37

41 0 0
                                    

Nakaupo ako ngayon sa isa bakanteng table dito sa labas ng Rosales cafe. Meron din kasing mga mesa dito na may mga payong para hindi masikatan ng araw ang mga customer. Pagkatapos kong mabasa ang text ng daddy ni Sean agad akong dumeretso dito. Wala pa nga siya rito.

From: Mantiw
Going n aq :(

Ngumiti ako. Finally nag reply na rin siya pero hindi ko rin mapigilan maging malungkot dahil sa emoji niya.

To: Mantiw
Sge. Bka ma late ako. Hintayn mo lng ako.

Aayusin natin 'to Sean. Haharapin ko muna ang daddy mo.

Hindi ko alam kung bakit kailangan akong kausapin ng daddy niya. Kinakabahan ako at nagsisimula na naman akong mag overthink pero pinilit ko pa rin mag isip ng positibo. Hindi ko muna pangaunahan ang mga pangyayari dahil lang kinakabahan ako. Kung ano man ang pakay niya, haharapin ko iyon.

"I'm sorry for coming late, I have an urgent meeting earlier."

Nabalin ang tingin ko sa kakarating lang na lalaki. He was wearing a formal attire, halatang ngang galing siya sa meeting. Nakangiti man pero halata pa rin ang pagiging ma awtoridad niya.

"Okay lang po sir," nakangiti kong sagot at tumayo para magbigay galang sa kaniya.

Inanyayahan niya na akong umupo muli. Nakahawak lang ako sa kamay ko dahil sa kabang nararamdaman ko. Hindi naging maganda ang impression ko sa kaniya noong unang kita namin. Kaya mas lalong hindi naging maganda ang kutob ko kaniya ngayon.

"Nakapag order ka na ba?" tanong niya. Umiling agad ako. "Okay. I'll order."

Tumawag siya ng isang waiter tsaka sinabi na ang oorderin niya. Nagtanong pa siya sa akin kung anong klaseng kape ang gusto ko, sabi ko nalang Latte. Nag order din siya ng pastry.

Niluwagan niya ang necktie niya at masasabi kong ang gwapo niya kahit may edad na siya. Siguro hearthrob ito noong panahon ng kabataan niya. He's an old version of Sean Tristan. Kuhang kuha niya talaga ang mukha ng daddy niya. Kaso ang pagiging charming nito ay mukhang nanggaling sa mommy niya. Seryoso kasi ng daddy niya. Nakangiti man pero nakakakaba ng itsura. Hindi mo magawan ng joke sa sobrang seryoso.

"I want to say sorry of what happened last time," saad niya. Nangunot ang noo ko. "I know hindi naging maganda ang una nating pagkikita, so I'm so glad na pumayag kang makipagkita sa akin ngayon."

Hindi ko alam kung ano ang isasagot sa kaniya. Dahil sa kaba ko parang natutuyo na rin ang lalamunan ko kaya panay ang lunok ko. Buti nalang at mabilis lang na dumating ang order namin kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na uminom muna ng latte.

"Okay lang po iyon," sagot ko pagkatapos uminom ng Latte. Awkward akong ngumiti sa kaniya.

Hindi pa namin napag usapan ni Sean ang tungkol doon. Kaya hindi ko alam kung ano ba ang sasabihin ko tungkol doon. Naiinis pa rin kasi ako sa daddy ni Sean pero ngayong nag sorry siya, unti-unting nagbago ang pananaw ko sa kaniya. Sana nga totoo ang naiisip ko na mabait siya. Sadyang ganito lang talaga siya. Mukhang suplado.

"Anyway," umayos siya ng upo. "I decided to meet up with you because I want to talk to you," aniya at sumimsim sa binili niyang kape.

I pursed my lips. "Bakit po?" tanong ko.

Binasa niya ang labi at saglit pang tumitig sa akin. Kinabahan ako lalo.

"It is because of your relationship with my son," sagot niya.

Ramdam ko ang lalong pag bilis ng tibok ng puso ko nang banggitin niya ang tungkol sa relasyon namin ni Sean.

"Alam ko na ang tungkol sa inyong dalawa because my son have already told me about that," sabi pa niya.

UNEXPECTED YOU (GAY series #2)|✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon