Chapter 29

34 2 0
                                    

Chapter 29

Rest

"Hiñago, Damian Antonio."

Mabilis akong tumayo at biglang natigilan. I suddenly felt a de javu. Nangyari na ba 'to noon? I feel like this happened before.

"Hiñago!" It seems like I made her wait. 

Mabilis akong pumunta sa harap. Nagquiz kami kahapon, I wonder how many points I got? Pinag-aralan ko yon ng mabuti sa gasolinahan. It would really frustate me if I didn't achieve something high.

"Congrats, Hiñago," bati ni Prof Hernandez "You achieved high scores. Your grades are not that bad either on my subject too, you have a high chance to receive Latin honors next year just like your friend. Keep it up, okay?"

I smiled and nodded. "Thank you po."

Mabuti naman. Buong ngiti akong bumalik sa upuan dala ang papel at nilagay iyon sa bag. I'm third year and thriving as a part-timer and a LegMa student.

Rahim stretched his arm for fistbump na agad ko namang tinanggap. "May mabuti atang naidulot sa'yo ang paglalayas."

I chuckled. Not really. It was really hard. Ang hirap pagsabayin ng pag-aaral at pagtratrabaho. Madalas akong kinukulang ako ng tulog.

"Nga pala, did Deo really tranferred here for good?" tanong niya. Si Deo na pinsan ko ang tinatanong niya sa akin.

"Ngayon mo lang natanong? Matagal nang nagsimula ang klase ah? Hindi ba kayo nagkita doon sa birthday party ni Lolo noong nakaraang buwan?"

"I saw him and he seem to like... my sister."

I chuckled and avoided his gaze. "Namamalik-mata ka lang siguro."

"I hope so..." mataman niya akong tiningnan.

My cousin Deo. Siya lang ang kasundo ko dahil bukod sa parehong taon kami pinanganak. Siya na ata ang pinakamabait na lalaking apo ni Lolo. Of course, my complete opposite.

Hindi na ako oblivious sa katotohanang matagal nang crush ni Deo ang kapatid ni Rahim.

At sa lahat ng naglayas, ako lang ata ang naglayas na bumabalik sa pinaglayasan. Hindi naman palagi pero tuwing may okasyon lang. Death anniversary ng kapatid ko, birthday ni Tarrie at Claire, tapos birthday ni Lolo.

Unlike the first few months of my struggle to live alone,  nakikipagkita na ako sa mga pinsan ko ngayon. Hindi na ako umiiwas sa kanila. Although hindi ko alam kung galit pa rin sa akin si Lolo. Siguro galit pa rin at hindi niya lang ako pinapansin tuwing umuuwi ako sa Casa para sa mga okasyon.

"Deo," tinapik ko siya sa balikat. Narito siya sa mini gazebo sa sulok ng college nila.

"Oh?" ngumiti siya. At hininto ang pagguhit sa project niya. "Bakit?"

"Pupunta ka sa Sanctuary di ba?" tanong ko. "Kasama mo si Fri at Tarrie mamaya?"

Tumango siya at ngumisi. "You want me to fetch Denise?"

I shrugged. "Of course. Please, ihatid mo siya pauwi. Wag mong hahayaang si Dale ang maghatid."

"Anong ginagwa mo rito, Ton?" umupo rin si Tarrie sa tabi ko. Ang dami niyang dalang plates at sobrang gulo ng buhok niya may dala pa siyang malaking T-square.

"Pupunta kayo ng Sanctuary mamaya di ba?" tanong ko.

Tumango siya. "I-try mo kayang sumama?"

Umiling ako. "May trabaho ako, Tarrie."

She pouted. "But Denise is there! Sila ang tutugtog mamaya."

Umiling lang talaga ako. As much as I want to, I need to attend to my job.

Tamed: The 8th Hiñago (HS#01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon