Okay readers! Bugbugin niyo na ako dahil di ko nagawa ang promise kong magUD kapag nag1k na ito! Kaya ito na wag na kayo magalit! Haha nagiging busy na din dahil sa school! Sorry at napabayaan ang story ni baby taehyung! Kaya eto! Wala ng patumpik tumpik pa! Mag uupdate na ako!
---
"Grabe ang tindi niyo! Ang lakas ng loob maghalikan tapos kinabukasan nagkakahiyaan!" pinanlakihan ko ng mata si Yoorai at tinakpan ang madaldal niyang bibig. Nakooooo! Nasa school kaya kami tapos ganun ang pinagsasabe! Sarap suntukin!
"Ano ba Yoorai! Wag ka maingay! Yang bunganga mo parang baril! Walang tigil kakatira! Eh ikaw kaya sa sitwasyon ko?! Magagawa mo ba huh?!" sigaw ko at inirapan siya. Eh kase naman! Utusan ba naman akong puntahan si Taeh at sabihin sakanya ang nararamdaman ko! Oo nararamdaman ko!
"Pero aminin mo! Sinabi mo kaninang 'GUSTO MO SI TAEH!' Wag ka magdedeny!" sabi nito at dinuduro duro pa ako. Ano pang idedeny ko? Eh sinabi ko na nga sa harap ng Yoorai na to na gusto ko si Taeh! Gusto ko siya! Eh ano naman?
"Ay teh! Kailangan isigaw teh?!" sabi ko at iniwanan siya. Ewan ko sakanya.
"Oo na! Hehe! Di lang talaga ako makaget over sa sinabi mo eh. As in for real?! Gusto mo si--AND SPEAKING OF! Girl! Girl! Ayan sila Girl!" sabi ni Yoorai at pinagpapalo pa ako sa balikat. Feelingerang palaka to! Porket nandiyan si Kookie! Siya ng masaya! Kami ng awkward!
Lumapit sila samen dahil nga kasama ko si Yoorai at kasama nila si Kookie. Jusmeeee! Lalanggamin nanaman kami dito!
"Anong oras ka uuwi?" tanong ni Kookie at inakbayan si Yoorai. Ngumiti naman ang gaga! -_-
"Uhm sabay kami ni Chachi! 4:30! Kayo ba? May practice ba kayo?" nakangiti nitong tanong. Oh yeah. Dont tell me...
"4:30? Okay. Pupuntahan namin kayo." sabi ni Jungkook at hinalikan sa cheeks si Yoorai. WTF! Wag dito maglandian! -_-
"Jungkoook! Hinde! Okay na kame! Kaya na namin-"
"Hindi Kookie! Puntahan niyo kami mamaya! Byeeee! Love you!" sabi ni Yoorai at hinila ako palayo. Iiiiih! Awkward nga kame diba?!!!!!
"Ano yon Rai?! Nagkaka-ilangan na nga kami ni Taeh tapos magpapasundo ka pa?! Kung gusto mo, ikaw mag isa mo! Mag isa nalang akong uuwi!" sabi ko at nagwalk out pero....pero....pero....WALL PALA ANG NASA LIKOD KO kaya ayun! Sapul! Boom Panes! Nauntog ako! Ang saya shet!
"Panis ang walk out mo teh! Wahahahahaha!" sabi ni Yoorai habang hinihimas ko ang noo kong masakit na nauntog! Ang shakeeeeeeeet! :( Nagkabukol yata ako. "Wala ka ng choice kundi sumama okay?! Dami mong arte eh gusto mo din naman!" gusto ko nga ba? Parang gusto ko na ayaw ko. Gusto ko kade gusto ko siyang makasama at makita pero ayaw ko kase nahihiya ako at naiilang ako sakanya. "Tsaka gaga ka pala! Ang dami mong nalalamang paiwas iwas eh magkikita at magkikita pren kayo pagkauwi niyo! Tsk tsk tsk"
Wala na akong nasabi at hinila na agad ako ni Yoorai.
"Oh! Saan tayo pupunta?!"
"Diba obvious?! San pa? Edi sa swimming practice! Ikaw ah! Dumating lang sila nawala ka na sa mundo!" sabi niya kaya tumango nalang ako.
***
Nakaupo lang ako sa isang sulok at hinihintay si Yoorai. Pinatawag kase siya sa office ni sir kaya eto. Bantay labas ako. Habang nakaupo, nakatingin ako a mga nagpapractice na nang may biglang tumamang bola ng volleyball sa noo ko. "Aray!"
"Miss! Sorry ah! D-Di ko sinasadya." sabi nito paglapit saken. Naglalaro kase sila ngayon ng swimming volleyball at kamalas malasan, natamaan ako. Ano ba yaaaan! Feeling ko nagkabukol ako! Ang lakas pa naman ng tama saken.
BINABASA MO ANG
Planeta Ni Kim Taehyung [Editing]
FanfictionAng tingin mo sakanya ay kaaway at nakakainis na nilalang na namumuhay dito sa mundo! Naiinis ka sa tuwing hinahabol-habol ka at kinukulit ka niya. Iniisip mo na baka may lahi siyang alien kaya iba ang takbo ng isip niya. Pero paano kung bumaliktad...