34

18 0 0
                                    

Ang sakit sa pakiramdam na mawala si Auntie. Parang bula na bigla nalang nawala. Kanina lang kasama ko pa siya pero ngayon inaayos ko na ang Death Certificate niya. Ang sakit. Sobrang sakit.

"Swerte, kumain ka muna," dinig kong sabi ni Sean.

Naayos na namin lahat. Mamaya siguro pwede na namin kunin si Auntie sa morgue. Natawagan na rin namin ang may ari ng funerals, sila kasi ang kukuha dito kay Auntie.

Iniisip ko palang na makita siyang wala ng buhay parang dinudurog na ang puso ko. Hindi ko talaga inaasahan na ganito kaaga na kinuha si Auntie sa amin. Hindi ko siya sinisisi kung bakit nilihim niya sa amin ito, mas gusto kong sisihin ang sarili ko dahil hindi ko man lang siyang sinubukan tanungin kung ano ba talaga ang tunay niyang nararamdaman sa katawan niya. Napansin ko na ang pamumutla at pangangayat niya pero naging kampante pa rin ako dahil mas naniwala ako na maayos siya kasi hindi niya naman pinapakita sa amin na nahihirapan siya.

Napakawala kong silbing pamangkin. Hindi ko man lang inalagaan si Auntie.

"Alam kong nasasaktan ka pa rin...pero kumain ka muna," saad ulit ni Sean.

Umiling ako. Wala akong ganang kumain.

Dinig ko ang pagbuntong hininga niya. Kanina pa niya ako sinasamahan dito. Nakasuot pa siya ng uniform. Gusto ko muna siyang pauwiin pero wala akong lakas na magsalita ngayon. Ang sakit² na rin ng mata ko. Ang sakit ng buong katawan ko. Gusto ko nang matulog at magbasakaling paggising ko, panaginip lamang ang lahat na nangyayari ngayon.

"Hindi magiging masaya si Tita kung pati sarili mo pababayaan mo na rin," mahinahon man pero may diin sa sinasabi niya.

Pinunasan ko ang luhang nagtangkang tumulo na naman sa mga mata ko. Hindi ko alam kung nasan si Tiyo Randy. Pareho lang kami ng pinagdadaanan ngayon. Pareho ang nararamdaman. Parehong nawalan ng mahal sa buhay.

"Please...kumain ka muna...kahit kaunti lang, magkalaman lang ang sikmura mo," mahinahong pakiusap ni Sean.

Nilingon ko siya. Puno ng pag-alala ang itsura niya kaya kahit 'di ko kaya, tinananggap ko pa rin ang arroz caldo na binili niya. Bawat subo ko, panay din ang luha ko. Kaya ang ending, isang subo lang ang nagawa ko dahil 'di ko nakayanang pigilan ang maiyak muli.

"Nandito lang ako," sabi ni Sean nang yakapin ako para e comfort. "Hindi kita iiwan."

"Hindi ko talaga kaya Sean." Panay ang iyak ko sa dibdib niya. Basang basa na ng luha ang uniform niya. "Hindi ko matanggap na wala na si Auntie...hindi ko talaga tanggap..."

Kung pwede lang ibalik ang oras. Kung pwede lang ibalik ang buhay ni Aunte. Ngunit malabo nang mangyari iyon. Malabong malabo.

Iniyak ko nalang lahat ng sakit at sama ng loob na nararamdaman ko. Hindi naman ako iniwan ni Sean kagaya ng pangako niya. Nanatili siya sa tabi ko.

"Just calm down, okay?" paalala sa akin ni Sean.

Pwede na namin kunin si Auntie. Mabilis lamang ang naging proseso. Nandito na rin ang funerals na kukuha kay Auntie. Nanginginig ang buong katawan ko, hindi ko kayang pumasok sa Morgue para tignan ang katawan ni Auntie. Natatakot ako. Naaawa. Nakakapanghina.

"Paula..." Kitang-kita ko kung paano humagulgol si Tiyo nang makita ang katawan ni Auntie na nabalutan ng puting tuwalya. "Bakit..."

Hindi ko na rin mapigilang umiyak at humagulgol. Kung hindi lang nakaalalay sa akin ngayon si Sean, siguro napaluhod na naman ulit ako sa sobrang panghihina.

"Bakit Paula..." halos hindi na makapagsalita si Tiyo nang buksan nito ang puting tuwalya at bumungad sa amin ang mukha ni Auntie na nakapikit. Wala ng buhay.

UNEXPECTED YOU (GAY series #2)|✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon