PLANETANG 17

1.9K 87 12
                                    

AUTHOR’S NOTE*

Hello there! Gusto ko lang na mag author’s note hehe!!!! XD tsaka di ko kase mapigilan eh! Kinikilig ako! Ang gwapo po kase ni Jungkook sa multimediaaaaa! Wews! Asawa ko yan shemsssss! Ang hot! Pero balik na sa story hahaha! Go on! Basa na! Comment, Vote and Be a fan! Chos! ^_^ AstroNUTS, thank you sa support sana pagpatuloy niyo lang ang pagsupport hanggang huli! Salamuch!

***

[CHACHI’s POV]

Mag-iisang linggo na simula nung umuwi si Jimin dito. And good news! Dito na siya sa school magpapatuloy ng studies niya. Ngayon ang first day of school niya kaya hindi ko siya mahiwalayan. Bukod sa syempre namiss ko, kailangan maging tour guide muna ako noh hah eksdi!

“Grabe! Ang laki ng pinagkaiba, Chachi oh! Hindi talaga kayo magkamukha!”  sabi ni Yoorai na talagang sinusuri ang bawat sulok ng mukha ni Jimin.

Hays. Oo nga pala nagkabati na kami ni Yoorai. Nilibre niya kase ako ng peyborit frappe! Yieeeee nakuha niya ako agad OMG! At dahil sobrang sarap nun, okay na kami! Hehe! Tumayo na si Jimin at tinuro ko nalang sakanya saan niya pupuntahan ang next class niya dahil nagpapasama pa tong si Rai sa library daw.

“Geh. Puntahan nalang kita mamaya.” sabi ni Jimin at hinalikan ako sa pisngi habang si Yoorai naman titig na titig sa palayong kapatid ko kaya binato ko ng libro.

“Hoy!” sigaw ko at hinimas naman niya ang natamaang ulo! Huh!

“Ang sakit ah! Mukha bang helmet ang ulo ko ha?!” sabi niya at lumapit saakin. “Cha, kapatid mo ba talaga yon? No joke? As in?” bulong niya kaya binatukan ko siya. Iniisip niya bang nagsisinungaling ako! At oo! Alam na alam ko na ang takbo ng isip ng babaeng to! Iniisip neto na hindi ko tunay na kapatid si Jimin at may secret relationship kame! Ganun tumakbo ang utak ni Yoorai! Ang dumi diba?

“Tanga! Kapatid ko yon! Kung anu anong pumapasok sa isip mo eh! Alam mo, mas virgin pa nga yata ang coconut oil kesa sa isip mo!” sabi ko at tumayo na ako. Tsaka naman siya sumunod. Minsan nga matanong ko kay Tita baka pinaglihi si Yoorai sa buntot ng aso! Sunud ng sunod akala mo may tren-tren chu-chu sa likod ko nyemas!

***

[JUNGKOOK’S POV]

Nandito lang kami ngayon sa may malapit sa garden at nakaupo sa mga upuan na nandito. Actually, may tinitingnan kami. Hindi ano kundi sino! Nanggigil na kase tong si Taeh dahil kanina pa titig na titig kina Chachi at Yoorai hindi lang sakanila kundi pati doon sa lalaking kasama ni Chachi na humalik pa sa pisngi niya bago umalis.

“Bro, chill ka lang!” sabi ni Yoongi tsaka hinawakan sa balikat si Taeh. Pero tong si Taeh, akala mo nakadikit na ang mata kay Chachi. Alam naman namin kung sino yon eh. Siya si Jimin. Kakambal ni Chachi sa pagkakaalam ko. Aba! Girlfriend ko yata ang bestfriend ni Chachi kaya lagi kaming updated syempre! Kami pa! Ayaw lang namin sabihin kay Taeh para naman matuto! Wala kaseng kaeffort-effort to! Kundi lang sasabihan hindi pa gagawa ng paraan para makuha si Chachi! Kapag naman tinanong mo kung mahal pa niya, oo naman ng oo! Hayst!

“Who the hell is that guy?!” rinig naming bulong ni Taeh na punung puno ng galit. And I saw his hand tuned into a fist. Ah loko! English yon! Nagseselos na yan! Kapag kase nagseselos yan, tsaka yan kikilos! Sus! Medyo mahina pa ang manok namin ah!

Pinaalis ko si Yoongi sa likod niya at ako naman ang pumunta sa pwesto ni Yoongi kanina at binulungan si Taeh. “Bro, papayag ka ba dun sa ginawa ng lalaking yon? Kung ako sayo, gagawa na ako ng paraan. Ano ka ba! Bawiin mo si Chachi!” sabi ko at napangisi kina Namjoon. Kinuha ko ang phone ko tsaka nagmessage kay Rai.

Planeta Ni Kim Taehyung [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon