19

24 0 0
                                    

"Sean?" Nanlalaking mata na saad ko sa kaniya. "Ikaw ba talaga 'to?"

Ngumisi pa siya at saglit na kinuha ang mga kamay ko at dinikit sa magkabilang pisngi niya.

Jusko! Totoo nga! Hindi ako nananaginip. Totoong Sean ang nasa harap ko ngayon.

"Naniniwala ka na?" He said smiling.

Gusto kong maiyak sa tuwa dahil nandito nga siya, nandito si Sean. Sumunod siya sa akin sa Probinsya. Pinuntahan niya ako.

"Jusko!"

Agad ko siyang niyakap ng mahigpit. Dinig ko pang natawa siya ngunit niyakap niya din ako pabalik. Wala na akong pakealam kung bagong gising pa ako at kung mabaho man ang hininga ko ngayon. Basta masaya ako, masaya akong nandito ngayon ang taong mahal ko.

"Missed me huh?" aniya.

Muli ko siyang hinarap. Nakaluhod ako sa kama habang siya naman ay nakatayo kaya nag level ngayon ang taas naming dalawa.

"Akala ko ba 'di ka pupunta?" Hindi pa rin ako makapaniwala. "Paano ka nakapunta rito?"

Pabiro niya namang itinaas ang isang kilay niya tsaka ngumisi. Kapansin-pansin na naman ang kaniyang dimples sa pisngi.

"Surprise!" bahagya pa siyang natawa kaya pabiro akong napangiwi.

"Baliw ka talaga!" mahina ko siyang hinampas ng mahina sa dibdib.

"Titiisin ba naman kitang hindi makita?" nakangiti aniya kaya napakagat ako ng labi para pigilan ang sarili kong mapangiti lalo. He held my right cheek. "Isang oras pa lang nga kitang hindi nakikita na mi-miss na agad kita paano pa kaya kung buwan na?"

Hindi ko na muna inisip pa kung paano siya napadpad dito. Mas importante para sa'kin ang presensya niya ngayon. Kagaya ko, hindi ko rin kaya na hindi siya makikita. Kaya parang gusto kong umiyak dahil nag effort talaga siyang puntahan ako dito ngayon.

"Saan na ang baby natin?" tanong niya.

Agad namang nanlaki ang mga mata ko nang ma realized na nakalimutan ko palang dalhin si Mande! Nawala sa isip ko!

"Hala!" nasapo ko ang noo ko. "Nakalimutan kong dalhin si Mande!"

"Be my baby, then."

Natigilan ako nang kiligin na naman ang monarky ko sa sinabi niya. Nakangiti siya sa akin ng matamis habang nakatitig sa mga mata ko.

"Tsk!" pabiro ko siyang tinulak at bumaba na ng kama ko para ayusin ang sarili ko.

Magkasama kaming lumabas mg kwarto ko at malaking ngiti agad ang bungad sa amin nila Auntie at lola.

"Ang ganda ng gising ah?" bungad sa akin ni Auntie. Halatang nanunukso ang boses at tingin.

"Maganda rin kasi ang tulog ko Auntie," nakangiting sagot ko.

"Tulog ba talaga o dahil sa presensya ni Sean?"

Agad namang nanlaki ang mga mata ko sa mapanuksong saad ni Auntie. Kaya agad naman akong napasulyap kay Sean na napakamot lang ng batok, nakangisi.

Inaya na kami ni Lola na mag-agahan. Nag hilamos lang ako saglit at nag toothbrush. Pagkatapos nun ay kumain na kami ng agahan. Ang ulam namin ay adobong okra at ang dalang lechon paksiw ni Sean.

"Buti naman Sean at natuntun mo ang lugar namin," ani Auntie.

"Sinunod ko lang ho 'yung sinabi niyo sa akin tita," sagot naman ni Sean. Nangunot ang noo ko.

"Alam ni Auntie na pupunta ka rito?" takang tanong ko. Bumalin naman agad ako kay Auntie na napakagat lang ng labi dahil nakangisi siya. Muli akong bumalin kay Sean na awkward namang ngumiti.

UNEXPECTED YOU (GAY series #2)|✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon