Chapter 30

39 1 0
                                    

Chapter 30

Grow


"Hindi pa rin ba kayo, nagbabati ni Cady?" tanong ni Deo nang magising siya. Binisita ko siya rito sa Casa, kakalabas niya pa lang ng hospital.

I chuckled bitterly and shook my head. "Siraulo ka kasi. Sabi ko sa'yo mag-ingat ka. Ngayon pati si Rahim galit sa akin."

I clicked my tongue and felt the pang on my burst lips because of Rahim's punch. I don't know which fight I'm most upset with. Imagine your brother at heart and brother by blood both mad at you. It sucks. 

"Siya ang sumapak sayo no?" Tumawa siya. "Imbitahan mo siya mamaya sa plaza. Magdadala ako ng bola."

I don't know what his plans are. Sabado naman ngayon, at tapos na ang klase namin. I did what he said. Nang sinabi niyang magdadala siya ng bola umuwi ako sa apartment, nagpalit ako ng damit at nagsuot ng jersey.

I also play for the school. This year, I tried out and played for the university. Pero naki-usap ako sa coach na hanggang ngayong taon na lang ako maglalaro. Sobrang hirap na talga pagsabayin ng lahat. Thankfully we're done with that. 

Ala-una nang hapon nang dumating ako sa plaza. Deo's there already. Naka-wheelchair na tulak-tulak ni Claire kasama si Tarrie.

"Oh? Paano tayo maglalaro niyan? Nakawheelchair ka pa." I scratched the back of head. 

He smirked. "Who said na tayo ang maglalaro?"

He took out his phone and typed. Ilang segundo lang ang lumipas at nakatanggap na rin ako ng message. We have a group chat. The one where the oldies are not included, just us, cousins and distant cousins, the Castillejos.

Ang chat ni Deo sa gc? Just a simple basketball emoji.

Deo: Basketball. 1:30 pm, plaza.

Pasado ala-una pa lang at nang pumatak ang ala-una diyes. Isa-isa nang nagdatingan ang mga Hinago. Unang dumating si Rheese, bumaba ng bigbike. Sumunod naman ay sina Cady, Isaiah, Morris, at Morgan. Lulan ng iisang sasakyan. Si Lincoln dumating rin, at naka-formal attire pa galing siguro ng university.

Frian came too kasama si Daniel.

"I told you. Chat mo si Rahim." Sabi ni Deo sa akin.

"Hindi ko alam kung pupunta yon, galit siya sa akin," sagot ko.

Deo snatched my phone and laughed. "Dali Claire! Itakbo mo ako!"

"Ambigat mo!" reklamo ni Claire na tagatulak ng wheelchair ni Deo.

"Hintay naman!" sabi ni Tarrie.

Huminto rin ako ng habol sa kanila at nameywang. Walang password yung phone ko. At wala rin naman akong problema kung sakaling makita nila na si Denise pa rin ang wallpaper noon.

"Ako na mag-cha-chat kay Rahim por bida..." I sighed and snatched back my phone.

Ayaw noon mag-basketball. Ayaw noon pagpawisan, he sees basketball as a very tiring thing to do, ayaw niyang naaamoy niya ang pawis ng ibang tao. Ewan ko kung pupunta yon.

Tumikhim si Claire. "Papuntahin mo rito. Sabihin mo magdala ng pagkain."

Kumunot ang noo ko. "Hindi ba yon grounded?"

"Kailan ba yon naging grounded? Paboritong anak yon." Umirap si Claire. "Si Nowie ang grounded dahil nabaril ang isa rito."

I looked at Deo and smirked. This time, he looked so sulky.

Tapos ko nang i-chat si Rahim. Ang sinabi ko lang, 'Basketaball. 1:30 pm, Plaza. Dala ka daw ng food sabi ni Claire. Nandito kaming lahat.'

He saw it. Nakita niya at nagsend lang ng like.

Tamed: The 8th Hiñago (HS#01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon