Chapter 40

40 1 0
                                    

Chapter 40

suitor

Pinakiramdaman ko ang reaksiyon ni Pastor Elijah sa sinabi ko. His lips slowly formed into a little smile. "Akala niyo siguro hindi ko nahahalata? Hinihintay ko lang kayong umamin sa akin."

Napatawa ako at nawala ang kaba. Denise scratched her forehead. "Tito naman..."

"Eh so... katulad nga ng sabi mo with marriage in mind. Ibig sabihin niyan kung sagutin ka na nitong maganda kong pamangkin, nakatakda na kayong ikasal? Hindi na kayo dadaan sa pagiging magkasintahan?"

I looked at Den. I waited for her answer.

Well, those are my plans. If she wants she can change it. Although, breaking up again is not part of the option. Because actually there's only one option. The altar. Iyon lang ang ending na gusto ko. Ang tumandang kasama siya.

I want her to be sure of everything. Gusto ko rin maging sigurado na siya sa akin. Kasi ako... sigurado na ako sa kanya... matagal na.

"Magkasintahan naman kami sa panahon na paplanuhin ang kasal di ba? It's the same thing Tito. Tsaka naging boyfriend ko na siya dati..."

Makapagsalita tong babaeng to para namang sinagot niya na talaga ako.

"So sinagot mo na siya?" Tanong ni Pastor Elijah.

"Tito hindi pa naman sa ganon..." Denise shook her head. "I just need to look for possibilities and have them situated in my head so I can d-decide..."

Sus. Ang galing magpalusot ng Denise.

"Sandali nga... bakit ako lang ang may reaksyon rito?" Pastor Elijah's forehead creased as his neck turned to his sibling Tita Loisa. "Kayong dalawa? Sinabihan na kayo nitong dalawa?"

"Sinabihan ako ni Damian nong birthday ko..." tumawa si Tita Loisa.

"Ako naman... Alam ko na... nararamdaman ko." Tito Paulo answered while eating.

Pastor Elijah snorted. "Nagpapakiramdaman lang pala tayo rito sa dalawa?"

"Matanda naman na si Den. Hindi na sila highschool. At saka... nakita ko naman ang kalidad ng manliligaw niya. Sa kakayahan at sa pagpaparamdam ng pagmamahal... mas ako pa ang nahihiya." Tito Paulo said meaningfully. "My daughter deserve all the love and quality. At hahayaan kong maramdaman niya iyon. At kung sakaling magloko man si Damian..." Tito Paulo looked at me. "Wag mo siyang sasaktan, isoli mo na lang sa amin kung sakaling mapagod ka sa kanya. Wag mo lang siyang sasaktan."

"Papa... ano ba yan?" asik ni Den. When I looked back at her that's when I chuckled. Kumikintab ang mata niya na para bang iiyak na. "Hindi naman to pamamanhikan eh. Para mo naman akong pinapamigay."

"Nak, hindi naman sa ganon..." Tito Paulo sighed and stopped eating.

Tita Loisa intervened in them. "Denise, it's time..."

Siguro ay dahil na rin sa mga taon na hindi niya masyadong naalagaan ng maayos ang mga magkakapatid kaya niya nasabi iyon.

He probably feels resentful that he spent Denise's teenager days wastefully by not being a good father. Well, it's not my words but Denise's, issue na nila ng tatay niya yon. I could only hug her those times.

"Nanliligaw palang naman po ako," I said. "Kinakabahan nga po ako. Kasi malaki pa rin ang posibilidad na hindi ako sagutin."

Biglang tumikhim si Pastor Elijah. "Den masakit pa ba yang puson mo?"

Umiling si Den. "Hindi naman na masyado, Tito..."

"Samahan mo si Josue..."

"Bakit saan po pa ako pupunta?" tanong naman ni Josue na parang nagulantang. Nakita ko ang panlalaki ng mata ni Pastor kay Josue. Agad na napatango si Josue kahit parang ngayon niya lang rin nalaman na may lakad siya. "A-Ah! Oo nga pala may lakad ako. Di ba dapat sumama ka Ate?"

Tamed: The 8th Hiñago (HS#01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon