7

34 1 0
                                    

[Tw: Violence]

"PA! HUWAG PO!"

Halos basang basa na ako ng pawis at luha dahil sa takot sa papa ko. Nasa harapan ko siya ngayon habang may dala-dalang dos por dos. Nakahandusay ako sa sahig habang umaatras. Dahil habang lumalapit siya sa akin mas lalo akong natatakot. Nakakatakot ang istura niya at ang mga ngiti niya. Parang hindi siya magdadalawang isip na patayin ako ngayon.

"Wala akong anak na bakla!" Sigaw niya sa akin.

"Pa! Maawa po kayo sa akin!" Pagmamakaawa ko. Halos gumagaragal na ang boses ko sa sobrang iyak at takot. "Pa anak niyo po ako!"

"Hindi kita anak! Wala akong anak na kampon ng demonyo!"

Ang sakit na paulit-ulit ko na lamang naririnig iyon sa ama ko. Yung ama na dapat tanggap ako at mahal ako pero siya pa ang gumagawa sa akin nito. Hindi ko naman ginustong maging ganito e pero wala na akong magawa kasi bakla talaga ako. Kahit baliktarin man ang mundo bakla pa rin ako at hindi na mababago iyon kahit ayaw niya pa.

Okay lang naman sa akin na hindi niya ako tatanggapin bilang ako pero sana huwag niya namang ipamukha sa akin na malas ako sa buhay niya. Na kampon ako ng isang demonyo kasi hindi naman malaking kasalanan ang maging isang bakla.

"PA!"

Halos napapikit ako sa takot ng bigla niyang inangat ang hawak niyang dos por dos at handa na sanang ihampas sa akin iyon ngunit bigla na lamang akong nagising mula sa bangungot.

Hinihingal akong napaupo sa aking kama. Basang basa ng pawis at luha. Malakas ang simoy ng hangin sa labas, iniihip nito ang kurtina sa bintana ng aking kwarto. Nakabukas lang kasi ang bintana ng kwarto ko ngayon kasi nagtitipid kami sa kuryente. Hindi naman delikado kasi wala namang magnanakaw dito sa amin dahil halos kakilala na namin ang isa't-isa dito. Tinignan ko ang orasan sa kisame at alas tres pa lamang ng madaling araw.

Napahilamos ako ng mukha dahil sa matinding takot sa panaginip na iyon. Alam kong nasa kulungan na si papa pero pakiramdam ko hindi pa rin ako makakatakas sa kaniya. Nandito pa rin ang takot na nararamdaman ko na baka isang araw magawa niya ulit sa akin iyon. Takot na takot ako.

Buti nalang hindi ko naisturbo si Auntie, kadalasan kasi kapag masama ang panaginip ko siya ang gumigising sa akin. Pero ngayon laking pasasalamat ko at hindi ko siya nagising. Pagod si Auntie at mukhang nagkakasakit na rin ayaw kong dumagdag sa nararamdaman niya. Kaya ako nalang ang gumagawa ng mga gawain dito sa bahay kasi ayaw ko namang mapagod lalo si Auntie kahit sinasabi niyang kaya niya. Kitang kita na sa itsura niya ang pagod. Natatakot ako na baka mapapano pa siya, siya na lang ang meron ako. Kung mawawala siya baka kung saan-saan na lamang ako pupulutin.

Nang bumalik na sa normal ang tibok ng puso ko, naisipan ko munang lumabas ng kwarto ko para uminom ng tubig. Natuyo kasi ang lalamunan ko dahil sa panaginip na iyon. Pilit ko mang kalimutan ang lahat ngunit minsan kusa itong bumabalik sa aking ala-ala. Hindi na siguro ito mawawala sa aking isip, hindi na siguro ako lulubayan ng takot ko kay papa. Bata palang ako ginagawa niya na sa akin ito kaya 'di na ako magtataka na hanggang sa pagtanda ko babaunin ko pa rin ang trauma nang ginawa niya sa akin.

"Gising ka pa?"

Nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Auntie. Muntikan ko pang madura ang tubig na iniinom ko buti nalang nalunok ko agad.

Mukhang kakagising lang ni Auntie kasi kumukusot pa siya ng mata suot-suot ang paborito niyang daster. Yung floral na neregalo ko sa kaniya last year noong birthday niya.

"Nagising lang po Auntie," sagot ko sa kaniya. Di siya sumagot at tumingin lang sa damit ko.

"Na naman?" aniya at kumuha din ng baso para uminom ng tubig.

UNEXPECTED YOU (GAY series #2)|✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon