17

30 0 0
                                    

To: Sean Tristan Galvez Suarez♥️
Sean pwd ba tau mgkita buks?

Agad kong sinend iyon. Napatakip ako ng unan sa sobrang hiya kasi first time kung yayain si Sean na magkita kaming dalawa. Hindi ako sanay pero kailangan ko gawin sapagkat kailangan ko ang sagot niya kung sasama siya sa amin ni Auntie sa probinsya.

Sinilip ko ang phone ko ngunit 1 minute na ang chat ko di pa rin na seen ni Sean. Siguro hindi siya online kasi walang green sa profile niya tsaka hindi rin naging black ang check sa message.

Kaya napanguso ako habang hinihintay ko ang reply niya. Ilang beses ko tinitigan ang chat ko. May part sa akin na gusto kong e remove yung message ko kasi nakakahiya. Jusko! Baka mag assume si Sean na may surprise ako sa kaniya bukas. Wala akong pera!

Maya-maya lang bigla niyang sineen ang message ko kaya agad akong tumayo tsaka tumakbo. Naghintay ako ng ilang minuto bago ako bumalik sa kama ko at tinignan ang reply niya.

From: Sean Tristan Galvez Suarez♥️
Oh? Bgo yn ah? Bk8 bebe?

Napakagat ako ng labi habang nag-iisip ng e rereply ko. Ilang beses pa ako bura ng bura kasi nahihiya akong sabihin ang tunay kong pakay sa kaniya. Baka kasi di siya papayag e. Natatakot ako.

To: Sean Tristan Galvez Suarez♥️
Bsta kita nalng tau bukas sa ice cream shop ang pinuntahn natn last time

Agad siyang nag reply.

From: Sean Tristan Galvez Suarez♥️
Ok po😚

To: Sean Tristan Galvez Suarez♥️
9 tau magkkta bukas ha? Salamt po

From: Sean Tristan Galvez Suarez♥️
Too early bebe pro okz lng po  see u bkas labyo 😘

Di na ako nag reply nun. Kasi ene excite na akong makita siya bukas. Mag-iisang linggo na rin kasi kaming hindi nagkita dalawa. Kinuha ko si Mande para yakapin dahil naisipan kong e stalk si Sean sa facebook. Nakakalimutan ko kasing gawin e. Inistalk ko ang account niya. Ganun pa rin ang cover at profile niya. Pero iba na ang bio niya. ‘Property of LKS’

“LKS tsk.” Saad ko habang nakaismid.

Pumunta ako sa photos niya. Bawat litrato ay naka album. Maliban lamang sa mga sarili niyang litrato. Pumunta agad ako sa profile picture niya. Mas lalo kong nakagat ang labi ko kasi puro maganda ang mga kuha niya. Parang kinuha talaga ng isang photographer ang mga photos niya.

Natawa ako nang makita ko ang mga old pics niya noong bata pa siya. Ever since bata pa siya makikita mo talaga sa kaniya ang pagiging jolly niya at makulit. Hindi mo makita sa kaniya na may pinagdadaanan siya. He’s the type of person you can say unbothered kasi kahit may problema sa pamilya niya he still manage to stay positive and feel happy. That’s how I describe his external self, but I don’t really know inside. Maybe just like me he’s broken. Pero hindi niya lang pinapahalata.

Nakita ko rin doon ang photos na kasama niya ang kaniyang mga pamilya. Ang elegante ng mga uot ng mga babae, ang formal naman ng mga lalaki. Katabi ni Sean ang dalawang babae kaya alam ko agad na iyon ang mga ate niya. Mga magaganda din ito at morena. Para silang mga model sa magazine. Ang mommy nila parang nakakatandang kapatid lamang nila, ang ganda din kasi. Baby face. Ang daddy niya naman halatang istrikto. Tindig palang at mukha halatang nakakatakot ng kausapin. Ang seryoso e.

Kinakabahan ako ngayon palang. What if  malaman ng mga magulang niya ang tungkol sa aming dalawa? Matatanggap kaya nila kami?

Alam ko si Auntie matatanggap niya kami ni Sean. Hindi ko lang alam sa mga magulang niya.

UNEXPECTED YOU (GAY series #2)|✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon