Chapter 6

40 2 0
                                    

Chapter 6

Annoyed

"Mahal, hindi ka ba nagugutom?" tanong ko kay Denise.

Agad niya akong nilingon at sinamaan ng tingin. I just looked at her innocently. But she kept on giving me death glare na pilit ko ring hindi inaalintana.

"Hindi ka ba titigil?" taray niya.

"Nagtatanong lang naman ako, Den," I pointed out. "Ano bang paborito mo? Libre ko."

"Hindi ako gutom..." iniwas niya ang tingin. Hindi talaga ako naniniwala. Pagbalik ko tingnan lang natin kung totoo ba yang sinabi niyang hindi siya gutom.

Ilang araw nang ganito ang eksena naming dalawa. Madalas niya akong iniiwasan and I kept on pestering her, gusto man niya o hindi. Bumibili ako ng maruya sa counter nang may biglang sumulpot sa tabi ko. Yung maiit na kaibigan ni Denise, Hani ata ang pangalan.

"Nasaan si Denise?" she asked me

"Nasa kiosk, nagsusulat," sagot ko naman.

"Bakit mo alam?" tanong niya, sinusungitan rin ako. Parehas sila ng ugali noong kaibigan niya.

"Malamang dahil magkasama kami,"

Binigay na ng tindera ang gusto kong maruya. I showed it to Hani. "I'm buying some foods for her."

Pinanliitan niya ako ng mata at talagang sinuri ako. Halatang walang tiwala. I was about to leave but I saw Denise walking this way towards her friends, particularly to Hani.

"Hani..." Denise tapped her shoulder. "Kumain ka na ."

"Oo..." biglang lumambot ang boses ni Hani kay Denise. "Upo ka na doon, nandoon na sila Soule, at Cora."

I gently grabbed Denise's arm. Nilingon niya ako. Iniangat ko ang maruya sa paningin niya.

"Mahal, binilhan kita ng maruya..." sabi ko. From the peripheral view I saw her friend, in shock. Mouth gapped and eyes widened.

Nanlaki ang mata niya sa ginawa ko. I love the shocked face. We got into a little staring contest until slowly I saw her cheeks getting red, ears flustered. She's blushing... or maybe, the otherwise. She might fuming mad. I can't really differentiate.

Sa huli, sa tingin ko nanalo ako dahil tinanggap niya ang maruya na binili ko.

With a grin on my face I went back to my friends' table. Jaq gave me a slow clap. "What's the score? Kayo na ba? Ang bilis mo naman master."

"Ayaw niya nga mag-boyfriend." Inirapan ko si Jaq before I scrolled on my phone. I reacted sad on some of my friends sadposts. Some of them, kay Rahim. Hindi naman masyadong halata na sadpost ang ni-share niya. Wala, matalino lang kasi nakakagets. Halatang-halta sa akin na hindi pa rin siya nakakamove-on sa ex niya. 

"Bakit may callsign kung hindi pa pala?" tanong naman ni Brett.

"I'm bored. And she's the exact type of girl na alam kong hindi bibigay kahit pa anong landi ko sa kanya."

Doon na ako tinaasan ng kilay ni Rahim at inangat ang tingin niya galing sa isang libro. "How sure are you?"

"She's solid," I shrugged.

"Kung ayaw naman pala sayo bakit ka naman bibigyan ng letter?" tanong niya.

I'll take it to the grave that Denise's letter is meant for him. I will never say it. Magkamatayan na. I shifted the topic when I noticed the bookcover of the book he was holding. It's not a wise book this time, but rather fiction, specifically under the genre of...romance?

Tamed: The 8th Hiñago (HS#01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon