Chapter 8

29 2 0
                                    

Chapter 8

Caring

Hinampas ko nang malakas ang bola ng volleyball papunta kay Jaq. Sa kanya ko nabunton ang inis ko dahil sa panggagantso niya sa akin kanina. Ako namang si Tanga, nagpagantso naman. Nakakainis.

"Babalian mo ba ako, Master?" he chuckled. "Wag ngayon, may match ako against LN ngayong Provincial meet. Pag nabalian ako, isusumbong kita sa principal dahil ng dahil sayo mababawasan tayo ng valuable players."

"Wala akong pake, kung gusto mo ako pa pumalit sa'yo eh." I threatened.

"Hindi papayag si Coach." Iling ni Jaq at natawa. "Bawal ka kasi mainitin ang ulo mo, baka manuntok ka sa laro."

I spiked the ball towards his face, pero sa kasamaang palad. Ni-receive niya lang. Ang galing rin talagang sumalo ng tanga. Libero ngang tunay. Sa inis ko ay umalis ako sa court at dumiretso sa library kung saan malamig ang simoy ng hangin.

Denise was in the corner again. Grabe, araw-araw siyang nag-aaral? So unbelievable.

Hindi ko na lang pinansin at doon ako sa kabilang lamesa umupo. Kung saan malakas ang hangin. Bakit ba hindi ako nagdadala ng twalya? Tumatagaktak ang pawis ko, at hindi ko alam kung dahil ba sa inis ko kay Jaqo sa init na nararamdaman ko kung bakit parang badtrip na badtrip ako ngayon.

"I was right," Denise voice caught my attention. Nakahalukipkip siya at nakatayo sa gilid ng mesa. "Nandito ka na naman."

"Continue studying and don't mind me," irap ko. "Hindi naman kita iistorbohin. Nagpapahangin lang ako rito sa may bintana.

"Abot sa kabilang dulo ng kawartong to ang pabango mo, pagpasok mo pa lang alam ko nang dumating ka."

"Then you should've ignored my scent."

Pawis na nga ako tapos pabango ko pa rin ang naamoy niya? The age old perfume scent of our clan really is something. Si Rheese lang ang kadalasang gumagamit noon at sina Papa at Tito. I prefer to have a fresh scent na parang amoy bagong ligo. Lately ko lang napagisipan na pakialaman yung mga pabango nila sa bahay.

Inirapan niya ako at umalis na lang bigla akala ko ay hindi niya na talaga ako pinansin pero nagulat ako ng biglang may tuwalyang tumama sa mukha ko.

"Magpunas ka, ang dugyot mo na tingnan."

"Edi wag mong tingnan," irap ko kahit sinunod ko naman ang sinabi niya. Lihim na lang akong napangiti sa ilalim ng tuwalya. Para siyang si Mama...

"Wag mo kong pilosopohin Damian." She warned.

"Ako lang ang dugyot na mabango kung ganoon?"

Inirapan niya lang ako at iniwan bumalik siya sa lamesa niya. Far away and to the angle where I can't see her. I looked at her goodmorning towel, now it was soaking wet because of my sweat. May initials niya pa nga... D. N. S.

Is she worried that I might catch cold or get sick?

"Den..." I called out softly to her. Hindi naman magagalit ang librarian kung lalakasan ko ng kaunti ang boses ko hindi ba? Kami lang namang dalawa ni Denise rito.

"Ano?" she replied. Still annoyed.

"Hihingiin ko tong towel mo. Pwede?"

"Mayaman ka, bumili ka ng sa'yo."

"Wala na akong pera..." biro ko. Totoo naman, nabudol ako ni Jaq kanina.

"Mahirap paniwalaan."

I chuckled. For a few minutes, silence dominated the place which made it more windy. When I was almost getting sleepy, lumipat ako ng lamesa kung nasaan si Denise. Her brows stitched up together as she scanned me.

"Matutulog ako..." paalam ko.

Umirap lang siya at nagbasa. Grabe, hindi ba siya napapagod magbasa? I stared at her in silence, I thought that I would get more sleepy pero hindi. I was wide awake.

"Den..."

She just raised her brow as if asking me 'what?'

"Do you have any siblings?" I asked. Kunwari ay hindi ko pa alam ang totoo.

"May tatlo akong kapatid na lalaki, lahat sila mas bata sa akin ng ilang taon," sagot niya.

"Panganay ka pala?" I asked.

"Oo..."

"Bunso ako eh..." I replied. "Apat rin kami, puro lalaki."

"Kaya pala," she sighed. "That explains why you are so happy-go-lucky and why you don't take no for an answer. Spoiled youngest son."

I chuckled. Hindi ko alam kung iniinsulto ako o pinaprangka. "Oh? You are judging me by the chronological order of my birth?"

"No, I'm describing you." Damn, she's straightforward.

"My turn, panganay ka kasi kaya ka masungit. Minsan para kang nanay at kung anong gusto mo iyon dapat ang masunod." I rebutted.

"Marami lang akong responsibilidad sa buhay hindi tulad mo," she shrugged. "Ayos lang na magbulakbol dahil nga bunso at laging pinapaboran."

"Bakit ka naman nang-aatake, mahal?" I asked so lovingly to the point that she got annoyed again.

"Damian... isa," binilangan niya ako.

"Masyadong kang stressed sa responsibilities mo. Hindi yan maganda, mahal."

"Do you know how I need to be perfect all the time para lang maging role model sa mga kapatid ko?" she asked rhetorically.

Her words kinda halted me and brought me back to the time when I overheard Kuya Javi and Ate Nacy's conversation before. It was the same words that I heard from the First Hiñago, my eldest brother.

"Kinakailangan kong maging perpekto palagi dahil ako panganay, I have to be a good example for my younger siblings and cousins as well... And sometimes it's hard to live this way... But seeing them finding their dreams and passions... I want to prepare the way for them too. Somehow I know it will all paid off once I see them grow into a bunch of good people who will help a lot more people."

I smiled bitterly at Denise. "You don't have to try to be perfect Denise..." iling ko. "I think you already are perfect."

"I have to..." her mind is made up.

"But you won't be able to live your life as yourself... Mahihirapan ka."

"Ano bang pinagkaiba?" she asked. "Nahihirapan na nga ako eh... Ipagpapatuloy ko na lang, magiging worth it rin to sa huli."

She got the same mindset as my brother.

"Wag kang magpapawis masyado tapos patutuyuin ang pawis sa katawan mo, Damian," she shook her head. "Mahirap magkasakit."

Now, I understand. That is just her sisterly instinct. Nasanay siguro siyang maging maalaga sa mga kapatid niya. Kaya unconsciously nagagawa niya rin sa akin.  

Tamed: The 8th Hiñago (HS#01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon