Chapter 12

49 2 0
                                    

Chapter 12

Saturday and we spent most of our time on the Hacienda. Isang araw an puno ng utos. Nagsabay ang harvest ng kopras ni Lolo at harvest ng mga saging niya kaya busy ang lahat. Ni hindi pa nga ako nakatulog mula sa takas ko kagabi.

"Damian, tawagin mo yung asawa ni Maria. Sabihin mo kailangan natin ng isa pang mangunguhit para mas mapadali ang trabaho, gamitin mo pangalan ko." he commanded.

Agad akong tumango at pumunta sa mga kwartel para kunin ang kabayo na sasakyan ko papunta sa bahay nila ate Maria.

Pagka-tanghali naman pabilog kaming kumain sa kubo sa gitna ng Hacienda. Kasama ang iba pang trabahante sa Hacienda.

"Don Hiñago, mabuti po at walang maaarte sa mga apo niyo ano? Lahat pod tumutulong rito sa Hacienda tuwing ani."

Nagkatinginan kaming tatlo ni Rheese at Daniel. Did I forget to mention Claire? Nandito rin siya at siya ang nagluluto, nagpri-prito ng tuyo. Nasali siya sa tinginan namin. She looked meaningfully at us. Habang kami rito parang tatlong unggoy na nagtitigan at kumakain gamit ang kamay, nakikinig sa mga trabahante na nagkwe-kwentuhan.

"Oo nga po, ang sisipag po nila." Sabi ng isa.

Nakita ko agad ang paggalaw ng tenga ni Daniel at pagngisi ni Rheese. Claire snorted disagreeing with the idea.

"Parte yan ng pagsasanay nila." Lolo just shrugged and adjusted his hat.

"Sino na po ba ng magmamana ng mga ari-arian mo, Don Hiñago?"

Nandito nanaman tayo sa usapang mana at ari-arian.

"Wala pa aong nakikita sa kanila. Kaya talagang totoo na hindi pa ako pwede mamatay. Wala pa akong tagapagmana, hindi naman pwedeng sa mga anak ko dahil meron na silang kanila, at isa pa naglilingkod sila sa bayan, temptasyon ang yaman sa mga politiko."

"Ayaw po ba ni Juan manahin ang ari-arian niyo?" tanong ng isa. Pertaining to my Dad. Of course, Dad is the only Haciendero like Lolo. Tumutulong naman si Papa pero ayaw niya rin manahin ang yaman ng pamilya.

Siguro, one of the biggest flex in our clan is that we don't fight over the lands and properties like all other Filipino families out there. I can't say that it's because of their wealth, but it's because of the virtues and values that Lola planted deep in their minds before she died, and also. Traditions of the family.

Hindi naman kaming lahat may regalo galing sa Dios na mag-nesgosyo. Pinipili ni Lolo kung sino ang may mapalad na kamay na magaling sa paghawak ng pera. So far, si Kuya Javi ang nakita niya ng ganoon dati, ewan ko lang ngayon.

Umiling si Lolo. "Ayaw ni Juan."

"Si Morgan ba?" tanong nila tungkol sa Kuya ni Satari, "O yung isa na nasa America."

"London," Lolo corrected. "Si Razi at Morgan ba kamo?" he gave his grin. "They're so independent. I tried to tell them to manage it sometimes but they're busy making their own names. Minsan nga naiisip ko, kay Natalia Cecilia ko na lang ibigay..." biro ni Lolo. "Kaso isa rin yon, mas independent pa kay Javier. Kung buhay ang apo kong iyon ngayon ay baka siya na rin ang kasalukuyang alkalde ng Cariñas. Hindi niya matututukan ang Hacienda dahil ipinanganak iyon para mamuno."

I looked down the moment I heard my brother's name.

It's true anyways, I agree. Kuya Javi has always been the standard. He's smart and capable, kind and loving.

Bandang hapon na kami umuwi ng Casa. The weekend ended the same, as usual pumunta kami ng simbahan, Sunday morning. Buong pamilya. Maliban na lang sa mga miyembro na nasa Lanao, Zamboanga at Maynila.

Tamed: The 8th Hiñago (HS#01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon