5

25 1 0
                                    

"Clionet diba ang pangalan niya?" Tanong ko doon kay Bea.

Nasa quadrangle kami ngayon ng senior high. Tambay muna sa bench kasi lunch break pa lang naman. Wala ngayon si Valeria kasi absent siya. Nilagnat ang shunga. Tsaka wala naman kaming gagawin sa room.

"Yes po," sagot ni Bea. Crush niya kasi iyon.

"Kilala ha? Stalker talaga," pang-aasar ko sa kaniya.

Ngumiwi naman agad siya.

"Narinig ko lang dun sa friend niyang si Fahsai," sagot niya.

Bukod talaga sa gusto naming tumambay dito, gusto ko lang makita ulit si Sean. Kung doon lang kasi ako sa room hindi ko siya makikita kaya mas mabuting nandito kami sa building ng senior high para makita ko talaga siya. Okay lang na huwag niya akong kausapin basta makita ko lang ang imahe niya, ang mga ngiti niya, sapat na iyon sa akin.

Hindi pa rin mawala-wala sa isip ko ang huling sinabi niya sa akin. Huwag daw akong ma hesitate na kausapin siya kapag may problema ako dahil palagi daw siyang free upang makinig sa akin.

Sa totoo lang, ang sarap pala sa feeling na may ganun pa ring lalaki. 'Yung handa kang damayan kahit alam niyang bakla ka. Rare lang kasi ang ganun sa mga lalaki e, iba kasi kalokohan lang ang alam. Pero si Sean ibang-iba siya sa mga nakilala ko. Ramdam ko talagang nererespito niya ako sa kung ano ako.

"Uy! Nandito pala si Swerte e!"

Nagulat pa ako ng biglang may gumulo sa buhok ko. Agad naman akong nagulat nang bumungad sa harap ko ang lalaking gustong gusto kong makita ngayon. Si Sean.

"Tapos ka nang mag lunch?"

Biglang umapaw ang tuwa sa dibdib ko dahil sa wakas nakita ko na ulit siya. Siya lamang ang happy pill ko dito sa school at tuwing nakikita ko siya, sinisipag akong makinig sa diskusyon sa Aral Pan.

"Sean," sambit ko sa pangalan niya.

Kanina excited akong makita siya pero ngayong nandito na siya parang nahihiya na ako. Lalong lalo na nang bigla kong narinig ang boses ng kaibigan niya.

"Hoy! Ugok! Masyadong mainit ang panahon para lumandi ka!" Sigaw nung kaibigan niyang mapang-asar.

Nasa harap silang hallway kasama niya si Xavier na nakasandal lang doon sa pader habang nakapamulsa at nasa direksyon namin ang tingin niya.

Napayuko ako dahil nahihiya ako. Napasulyap kasi agad sa amin ang mga senior high na nandito ngayon.

Grabi naman 'yun, landi agad? Hindi pwedeng masyado lang friendly si Sean. Ma issue naman ata siya, gwapo sana kaso 'di ko lang nagustuhan ang ugali.

"Inggit kalang kasi hanggang ngayon wala ka pa ring girlfriend!" Angal naman ni Sean sa kaniya.

Feel ko normal na ang ganitong asaran sa kanila kasi natatawa pa sila.

"Huwag mo nang pansinin si Brian, palibhasa nerereject palagi nang nililigawan." Balin sa akin ni Sean.

"Okay lang," tugon ko sa kaniya nang mag-angat ako ng tingin tsaka nginitian siya ng tipid.

Sapat na ang makita ko siya ngayon kaya tumayo na ako at sinulyapan pa si Bea na nakangisi lang sa akin. Ang weird.

"Sige Sean alis na kami." Agad kong niyaya si Bea.

"Huh? Aalis agad kayo?" Takang tanong ni Sean.

Tumango agad ako.

"Oo e, meron pa kasi kaming gagawin sa room," sagot ko.

UNEXPECTED YOU (GAY series #2)|✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon