sige lang. "Chachi, stop it! Isa!" so now she's couting on me! No! "Dalawa. Bibitawan mo yang maleta mo o patitirahin kita doon ng walang dalang kahit ano!" whaaat?!

"Ayoko nga, Ma!" sabi ko pa at kinuha ang maleta ko. The hell! Isa lang akong 19 year old! Too young to live with a man under the same roof! Tinulak ako ni mama at muntik na akong matumba kaya hinawakan ako ni Taeh. Nakakainis! "Don't touch me!" sabi ko at inalis ang kamay niya sa shoulders ko. "Why do you need to do this to us? Masyado pang maaga para tumira kami sa iisang bahay!" sabi ko pero tinaasan lang ako ng kilay ni Mama. Aaaargh! Kung hindi ko lang siya ina, matagal ko na tong sinampal!!!! >:(

"Anak, ikakasal na kayo kaya kailangan ninyong masanay na kayong dalawa lang." natatawang sabi ni Tita; Taeh's mother. Talagang seryoso ang bagay na yun? 8 year old palang ako, business partners na ang parents namin at tinutukso nilankami noon ni Taeh na kami daw ang magkakatuluyan. Di ko naman alam na... AABOT PALA SA TOTOHANAN!!!!!!

"Eomma!" sabi ni Taeh pero tinulak lang nila kami pasakay sa kotse. Aish!

"Bye, Chachi and Taeh! By the way, Chachi, nice meeting youu!!!" nakangiting sabi ni Yeonie. Habang si Baek nakangiti din at nagwewave ng goodbye saamin! Automatic namang sumara ang bintana ng kotse! Noooo!

"Mama!!!!! Mamaaaaaaa~" sigaw ko pero malayo na kami sakanila.

"Kahit anong pagdrama ang gawin mo diyan, hindi ka nila pakikinggan. So shut up!" sabi ng alieng katabi ko. Did he just tell me to shut up?!!! Ako si Chachi! Anong karapatan niyang utusan ako!

"Shut up?! I'm sure gusto mo rin naman to noh!" sabi ko at pinalo siya sa dibdib. Tumawa lang siya at pinigilan ako sa pagpalo sakanya. "What are you laughing at?!"

"Pfft. Honestly, sa lahat ng idea nina Mama, ito ang pinakanagustuhan ko." nainis ako sakanya kaya pinalo ko pa siya habang naluluha na siya sa kakatawa! What an alien! Inaasar niya ako? Fine! Makikisakay ako sa trip niya!

"Sinasabi ko na nga ba eh. May gusto ka saken!" sabi ko nang nakangiti at nagcrossed-arms pa.

"Hahaha matagal na." natatawa niyang sabi at inakbayan ako! Eeeeeew! Lumayo ako sakanya tutal medyo maluwag naman ang kotse. Pang-aasar failed! Di man lang niya idedeny na nabighani siya sa kagandahang taglay ko? Honest pala ang mga alien ngayon?

"I told you wag mo akong hawakan! Dirty hands!^ Tsaka chansing ka ah. Bakit mo ako nagustuhan? Sinasabi ko na nga ba eh. Marami talagang hindi nakakatiis sa charms ko. Matagal ko na ring alam. " sabi ko pa pero tumawa nanaman siya? What the F! Yung totoo? Slow na ba ako? Bakit hindi ko alam ang tinatawanan niya?

"Alam mo anong pinakanagustuhan ko?" seryoso niyang sabi. Ayon sa aking research, kapag ang alien seryoso na, naiinlove daw sila sa kaharap nila dahil ang kaharap nila ay ubod ng ganda at kacutan sa katawan. Chos! Haha just kidding! ^_^

Planeta Ni Kim Taehyung [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon