11

27 0 0
                                    

“Segi na e blow mo na ang candles,” utos ni Valeria.

“Blow it! Blow it!” Sigaw naman ni Bea.

Hindi ko na sila napagtuonan ng pansin kasi di pa rin ako makapaniwala na nandito ngayon si Sean sa harapan ko. Nandito siya para sa birthday ko. Paano nangyari ito e hindi nga kami nagpapansinan ng ilang araw?

“Any wish birthday boy?” Nagsalita si Sean at sa tuno ng boses niya mukhang inaasar niya na naman ako.

Ilang araw niya akong hindi pinansin tapos ngayon muli niya akong aasarin na parang wala lang nangyari? Nasan ang hustisya dun?

“May mas itatagal pa ba diyan? Gutom na ako!” Napasulyap ako kay Valeria nang marinig ko ang boses niya. Pinandilatan ko siya ng mata pero ang mga mata nila ay nanunukso din. Si auntie nakangiti lang kaya kinabahan ako baka ano na rin ang iniisip niya ngayon.

“Sa mesa mo nalang hipan ang candles mo,” saad ni Sean at lumapit na doon sa mesa para ilagay ang cake sa gitna ng mga foods.

Dinig na dinig ko pa rin ang tibok ng puso ko. Naghihintay na sila sa’kin pero nang maalala ko na hindi pa pala ako nakapag toothbrush at hilamos, napatakip ako ng bibig habang nanlalaki ang mga mata. Wala akong pasabing tumungo agad sa loob ng CR kasi nahihiya ako sa itsura at suot ko ngayon!

Susmaryosep! Nakakahiya!

Tinignan ko ang kabuuan ko sa salamin sa CR. Gusto kong magpalamon sa lupa kasi ang dugyot kong tignan dahil bagong gising ako. Okay lang sana kung sina Auntie lang nandito, pero si Sean nandito rin! Kitang kita niya ang pagmumukha ko na bagong gising. Baka deep inside pinagtatawanan niya na ang mukha ko.

Bakit kasi ang aga pa nila akong sinurpresa? Huhu  nakakahiya talaga kay Sean.

Agad na akong naghilamos at nag tooth brush. Buti nalang clear skin ako kaya mas kumintab ang mukha ko nang makapaghilamos ako. Nagpahid na ako ng tuwalya at inayos pa saglit ang buhok ko. Gusto kong magpalit ng damit! Nakakahiya kay Sean ang suot ko ngayon! Parang bata!

Lumabas ako ng CR pero agad ding huminto ng bumungad sa akin ang dalawa. Nakangisi silang pareho sa akin.

“Magbibi—”

“Huwag na, maayos na ‘yan,” pigil sa akin ni Valeria.

“Pero nakapant---”

“Cute nga e,” sabi naman ni Bea. “Sabi ni Sean ang cute mo daw kahit bagong gising ka. Yieee.”

Napakagat naman agad ako ng labi para pigilang ngumiti. Sinulyapan ko si Sean at ngayon ay kausap niya na si Auntie. Wala akong ideya sa pinag-uusapan nila pero halatang close na rin sila ni Auntie. Ang galing kasi ni Sean makisama.

“Asang asa na naman si accla,” nasira ang momentum ko nang biglang nagsalita si Valeria. Ngumiwi ako kasi inaasar na naman ako ng kumag.

“Huwag mo ngang asarin si Birthday boy,” suway sa kaniya ni Bea. “Pero totoo yung sinabi ko. Huwag mong paniwalaan ‘yang si Valeria kasi inggit lang ‘yan.”

“Ako mainggit? At least ako may pekpek!”

“Gaga!” sabay naming sagot ni Bea.

Pinasuot sa akin ng dalawa ang party hat na kagaya kay Sean. Kahit nahihiya ako sa suot ko nakuha ko pa ring pumuta doon sa dining area para e celebrate ang birthday ko. Panay ang sulyap ko kay Sean dahil ang gwapo niya talaga ngayon. Hindi lang pala ngayon, palagi. Pero umiiwas din agad ako kasi nakatingin din siya sa’kin.

“I think we should sing again?” ani Sean. Napatingin kami sa kaniya at agad ding sumang-ayon sina Auntie. Hindi mawala-wala ang tingin ni Sean sa’kin. Normal lang naman siyang tumingin, pakiramdam ko wala lang sa kaniya ang nangyari nito lang. Masyado siyang casual kumilos ngayon.

UNEXPECTED YOU (GAY series #2)|✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon