4

35 1 0
                                    

"Gaga! Crush mo 'yan?"

Agad akong napalingon sa itinuro ni Valeria. Nangunot ang noo ko at napabalin ng tingin kay Valeria tsaka kay Bea. It's already 6 weeks pero medyo chill palang naman kasi first grading palang kaya marami pa kaming time sa mga kung ano-anong bagay. You know, high school life, normal lang mag enjoy muna sa buhay. We're teen-agers at marami pa kaming kailangang ma discover at ma experience.

"Yes!" Confident na sabi ni Bea.

Namumula pa siya habang nakasulyap doon sa lalaking kakapasok lang sa canteen, may kasama siyang babae ngunit galaw palang nung lalaki alam ko ng bakla iyon. Senior high din ata kasi hindi pa sila nakasuot ng uniform e.

"Bakla 'yan diba?" Kunot noong saad naman ni Valeria.

"Bawal bang magkagusto sa bakla?" Nakangwing balin sa kaniya ni Bea.

"Wala ka na bang jowa ngayon?" Takang tanong ko sa kaniya.

Napairap siya.

"Nag break na kami last week. Nakakapagod ding mag handle ng relationship. Gusto kong magpahinga muna. Study first at pa crush² lang muna."

Ngumisi siya sabay inom ng buko juice niya at sandali pang sinulyapan ang baklang iyon.

I looked at him and I can say na gwapo sana siya. Pero wala akong karapatang maghinayang kasi ganun din naman ako pero pangit ngalang.

Nakakainggit ang kutis niya sobrang puti at ang kinis. Mukhang hindi man lang nadapuan ng langaw o nasugatan. Matangkad din siya at sobrang tangos ng ilong. Masuwerte siya dahil feminine look siya. Kung mahaba ang hair niya hindi halatang lalaki siya. Para siyang human barbie doll. Kung naging lalaki siya for sure maraming babae ang mapapaiyak niya.

Napabuntong hininga ako at tinignan ang sarili ko sa salamin sa harap namin. Mukha talaga akong lalaki, kahit mag wig ako, lalaki pa rin talaga ang tingin sa akin ng lahat. Wala sa vocabulary ko ang magpa change ng sexuality pero nang makita ko ang bakla na 'yun, na consious na ako sa sarili ko.

Nakakainggit siya, sana ganun din ka natural ang ganda ko. Pinagpala talaga siya. Samantalang ako Lucky nga ang pangalan pero hindi naman suwerte sa buhay. Buti nalang meron akong Auntie na maalaga at mapagmahal. 

"Hoy! Di niyo man lang ako isinama!"

May lalaking lumapit sa kanila, singkit ang mga mata tsaka moreno. Gwapo 'yung guy at may kamukha siyang artista ngunit 'di ko na maalala kung sino. Kitang kita ko kung paano siya inirapan nung bakla kanina pero tumawa lang ang lalaki.

"Maldita talaga si Clionet," pagsusuyo nito dahil niyakap pa nito sa braso ang bakla na halata namang hindi komportable doon.

Wala ako sa sariling napairap.

"Sana all."

Paminsan-minsan ko na lamang nakikita si Sean, hindi na rin nagko-krus ang landas namin kahit sa library. Ang liit lang ng school pero pakiramdam ko ang damot ng tadhana sa aming dalawa. Parang trial lang 'yung unang kita namin tapos ngayon pinagdadamot na siya sa akin.

"Laleyla?" Tawag ko sa kaniya nang makita ko siyang nagbabasa ng notes sa hallway.

Meron kasi kaming summative test mamaya at kapag may ganun, pinipiling mag-isa ni Laleyla para makapag focus siya.

"Nag review ka na ba?" Tanong niya agad.

Napairap naman ako at ngumisi. Lumapit ako sa kaniya.

"Wala sa vocabulary ko ang review no! Nakakapasa naman ako kahit mababa ang score ko sa test."

UNEXPECTED YOU (GAY series #2)|✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon