22

14 0 0
                                    

Masaya naman ang naging bakasyon ni Sean sa amin. Sa tatlong linggo na pananatili niya marami siyang natutunan at naranasan.

“Go my sexy love!”

Cheer ko pa sa kaniya habang pinapanuod siyang nag aararo sa kamalig. Meron kasing kamalig sina Rain at may alaga din silang kalabaw. Kaya naisipan kong iparanas kay Sean ang mag araro kasi medyo matanda na rin ang tatay ni Rain. Kaya mabilis ko naman siyang napakiusapan na si Sean muna ang pumalit sa kaniya. Pero sumama pa rin siya para e guide ang aking nobyo.

Mukhang gusto rin naman ni Sean na subukan kaya go lang. Kahit nahihirapan siya sa kalabaw, kinakaya niya naman at mukhang nag eenjoy talaga siya.

Kasama ko sina Rain, Celine, Elina, at Kyler at nakasilong kami sa maliit na kubo na walang dingding. Umiinom kami ng juice habang pinapanuod si Sean na nag-aararo. Si Kyler naman tawang-tawa na pinapanuod si Sean sa malapitan. Tropa na ata sila.

“Mayaman ba si Sean?” tanong sa akin ni Celine.

Hindi ako sure kung sobrang yaman nila pero mukhang mapera naman sila. Hindi naman kasi sinasabi ni Sean sa akin ang status ng buhay nila. Hindi rin ako nagtatanong baka isipin niya intresado ako sa estado ng buhay nila.

“May business ang parents niya,” tanging sagot ko lang.

“Pero ‘di mo mahalata sa kaniya no? Ang simpleng lalaki niya lang kasi,” ani Elina.

Napangiti ako lalo. Siguro nga masuwerte ako kay Sean kasi kahit ang taas ng antas ng buhay niya, pinili niya pa ring mamuhay ng simple.

“Ang swerte mo talaga gurl.” Kinurot pa ako ni Rain sa gilid.

Bukod sa pag-aararo, nasubukan rin ni Sean na magtanim ng gulay sa gulayan nila Celine. Nagtatanim kasi si Tiya Esther ng mga gulay. Kung mauubusan kami ng stock ng gulay sa bahay sa kanila kami humihingi.

“Dapat siguraduhin mo talagang maayos ang iyong pagtatanim at pangangalaga sa halaman para ‘di masayang,” saad ni Tiya Esther habang tinuturuan si Sean magtanim ng kamatis.

“Ang saya palang magtanim ng gulay tita no? Sa amin ho kasi ‘di ko talaga nararanasan ‘to. Isa pa, wala din kaming available na lupa para sa mga gulay,” natutuwang saad naman ni Sean.

Bawat ginagawa niya ay kinukuhanan ko siya ng litrato nang ‘di niya namamalayan. Gawan ko ito ng Scrapbook at ibibigay na lamang sa kaniya kapag tapos ko na. Malapit na rin kasi ang birthday niya. Next month na, May 19.

“Uy Swerte! Tumulong ka naman dito! Puro ka Selpon, mabubusog ka ba niyan?” kunyaring reklamo niya sa akin.

Natawa sina Tiya Esther at Celine. Napangiwi lang ako at ibinulsa ang phone ko.

“Aba! Aba! Porket nagtatanim ka diyan, nagyayabang ka na ah?” angal ko naman.

“Mas lalo na akong naging macho sa pinapagawa mo sa akin,” nakangiwing aniya. Nakasando lang kasi siya ngayon kaya naka flex ang biceps niya.

Bukod doon, natutunan rin ni Sean na magbisak ng kahoy. Tinuruan siya ni tiyo Rogen. Tapos tumutulong din siya sa amin sa paglalako ng valenciana at suman. Naisipan kasi ni lola at Auntie na magluto nito at mag benta. Kami ni Sean ang magkasamang nagbebenta.

“Ging! Ang pogi naman ng kasama mo, pakilala mo naman kami,” saad ng dalawang beki na bumili ng suman at valenciana sa’min.

‘Di ko alam kung ang nilalako ba namin ang na intresaduhan nila o ang kasama ko. Pero sa pamamagitan ng tingin nila kay Sean hindi ko nagugustuhan iyon. Kilala ko ang mga ‘to e. Nagbabayad sila sa mga lalaki na anuhin nila. Although bakla rin ako kaso ‘di ko talaga gusto na ginagawa nila iyon. Isa din kasi iyon sa reason kung bakit nawawala ang respito sa amin ng ibang lalaki.

UNEXPECTED YOU (GAY series #2)|✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon