20

23 0 0
                                    

Bukod sa mga puno, mga gamo-gamo at kapatagan wala ng ibang makikita pa dito. Kaya nakakatakot maglakad dito nang mag-isa dapat may kasama ka. Mahirap din mag-ingay dito baka ma engkanto ka.

Naguguluhan pa rin ako sa inaakto kanina ni Sean pero nang magsimula na siyang makihalubilo kina Marshall, inalis ko na lamang sa isip ko iyon.

“Guys! Maraming Santol dito oh!” Tawag sa amin ni Kyler.

Agad kaming lumapit sa gawi ng santolan at napaawang ang labi namin sa tuwa kasi hitik na hitik ito sa bunga at halatang hinog na lahat.

“Akyatin niyo boys!” Nakangising saad ni Celine. “Dalhin natin sa batis ang makukuha natin.”

Pawis na pawis na kaming lahat pero ‘di man lang kami nakaramdam ng pagod. Sanay na kasi kaming maglakad sa malayo. Ewan ko lang dito sa bebe ko.

“Kaya pa?” Nakangisi kong nilingon si Sean sa tabi ko. Basa na ng pawis ang kaniyang itsura tsaka ang long sleeves niya.

Umismid lamang siya sa akin. Kaya natawa ako.

“Suplado!” biro ko sa kaniya.

Sina Kyler, Jefferson at Zachary ang umakyat sa puno ng santol. Mas mainam daw kasing tatlo sila para marami kaming makukuha.

“Woi! Samahan niyo kami dito para mas marami tayong makukuha!” natatawang saad ni Zachary sa taas.

Busy naman sina Rain sa pagtipon ng mga santol sa baba.

“Aakyat ako Swerte.” Napalingon ako kay Sean nang bigla siyang nagsalita. Nakatingin siya sa taas ng puno at bumaling ng tingin sa akin. “Matagal na rin nung huli akong nakaakyat sa puno.” Ngumiti siya.

Napangiti ako at tumango agad. Mas mabuti ngang marami silang aakyat para mas mapabilis ang pagkuha nila ng  santol.

“Sean! Marshall! Akyat kayo dito mga pre hayaan niyo silang ipunin ang mga santol na nakuha natin sa taas,” pang-aasar ni Kyler habang kumakain ng santol sa taas.

“Sana mahulog kang hinayupak ka!” Sigaw naman sa kaniya ni Celine.

Kinuha ko ang bag ni Sean tsaka lumapit na siya doon sa gawi ng puno para umakyat. Nauna siya kay Marshall kaya tuwang-tuwa naman ang tatlo sa taas. Nag cheer pa nga sila e. Mga baliw talaga.

“Ang cute niyo diyan boys! Para kayong mga unggoy!” pang-aasar ni Franzelle sa kanila. Natawa kami.

“Aba! Aba! Sa amin nakasalalay Franzelle ang kakainin niyong santol!” angal naman sa kaniya ni Zachary.

Mas lalo kaming natawa. Pinapanuod ko lang si Sean na nag eenjoy sa pagkuha ng santol. Nakaya niyang akyatin ang pinakataas. Pinuri pa siya nila Kyler. Nakakatuwa.

“Enjoy na enjoy si Boyfie ah?” Nagulat pa ako ng bigla akong kinurot ng mahina ni Franzelle sa gilid. Nakangisi siya at tinaasan-baba pa ako ng kilay.

Ngayon lang kami nagkakilala pero naging close agad kami sa kanila. Magaling kasi silang makisama. Hindi ka magdadalawang isip na kausapin sila kasi masaya silang kasama.

Inaya pa ako ni Elena na kumuha ng bayabas dahil meron din ditong isang puno ng bayabas na may mga bunga. Hindi naman mataas kaya maaabot lang namin ang mga bunga.

“Ano sa pakiramdam na gusto ka rin ng taong gusto mo?” biglang tanong sa akin ni Elena.

Agad akong napangiti nang pumasok sa isip ko ang love story namin ni Sean.

“Masaya,” nakangiting sagot ko. Tinalon ko pa ‘yung malaking bayabas na nakita ko sa taas. Nakuha ko rin agad. “Daig mo pa ang naka jackpot sa loto.” Biro ko sa kaniya.

UNEXPECTED YOU (GAY series #2)|✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon