PROLOGUE

80 1 0
                                    

[TW: VIOLENCE]

"Luis!"

Agad akong nagtago sa ilalim ng mesa habang nanginginig sa takot. Boses palang niya alam ko na agad kung ano ang gusto niyang gawin. Natatakot ako sa kaniya. Lalong lalo na lasing na naman siya ngayon.

"Bwiset kang bata ka! Nasan ka!?"

Napakagat ako ng labi ko habang nakayakap sa tuhod ko. Naluluha na rin ako dahil sa matinding takot na naramdaman ko dahil sa kaniya.

Ilang beses nang nangyari sa akin ito. Ilang beses niya nang ginagawa sa akin ito. Sa murang edad, tinitiis ko na ang pagmamaltrato sa akin ng sarili kong tatay. Tiniis ko ang masasakit na salita, palo, suntok, sampal at tadyak niya sa akin. Hindi na nga nawawalan ng bakas ng pasa ang balat ko dahil paulit-ulit lamang niyang ginagawa iyon lalong lalo na kung lasing siya.

"Bakla ka na nga, hindi ka pa mapapakinabangan dito sa bahay!"

Mas lalo akong napayakap sa tuhod ko nang maramadaman ko ang yabag niya papunta sa gawi ng kusina. Nandito ako ngayon sa ilalim ng mesa at panigurado akong sisilip siya dito at makikita niya ako. Panay ang panalangin ko na hindi niya ako makikita dahil alam kong sasaktan niya na naman ako.

"Luis! Di ka pa ba lalabas diyan!? Malilintikan ka talaga sa aking bwiset kang bata ka!"

Lord kayo na po bahala sa akin.

Dinig ko ang kalabog at kalansing ng mga gamit sa taas ng mesa. Alam kong galit na galit na ang tatay ko. Alam ko na kapag makita niya ako rito, mapapatay niya talaga ako.

Wala nang magtatanggol sa akin dahil mismong ina ko iniwan ako dahil sa kasamaan ng tatay ko. Ang hirap kung wala kang matatakbuhan sa oras na kailangan mo ng taong magtatanggol sa iyo. Hindi naman nangingialam ang mga kapit-bahay namin sa amin kasi natatakot din sila kay papa.

Nang makita ko ang mga paa ni papa, mas lalo akong nanginig sa takot lalong lalo na ng sinilip niya ako sa ilalim ng mesa.

"Nandiyan kalang pala na hayop ka! Halika dito!"

"Pa! Huwag po!"

Agad niyang hinablot ang isang paa ko at hinila ako palabas doon sa mesa. Panay lang ang pagmamakaawa at iyak ko. Ngunit kung maka trato sa akin si papa parang hindi niya ako anak!

"Bwiset ka! Kanina pa ako tawag ng tawag dito, nandiyan ka lang pala!" Sigaw niya.

Halos uminit ang mukha ko nang maramdaman ko ang paghampas niya ng palad sa pisngi ko. Napatingin ako sa gilid at nalasahan ko agad ang dugo mula sa gilid ng aking bibig.

"Pa! Huwag po!" Pagmamakaawa ko sa kaniya nang makita ko siyang kumuha ng dos por dos.

"Anong huwag!? Kailangan mong bigyan ng leksyon, hayop kang bakla ka!"

"Pa!" Agad niyang hinablot ang isang braso ko at pabagsak ako isinisubsob sa pader.

Sa murang edad, nasanay na akong indahin ang sakit ng damdamin at katawan. Masyado na akong manhid doon pero ang takot ko sa papa ko mas sobra pa doon.

"Aray po, pa! Tama na po!"

"Bwiset ka! Hayop ka! Bakla ka! Salot ka!"

Napapikit ako ng mariin nang marinig ang mga katagang iyon mula sa kaniya. Mas masakit pa ata ang mga salita niya kesa sa pamamalo niya sa akin ng dos por dos.

"Wala ka na ngang kwentang tao, naging bakla ka pa!" Sigaw niya ulit.

Ramdam ko na ang panghihina ng tuhod ko. Ang sakit² na rin ng katawan ko. Ngunit wala akong magagawa, wala akong lakas na labanan si papa. Masyado siyang malakas kesa sa akin kahit lasing siya.

"Mama ko! Tulungan niyo po ako!"

Panay ang tawag ko kay mama. Nagbabasakali na darating siya para protektahan ako.

"Anong mama ha?"

Tumigil siya sa pamamalo sa akin at agad akong hinarap sa kaniya at pinisil ng mahigpit ang pisngi ko. Parang hindi na si papa ang nakikita ko ngayon, parang demonyo na.

"Wala ka ng mama! Lumandi na iyon sa ibang lalaki! Malandi 'yang nanay mo! Kaya huwag mo na siyang hanapin pa kasi pareho kayong walang kwentang dalawa!"

Agad niya akong sinampal ng dalawang beses sa magkabilang pisngi. Gusto ko nang makaalis dito! Ayaw ko na dito! Ayaw ko ng kasama ang papa ko! Tulungan niyo po ako, pakiusap po!

"Itong tatandaan mong salot ka," madiin niyang sabi ng pisilin niya muli ang pisngi ko habang dinuduro ako. "Wala ka ng kakampi ngayon dahil ang mga kagaya mong bakla dapat binibigyan ng leksyon para matauhan! Bakla ka na nga, bwiset ka pa sa buhay ko! Sana 'di nalang kita naging anak! Nakakahiya ka!"

"Papa..."

Hindi na ako makasalita dahil ang bigat-bigat na nang nararamdaman ko. Ang sakit sa dibdib na marinig ang mga katagang iyon mula mismo sa tatay ko. Hindi ko inaasahan na maririnig ko iyon mula sa kaniya.

Buong buhay ko pinagmamalaki ko siya bilang ama, kasi sa kabila ng lahat ng ginawa niya sa akin, hindi niya pa rin ako iniwan kagaya ng ginawa ni mama. Kahit sinasaktan niya ako, umuuwi pa rin siya sa bahay. Kahit hindi niya na ako alagaan maramdaman ko lang na may magulang pa rin ako sa tabi ko masaya na ako.

Ngunit pagkatapos niyang sabihin iyon, parang bumagsak ang mundo ko. Parang gusto ko nalang mawala na rin sa mundo kasi mismong mga magulang ko sinukuan na ako, mukhang pinagsisihan nila na pinanganak pa nila ako.

Ganito ba talaga kapag bakla ka? Isa kang malaking kasalanan sa mundo? Kaya maraming tao ang ayaw sayo dahil bwiset ka? Salot ka? Dahil bakla ka?

Hindi ko naman ginustong maging ganito ngunit ito ang nararamdaman ng puso ko. Ito ako, ito ang tunay na ako. BAKLA AKO. At ano ba ang mali kapag naging totoo ka sa sarili mo? Wala naman akong ginagawang masama? Wala naman akong inaapakang ibang tao? Pero bakit ayaw pa rin nila sa akin?

"Pa, bakla po ako! Doon ako masaya," paliwanag ko sa kaniya.

Halos basang basa na ako ng pawis at luha. Hinang hina na rin ang katawan ko. Parang gusto nang bumagsak ng mga paa ko sa lapag. Ang sakit² ng dibdib at katawan ko. Hilong-hilo na ako.

"Bakit hindi niyo pa rin po ako tanggap? bakit sa halip na protektahan niyo ako, kayo pa mismo ang naghuhusga at may ayaw sa akin? Gaano po ba kasama ang maging isang bakla, pa?"

"Dahil kampon kayo ng demonyo! Lahat kayong mga bakla!" Sigaw niya.

Kampon ng demonyo.

Hindi pala anak ang turing niya sa akin, kundi kampon ng isang demonyo.

UNEXPECTED YOU (GAY series #2)|✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon