Chapter 13

39 3 2
                                    

Chapter 13

The days went on. Ganoon pa rin, tahimik ako kay Den pero hindi naman ako nawala sa tabi niya. Lalo na ngayon dahil napapadalas ang practice niya with that Artiaga. Wala na siyang library time, ibig sabihin hindi rin ako makatiyempo sa kanya.

Sa katunayan nga ay mas naging malambing ata ako. Ewan ko ba, I probably miss her dahil nawawalan na siya ng oras sa library dahil sa practice, at siyempre pagwalang library time, wala rin kaming interactions.

Bihira na lang kaming mag-usap. Hindi ko rin naman siya matiyempohan sa chat dahil laging biyahe pa Lanao. Kung hindi naman ay tulog o kaya may prayer meeting.

I don't know, I miss her so much. Gustong-gusto ko kapag hinahaplos niya ang buhok ko, kahit hindi niya iyon ginawa ulit mula noong nakaraan. Inaantok talaga ako agad kapag nandiyan siya.

I purposely held her hand and guide it to caress my hair softly.

Nandito kami sa kiosk. Na-swertehan ata ako dahil nakita ko siyang mag-isa sa isa mga tambayan ng mga estudyante. 

"Para kang baby," she commented. "Gusto mo lagi na hinahaplos ang batok mo."

"I just don't mind being your baby, Denise."

I heard her click her tongue in annoyance. And lifted her hand from caressing my hair.

"By the way, may presentation kami sa grandstand mamaya. I'm not saying that you should watch, but if you have free time... ikaw na bahala."

"I'll cut class for you, don't worry." I joked.

"Wag mong susubukan," she threatened.

"Is that the PE group project you had with Artiaga?"

"Yes."

"Ayoko na lang palang manood," umirap ako.

"Edi wag," she shrugged.

"I told you, Den. Nagseselos nga ako." Inamin ko na yan sa kanya mula noong tinanong niya ako.

Ilang beses ko silang nakikita na nagsasayaw by pairs at sa kasamaang palad iyon pa ang kasayaw niya. Naiinis ako kaya sinabihan ko na lang siya. Pero ang babae ay talagang walang pake sa nararamdaman ko.

"Wala akong pake sa selos mo kung babagsak ako." She said bluntly.

Alam ko naman...

Sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. I circled my arms around her waist too, pero tinanggal niya rin agad iyon.

Is she mad at me? Last time I checked wala naman akong ginawang ayaw niya

Mukhang ayaw nga talaga ako ng tadhana. Because at that very moment tumunog ang bell. Indicating that recess time is over.

"What time will be your presentation?" tanong ko.

"1 pm."

Tumango na lang ako at umalis. I don't know what they are going to do. I didn't bother to watch their practice, mas pipiliin ko pang pumunta sa comshop at maglaro kesa panoorin silang dalawa.

Bandang hapon ay hindi muna ako tumambay sa room. Mabuti na rin at walang teacher na pumasok.

"Wala si Maam Herras. Siya daw kasi judge noong presentations sa STEM 12," sigaw ni Beatrice, one of my classmates. So that means na magkikita kami ni Maam sa presentation nila Denise.

Mabilis akong umalis sa room. I didn't care if Rahim was with me or not but kung sasama siya, edi mabuti.

We sat on the highest part of the grandstand. Wala namang masyadong tao maliban na lang sa mga nakikiusyuso. I saw Denise on the lower benches, naka-ayos na at may make-up na rin. Their music played loudly on the speakers. If I'm not mistaken, the song is Sway.

Tamed: The 8th Hiñago (HS#01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon