18

23 0 0
                                    

“’Nak, naayos mo na ba lahat ng gamit mo? Maaga pa tayong babyahe bukas.”

Sinilip ako ni Auntie sa pinto ng aking kwarto para paalahanan ako. Bukas na ang byahe namin papuntang probinsya ngunit sa halip na maging excited ako parang nalulungkot ako. Hindi ito ang unang pagkakataon na pupunta kami doon sa probinsya. Actually every after 2 years umuuwi talaga kami dun.

Taga probinsya talaga kasi sila ni Auntie, napunta lang sila dito noong naghahanap na sila ng trabaho ni mama. Dito rin nila nahanap ang mga naging asawa nila. Dito rin ako ipinanganak bago nangyari lahat ng iyon.

Walang alam sina Auntie tungkol sa mga nangyayari sa amin sa bahay kasi di naman nagsusumbong si mama nun. Tinatago niya lamang ang mga karananasan namin mula sa pagmamalupit ni papa. Buti pa nga si Auntie dahil nakatagpo siya ng lalaki na mahal na mahal siya samantalang si mama ay hindi. Kaya na rin siguro naghanap siya ng iba para layuan ang mga kahayupan na ginagawa ni papa sa amin.

Bumuntong hininga ako at sumulyap sa bag ko na may mga lamang damit at gamit ko. ‘Di naman ganun karami ang dala ko kasi isang buwan lang naman kaming magbabakasyon doon. Hindi rin kasi mapapabayaan ni Auntie ang negosyo niya dito. Sina Kuya Randy muna ang bahala doon. Gusto na rin kasi kaming makita ni lola kaya excited na rin kaming makita siya.

“Handa na po lahat auntie.” Ngumiti ako sa kaniya. Ginawaran niya rin ako ng matamis na ngiti bago niya sinarado muli ang pinto ng aking kwarto.

Nalulungkot pa rin ako kasi 'di ko makakasama doon si Sean. Di ko mapapagawa sa kaniya ang challenge ko sa panliligaw niya sa’kin.

Paano ko siya sasagutin? Sa pagbabalik ko nalang? Ang panget naman ata nun. Agad-agad. Wala man lang ka effort².

Kung pwede lang sanang pilitin siya ay gagawin ko kaso sino ba naman ako para uunahin niya? Mas importante ang mga ate niya kesa sa akin kaya naiintindihan ko naman kung tinanggihan niya ang alok kong sumama siya sa amin sa probinsya.

Ang immature ko talaga. Intindihin ko nalang si Sean. For sure mag eenjoy naman ako doon sa probinsya. Marami akong mga kaibigan dun na naghihintay sa akin for sure namimiss na rin nila ako. Ganun din kasi ako sa kanila. Excited na akong kumuha ng mga prutas at gulay, tapos maligo sa sapa at umakyat sa bukid. Matagal na rin kasi na hindi ko iyon naranasan.

Tama lamang ang ganiyang mindset lucky. Be positive lang. Magkikita rin naman kayo ni Sean after 1 month.

Wala kasing signal doon kaya malabo na ma contact namin ang isa’t-isa.

Saglit pa kaming nag chat ni Sean. Kinamusta niya ako at pinapaalahanan sa magiging byahe ko bukas. Inggit naman ang dalawa kong mga kaibigan kasi pupunta ako ng probinsya. Maaga pa akong natulog para bukas hindi ako aantukin sa byahe. Mahaba-haba din kasi ang byahe namin bukas kaya mas mabuti nang sapat ang tulog ko.

“Randy, salamat talaga,” ani Auntie nang ihatid kami ni Tiyo Randy sa terminal ng mga bus.

Marami nang sumasakay sa first trip kaya nagmamadali din kami ni auntie para makasakay kami agad sa second trip. Tuwing bakasyon kasi maraming tao ang umuuwi ng probinsya.

“Walang anuman Paula,” nakangiting sagot ni Tiyo Randy. “Mag-ingat kayo dun,” aniya tapos bumalin ng tingin sa akin. “Mag-ingat ka pamangkin, enjoy niyo ang bakasyon niyo doon.” Ginulo niya ang buhok ko.

“Segi po, Tiyo. Salamat po. Ingat din po kayo.” Nakangiting sagot ko sa kaniya.

Pumila na kami ni Auntie at buti nalang nakasakay kami agad kasi kaunti palang ang mga tao sa second trip. Nasa dulo kaming mga upuan pumwesto kasi malayo pa ang pupuntahan namin. May baon na kaming tubig at pagkain para hindi kami mauuhaw at magugutom sa byahe.

UNEXPECTED YOU (GAY series #2)|✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon