16

22 0 0
                                    

“Happy Valentines day, Swerte ko.”

Napangiti ako nang abutin sa akin ni Sean ang bouquet ng mga chocolates at isang paper bag. Nasa isang Restaurant kami ngayon, nasa rooftop para mag celebrate ng Valentines day. He is wearing a denim attire, samantalang ako naman ay naka sweater at pants lamang. Pero match kami ng color ng damit. Color red. Color of love. Our love for each other.

Ang romantic ng scenery dito dahil kagaya namin, marami ding couples ang nandito. Maraming fairy lights sa paligid, meron ding mga musician sa gilid. Katamtaman lamang ang lakas ng hangin kaya hindi gaanong maginaw. Ngunit ang mas maganda dito ay ang klarong kalangitan at ang maliwanag na sinag ng buwan.

“Happy Valentines day, Sean.” Nakangiting bati ko sa kaniya. “Wait, meron din akong gift para sayo.”

May kinuha akong maliit na box na nakabalot sa bag ko. I don’t know kung magugustuhan ito ni Sean pero sana nga magustuhan niya. Simple lang naman ito at hindi gaanong mahal. Pinag-iponan ko pa ito ng ilang buwan para mabili lamang ‘to. Gusto ko din kasing mag effort para kay Sean, palagi nalang kasi siya ang nag eefort sa aming dalawa. Baka isipin niya siya lamang ang may kayang maging sweet sa aming dalawa.

“Hala!” exaggerated niyang reaction nang abutin ko sa kaniya ang box na iyon. Nakatakip pa sa bibig niya ang dalawang kamay at nanlalaki ang mga mata sa gulat. “Para sa’kin ‘to?”

Tinanggap niya na ang regalo ko para sa kaniya. Nahihiya akong ngumiti at tumango sa kaniya. Kitang -kita ko naman ang kinang sa mga mata niya habang pinagsadahan ng tingin ang gift ko sa kaniya. Kaya kahit papano naging magaan ang loob ko dahil halatang naappreciate naman iyon ni Sean.

“Pwede ko na bang buksan bebe? Excited na akong makita 'to! Okay lang ba?” nakangising paalam niya.

Mas lalo akong napangiti sa kaniya. Ang adorable talaga ni Sean kapag nakangiti. Ang mga ngiti niya hindi talaga nakakasawang titigan. Ilang buwan na kaming magkasamang dalawa pero hanggang ngayon attracted pa rin ako sa ngiti niya at sa dimples sa pisngi niya. Nakakahawa kasi ang mga ngiti niya e, nakaka good vibes.

“Depende sayo,” sagot ko.

Marahan niya namang binuksan iyon. Ingat na ingat siya sa pagtanggal ng tape na nakadikit sa wrapper. Napailing nalang ako kasi pwede niya naman iyon punitin na lamang para mas madali.

Kinakabahan ako kasi simpleng gift lang iyon. Baka di niya magustuhan. Hindi ko rin kasi alam kung ano ang mga nagugustuhang bagay ni Sean. Hindi naman kasi siya materialistic klaseng tao. Tuwing magkasama kaming dalawa, pagkain talaga ang parati naming pronterya lalong lalo na ang ice cream na paborito niya.

Nang tuluyan niya nang nabuksan ang wrapper agad akong napalunok. Dahil sinilip niya muna ang laman nun habang nangungunot ang noo. Nagtataka at halatang excited na rin. Sumulyap pa siya sa akin at marahan ng kinuha ang maliit na box sa loob.

“Kinakabahan ako, Swerte,” umaakto na naman siyang kinakabahan habang dahan² na hinihila palabas ang box.

Di na ako nakasagot ng tuluyan niya nang nakuha ang box. Box iyon ng bracelet. Iyon lang kasi ang naisip kong pwedeng e gift sa kaniya. Pina costumized ko lang para mag mukhang ka effort² naman. Pinalagyan ko siya ng design letters ng pangalan namin. S at L.

“Wow!” walang boses na sambit niya. Nakita niya na kasi ang bracelet sa loob.

“Nagustuhan mo ba Sean?” nahihiyang tanong ko. “Sorry dahil simple lang ‘yan lang kasi ang naka---”

“I love this, Swerte,” he cut me off. “I really love this! Salamat talaga!”

Ako na ang kumuha ng bracelet sa box at isinuot iyon sa wrist niya. Since gold color iyon nabagay naman sa moreno niyang balat.

UNEXPECTED YOU (GAY series #2)|✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon