8

44 1 0
                                    

"Alam mo? Swerte mo."

Magkasama na naman kami ngayon ni Sean kasi nag-aya siyang gumala dahil wala naman siyang gagawin. Tamang tama lang na hindi muna kami magtitinda ngayon sa palengke kaya 'di na ako tumanggi kay Sean.

Sino ba naman ako para tanggihan ang isang Sean? Ang crush ko. Minsan lang nangyayari ito sa buhay ko kaya kailangan ko ng lubusan baka kasi wala ng next time.

"Bakit naman?" Takang tanong ko.

"Kasi Lucky ang pangalan mo," sagot niya naman agad.

Nandito kami ngayon sa 7/11. Sa labas namin napiling tumambay kasi mas maganda ang simoy ng hangin dito.

"Parang ganun lang?" nakangiwing ani ko.

"Wala lang, ang cute, swerte," nakangising sagot niya.

Hindi ko alam kung bakit naging close kaming dalawa ni Sean. Biglaan lamang nangyari ito, alam kong aware siya na bakla ako pero 'di niya ako nilalayuan sa halip mas lalo siyang naging malapit sa akin.

Ewan ko ba pero hindi na ako nagtanong sa kaniya baka iisipin niya na naman ulit na ayaw ko siyang maging kaibigan o 'di kaya hindi ako komportable sa kaniya.

Totoo nga sigurong masuwerte ako dahil nakilala ko ang lalaking kagaya niya. Ang lalaking handa akong kaibiganin at respituhin kahit bakla ako. Iyon lang naman ang hangad ko e, ang makatagpo ng lalaking kagaya ni Sean. Hays, sana marami pang Sean sa mundo.

"Gwapong gwapo ka na naman sa akin no?"

Bumalik ako sa huwisyo nang bigla kong naramdaman ang daliri niya sa noo ko. Agad akong napasimangot ahil pinitik niya ako sa noo.

"Alam kong gwapo ako, Swerte. Pero hindi ibig sabihin nun kailangan mo na akong titigan ng ganiya," aniya. "Halikan mo rin sana para worth it!"

Namilog pa ang bibig ko sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala na magbibiro siya ng ganito sa akin ngayon. Iyon naman talaga ang gusto kong gawin kaso bawal. Baka kung tutuhanin ko 'yun lalayuan niya na ako. Alam ko namang biro lamang niya lahat ito pero minsan ang hirap ding pigilan mag assume na sana ganun talaga ang gusto niyang gawin ko.

Kung pwede lang.

"Ayos din ng mga joke mo no!?" Agad ko siyang binatukan pero agad din siyang umilag habang natatawa sa akin. "Diyan ka na nga!"

Tumayo na ako para pumasok sa loob ng 7/11 kasi tumambay lang kami doon pero 'di man lang kami nakabili ng pagkain o inumin. Buti nalang nga at kaunti lamang ang mga tao dito karamihan mga kabataan ding ka edad namin. Tumungo na ako sa lagayan ng mga chips kasi gusto kong bumili ng Piattos. Kumuha ako ng isa tsaka isang roller coaster, bumili din ako ng drinks.

"Luis?"

Papunta na ako sa counter nang biglang may tumawag sa pangalan ko. Agad akong lumingon sa pinanggalingan ng boses na iyon at ganun nalang ang tuwang naramdaman ko nang bumungad sa akin si Gabby.

Kaibigan ko siya mula nung nagkakilala kami sa isang Quiz bee. Elementary pa kami nun at ngayon lang ulit kami nagkita after niya mag transfer noong nag High School na sila. Ahead ko kasi siya.

"Gab!" Natutuwang saad ko at lumapit agad ako sa kaniya. "Hala! Buti naman at nagkita ulit tayo ngayon after ng ilang taon!"

He fixed his eye glasses. May sira kasi ang mga mata niya kaya naka eye glasses siya parati. Matalino din ito. Palagi niya akong niyayaya noon na magbasa ng libro sa library.

UNEXPECTED YOU (GAY series #2)|✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon