C25

760 27 8
                                    

Note: Before you read this, read first the Book 1 of this:
https://www.wattpad.com/story/303158922?utm_medium=link&utm_source=android&utm_content=share_reading

Warning:
Errors ahead, maraming typos grammars errors at kung hindi ito ang type mong kuwento feel free to leave uulitin ko lang Hindi ito perpekto tulad ng ibang kuwento hindi ako magaling tulad ng mga author's idols natin ang kuwento ko ay tama lang natututo pa rin ako day by day thank you.

Hart Moon

Trevor

Mabilis pa sa alas tres na pinaharurot ko ang sasakyan ko papunta sa bahay nila mom at Lolo ilang buwan na rin ng huli kong uwi dito, simula ng nagpagdesisyonan ko ng bumukod sa kanila Minsan na lang ako pumunta dito.

"Anak buti napadalaw ka."salubong agad ni mom sa akin pagdating na pagdating ko sa bahay.

"Nasaan si Lolo?"tanong ko agad sa kanya.

"He's upstairs inaayos ang gamit niya."sagot niya na ikinagulat ko.

"Gamit? Why? Lolo, Lolo."tawag ko sa kanya sabay akyat sa taas kung nasaan ang kuwarto niya at laking gulat ko sa aking nakita nag sabulutan siya.

"What the hell."

"Ano tatakas ka? Ha?"tanong ko agad sa kanya.

"What? Don't tell me naniniwala ka sa babaeng yon? Sa baliw na yon Trevor?"tanong niya.

"Fuck! She's not baliw, Asawa ko yon lo, Asawa, at hindi pa ako naniniwala sa kanya, kaya nga ako nandito to ask you a question, pero sa nakikita kong ginagawa mo, I think Elle's right, your a Demon, DEMON."

"Trevor, stop that Lolo mo siya."saway sa akin ni mom na ikinatingin ko sa kanya ng nakangisi.

"Tch, as if imposibleng hindi mo kasabwat si Lolo mom right? E, anak ka niya malamang alam mo yong ginawa niya kay Elle lahat, at higit lahat malamang alam mo ang ginawa niyang pag traydor sa Lolo ng Asawa ko noon diba?"

"Anak, pamilya mo kami.

"Fuck that family thing, so tama ako? Tama ang Asawa ko, how dare you do that to her, and how dare you do this to me?! Nasaktan ko ang asawa ko, binababoy ko ang asawa ko, ginusto kong magdusa siya sa kamay ko, sa pag aakalang siya ang may kasalanan sa akin, pero mali ako, maling mali ako dahil kayo kayo ang may kasalanan nang lahat fuck!!!

"At ano naman Trevor? Isusuplong mo kami ng mommy mo?! Kaya mo?! Fine, you want the truth.

"Dad...

"No, your son want the truth and I will give him the truth."putol ni Lolo sa sasabihin ni mom.

"Oo, ng araw na yon, tumakas ako, umalis ako pinabayaan ko na ma ambush ang pamilya ni Eric. Para sa akin mapunta lahat nang kayamanan na meron siya sa Diamante dahil para naman talaga sa akin yon, naintindihan mo? PARA SA AKIN YON.

"What the.

"At yes, pinaimbistigahan ko si Elle, nalaman ko na siya ang babaeng apo ni Eric kaya ng nalaman ko na kailangan niya ng pera para tulungan yong tataytayan niya, inalok ko siya na ikasal sayo para kung magkabukingan man sayo pa rin mapupunta ang lahat nang kayamanan ni Elle at Ng lolo niya, pero ang loko may sa pusa okay na e, wala na siya pero ano biglang bumangon sa hukay, pero ayos lang dahil Asawa mo pa rin siya ibig sabihin....

"Gagamitin mo ulit ang kasal namin para makuha ang gusto?"putol ko sa sasabihin niya.

"What's wrong about that Apo? Hindi mo naman siya mahal? At matagal ng expire ang kontrata namin ni Elle.

"No, a fucking big no, babalikan ko si Elle, hindi dahil sa kayamanan niya I don't care about her wealthy, I don't care about that, siya lang at Ang anak ko ang kailangan ko, sila lang."sagot ko sa kanya na ikinagulat nila ni mom akmang magsasalita pa sana siya ng biglang...

"Narinig niyo mula sa matandang yan ang lahat hulihin niyo na yan bago ako pa ang sumingil lahat nang utang niya sa pamilya ko."singit ni Elle na ngayon ay nasa pintuan ng kuwarto ni Lolo kasama ang mga pulis.

"And wag niyo kalimutan ang babaeng yan kasabwat yan."dagdag niya pa na siyang sinunod ng mga pulis.

"You can't do this to me, I'm the Chairman of Diamante."Ani ni Lolo sa harap ni Elle.

"Sorry to disappoint you Mr.Advincula, pero hindi na ngayon, hindi na ngayon, you know why? Dahil dito. Hawak ko lahat ng ebidensiya sa ginawa mong pagnanakaw sa loob ng Diamante kaya pasensiyahan na lang tayo Mr. Chairman oras na ng paniningil nang totoong reyna. Mali ka ng pamilyang kinalaban maling mali ka."sagot ni Elle na ikinataas ng kilay ni Lolo at akmang sasampalin siya ni mom nang pigilan ko ang kamay ni mom na ikinagulat nilang lahat.

"Trevor, don't tell me, naniniwala ka sa hayop na yan?mom asked kaya napailing na lang ako.

"Narinig nila lahat mom, nang galing na sa inyo ni Lolo ang totoo kaya tama na."

"Tsk, Hindi pa tayo tapos babae ka, hindi pa."ani ni mom na ikinangiti lang ni Elle ng nawala na sila mom sa harap namin siya namang pigil ko sa kamay ni Elle akmang kukunin ito ni Aidan na kasama niya rin ngayon.

"It's okay Ai, susunod ako sa inyo, susunod ako."

"You sure?"

"Yes, I can handle this."sagot ni Elle sabay alis nila Aidan dito sa harap namin.

"Let's talk."

"We are already talking Trevor, anong gusto mo sa kama tayo mag usap, bilisan mo na lang ang gusto mong sabihin may anak pa akong naghihintay sakin."sagot niya.

"Si Tristan, si Tristan, akin siya diba? No, I mean alam kong anak ko siya sa akin siya sa atin siya."

"Tapos? Tapos kana? Aalis na ako.

"Elle, sorry, please come back, bumalik na kayo ni Tristan sa akin."

"Tch, para ano? Para may karapatan ka pa rin sa ari-arian nang Lolo ko? Kung ganoon nga ang gago mo. Tsaka Trevor puwede ba, wag kang mag joke kung akala mong mabubura na lang nang ganoon kadali ang lahat nang sakit, hirap at maibabalik pa ang luha kong nasayang ko sayo nakaraan nagkakamali ka, wala ka ng babalikan, tapos na tayo naintindihan mo? Tapos na tayo!"Ani niya na ikinatahimik ko akmang aalis na sana siya ng pigilan ko ang kamay niya na ikinatingin niya na naman sa akin."

"Mahal kita Elle, mahal kita."

"Mahal? Alam mo pala ang salitang yan? Demonyo ka diba? Wag kang mag joke Trevor, you don't need to worry Trevor Sayo ang hospital mo, at bahay na ito, pero maliban sa mga nabanggit ko wala ka ng Ibang pagmamay ari, lalong lalo na sa lahat, hinding hindi mo na ako pagmamay-ari."

"Elle, asawa kita."

"Sa papel Trevor, sa papel pero baka nakakalimutan mong puwede mapunit ang papel?! At isa pa sinong nagsabi na makikipagbalikan pa ako sayo? Hintayin mo na lang ang annulment papers sa bahay mo. Mauna na ako."Ani niya sabay kalas sa hawak ko.

"Hilingin mo na lahat, pero hindi ang pakikipaghiwalay sayo, mamatay muna ako bago ka makawala sa Apelyido ko Elle, akin ka noon, at akin pa rin ngayon, hinding hindi tayo maghihiwalay makikita mo babalik ka sa akin, babalik kayo ni Tristan sa akin, hindi ako susuko Elle hinding hindi."

"Tch, then try harder Trevor, try harder."

"Elle.

"Mag dusa ka muna, bago mo makuha ang gusto mo, dahil pinapangako ko, hinding hindi na ako magiging marupok sayo."

Hart Moon

The Taste of HER COMEBACK (The Tears of the Martyr Wife) Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon