1

56 1 0
                                    

Pitong taon ang nakaraan, naging biktima ako ng child abuse. Ang salarin ay ang aking sariling ama. Palagi niya akong sinasaktan dahil ayaw niya sa akin. Ayaw niya sa akin dahil isa akong bakla.

Sabi nila, magulang daw natin ang unang taga hanga natin, ang tanging makakaintindi at tatanggap sa atin. Ngunit bakit sa akin hindi? Bakit sa halip na suportahan ako, bakit iniwan ako ng nanay ko? Bakit sinasaktan ako ng tatay ko?

Bakit hindi sila masaya na naging anak nila ako?

"Lucky!"

"Huwag po!"

"Lucky! Gising!"

"Pa! Huwag niyo po akong saktan!"

"Lucky, anak!"

Nagising ako mula sa matinding pagkabangungot. Agad akong napaupo sa kama ko habang basang-basa ng pawis at hingal na hingal. Ramdam ko rin na basang-basa ang pisngi ko dahil sa luha.

Napanaginipan ko naman ang nangyari sa akin dati. Ang ginagawa sa akin ni papa. Ang pananakit niya sa'kin.

Ilang beses ko nang kinakalimutan lahat ng iyon ngunit patuloy ko pa ring naaalala. It traumatize me. Takot na takot pa rin ako kahit hindi ko naman nakikita at nakasama si papa.

"Napanaginipan mo na naman ba?"

Lumingon ako sa isang babae na halos may puti na ang buhok ngunit malakas pa rin. Mga nasa kwarenta na ang kaniyang edad at isang byuda.

Siya si Auntie Paula. Ang tita ko na kapatid ng mama ko. Siya ang nag ligtas sa akin noong muntikan na akong mapatay ni papa, pitong taon na ang nakalipas. Siya ang super hero ko dahil kung wala siya baka ngayon isa na akong kalabera sa sementeryo.

I am Lucky to have her. Siya ang nag-alaga at nagpalaki sa akin, sa kaniya ko naramdaman ang pagmamahal na hindi ko naranasan sa mismong mga magulang ko.

"Auntie..."

Humikbi ako at niyakap siya ng mahigpit. Naramdaman ko naman agad ang pagyakap niya sa akin habang pinupunasan ng bimpo ang pawis ko sa likod. Napahagulgol ako sa takot dahil sa panaginip ko.

"Auntie, takot na takot pa rin po ako. Baka saktan ulit ako ni papa kapag nakita niya ako."

Natigil siya sa pagpunas ng pawis ko at hinarap ako sa kaniya. Pinunasan niya muna ang namumuong pawis at luha sa mukha ko at tinitigan ako ng puno ng pag-alala.

"Hindi na iyon mangyayari. Hindi ko hahayaan na mangyari ulit iyon sayo." Mahinahon niyang sabi.

Sa tuno ng boses niya unti-unti akong kumalma, unti-unti na ring bumabalik sa normal ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Hindi ka na ulit sasaktan ng ama mo, nakakulong na siya diba?"

Napatitig ako kay Auntie nang sambitin niya iyon. Ang kaninang takot ko unti-unti nang nawawala at napalitan ng pagiging kampante at mahinahon. Napahinga ako ng malalim at matipid na nginitian si Auntie. Ngumiti din siya sa akin, at sa pamamagitan ng pag ngiti niya alam kong ligtas na ako dahil may isang tao na pro-protekta sa akin.

Si Auntie Paula 'yun.

Matagal nang nakakulong si papa. Nag file ng kaso si Auntie at Uncle noon sa kaniya ng Child abuse. Napanalunan agad namin ang kaso kasi kitang-kita naman sa katawan ko na sinasaktan ako ni papa. Panay ang pagmamakaawa niya sa akin na bawiin ko lahat ng sinabi ko noon sa husgado. Hindi niya raw iyon magagawa sa akin dahil anak niya ako, mahal niya raw ako.

UNEXPECTED YOU (GAY series #2)|✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon