Simula

171 5 0
                                    

I'm different. Out of the dozen, I'm probably the only one that is trying not to be relevant because I love the comfort of living my life this way-carefree, and just like what most say-naughty.

Taliwas sa nakasanayan sa tuwing maririnig ang apilyedo ko.

"Hiñago, Damian Antonio."

I stood up boredly and walked my way to the front of the class. Nang nakaharap ko na si Ma'am mukhang alam ko na ang sagot. Kakatapos lang ng quiz, and our class adviser is handing us our quiz paper that contained our scores.

I wonder what I got? I didn't study for it dahil inaantok ako, kaya sinunod ko ang payo ni Jake. Sabi niya, kung hindi ko alam ang sagot, I should choose between the options B or C at ayon sa kanya epektibo daw yon.

I smiled at our adviser. I flashed a kind of smile that would help me get away with anything.

"Wag mo akong ngingitian, Damian Antonio," she warned before handing me the yellow paper. "If you keep on continuing this happy-go-lucky behaviour of yours, hindi ko na alam ang gagawin ko sa'yo."

Mrs. Nunez probably saw through my tricks already. Nahimay niya na siguro ang pagkatao ko kahit na ilang buwan palang ang simula ng klase.

"Pasado ba, Ma'am?" I smiled.

"Matalino ka." Nameywang siya, at itinaas ang kilay. "Bakit hindi mo subukang kwentahin?"

Nakakapagod mag-mental compute. In the end, I shrugged. Whatever it is. It is what it is.

"Alam mo, Hiñago. Kung sineseryoso mo lang itong strand na kinuha mo, baka magsabay pa kayo ni Mondiego na tumanggap ng medalya sa Marso."

Imbes na mag-iba ang pananaw ko ay nginitian ko lang si Ma'am. "I just want to have some fun, Ma'am. I don't want to stress myself... I'm mean, look at Rahim," I pointed the poor guy at the far east side of the room. Nakapikit ang mata at umiidlip. Ewan ko kung bakit pagod pero clueless siya na nasasali siya sa usapan namin ni Ma'am . "He's getting older pretty quick. I don't want that to happen to me, hindi bagay sa akin ang wrinkles, Ma'am."

"Naku, Damian Antonio..." napailing siya sa akin. "O siya, bumalik ka na sa upuan mo, remember that you have an assignment."

I flashed one final smile na ibinalik ni Ma'am sa akin.

Matagal ko nang napansin na kada-ngumingiti ako ay parang umaayon ang lahat sa akin. Parang nginingitian rin ako ng araw. It works like a charm every single time. Well, except to my grandfather and father. But I know it works best on girls.

Instead of going back to my seat piningot ko ang ilong ni Rahim dahilan para mapabangon siya agad at bigyan ako ng masamang tingin. Umupo ako sa upuan sa tabi niya dahil absent yung may-ari.

"Fuck off..." he glared, inayos niya ang buhok at sinamaan pa rin ako ng tingin. "Ganyan na ba ang nagagawa ng break-up niyo ni Chesca? You're becoming a nuisance..."

"I'm not a sadboy like you, Mondiego," I laughed lowly, nasa harap pa rin kasi si Ma'am nagha-hand out ng papel.
I haven't told him that Chesca and I are done but he probably knew it because of his 'connections'. Hindi ko lang alam kung sa internet ba o sa tao.

Chesca and I have been on for about two months ever since the start of the classes. She's not my first girlfriend. Actually... she's the eleventh? Hindi rin ako sigurado. Madalas siyang may toyo at palagi na lang, kung hindi niya nakukuha ang gusto niya sa akin katulad ng pag-iwas sa ibang babae ay mabilis siyang makikipaghiwalay. Selosa, kahit mga kaibigan ko ay pinagseselosan. Hindi rin ako pinapayagan sumama sa mga kaibigan ko.

But boy, I can't do that. I want to have some fun too. Hindi lang naman sa kanya umiikot ang mundo ko.

Though I have to admit, my smile is not just exclusive to her. Kaya siguro nagseselos siya sa iba. Pero alangan namang simangutan ko ang mga kaklase kong 'mabait' sa akin?

Tamed: The 8th Hiñago (HS#01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon