Chapter 14

36 3 0
                                    

Author's Note: Sorry I was not able to update yesterday due to the numerous schoolwork we had. However, here it is. Chapter 14. Thank you for waiting. Don't forget to like, comment, and share if you think that the story deserves recognition. 

Chapter 14

Demand


I hate how this thing turned out. Ilang araw na naman akong hindi pinapansin ni Denise. Ni hindi ko na nga rin mahagilap eh. Hindi na pumupunta sa library kahit na wala naman na siyang practice.

Even in socials, I can't see her. Sa tingin ko ay blocked rin ako.

Nakakainis.

Dapat ko na bang i-level up ang galawan ko?

"Salvacion, kindly help me bring the projector's screen to the STEM – A – 12." Agad na napanting ang pandinig ko nang sinabi ni Ms. Herras iyon.

I, who was nearer, volunteered myself kahit iba ang tinawag. The hell that I'm going to miss this chance. Classroom nila Denise yon, for heaven's sake!

"Ma'am, pwede pong tumulong ako?" I asked politely, which was so unlikely.

"That's strange..." Ms. Herras eyed me. "But yes you may."

"May sadya rin naman po kasi ako roon eh."

She smirked and nodded knowingly. Tumulong si Salvacion sa pagbubuhat dahil nga may kabigatan ang screen. Tumawid kami ng quadrangle para sa building ng STEM-A, umakyat pa ikatlong palapag para lang talaga sa screen.

Pagkarating namin roon, hindi ko agad nalibot ang paningin ko sa buong klase dahil na-busy kami ni Ma'am na i-adjust ang projector at screen.

"Damian, pakitanong nga si Sujarez sa likod kung nasaan ang HDMI nila. Mas compatible kasi yon sa laptop ko eh," she told me.

I smiled and nodded.

I looked around to look for her. Madali ko siyang nakita sa gitna ng halos limampung estudyante sa klase. Dugtong ang kilay niya nang nagtama ang mata namin. She even raised a brow at me, bagay na nakakainis at nakaka-miss. How long has it been since we last talked? Nag-away pa kami non ah?

My feet ate the distance between us and I slowly leaned in to whisper at her. Alam kong may mga reaksiyon ang mga kaklase niya, pero I'm busy staring at her so I don't really mind kung kinikilig ba sila o naiirita.

"Pwede ba daw manghiram si Ma'am Herras ng HDMI niyo?"

She sighed and stood up. She went straight for the Adviser's table at the back and pulled a drawer. She must've been a trusted student of their adviser. Madali niya lang nakukuha iyan sa sa drawer ng teacher. She must be a class secretary or something.

She handed it to me and attempted to go back to her seat. Before she could do that, I held her wrist to make her stop.

"Did you block me?" I dropped the bomb question.

"I restricted you."

Hindi man lang siya kumurap nang sinagot ako. Binawi niya ang braso niya, pero pinigilan ko iyon agad.

"Can we talk please..." I begged. "Wag mo naman akong iwasan, Den."

"Wag na, hindi na kailangan." Iwinalikwas niya ang kamay ko.

I was about to get it back but damn, I forgot why I was here for a moment. Bigla akong tinawag ni Ma'am Herras.

"Damian, mamaya na yan. Akin na ang HDMI."

I had no choice but to do so. Pero agad rin naman akong bumalik kung nasaan si Denise. I sat beside her and she got no choice but to stay dahil wala nang ibang upuan. Sinwerte nga siguro ako dahil walang nakaupo sa tabi niya.

Tamed: The 8th Hiñago (HS#01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon