27

13 0 0
                                    

“Boyfriend mo diba ‘yung sa grade 12 HUMSS?”

Nilingon ko si Hendrix. Seryoso siya nang sambitin iyon dahilan para tumigil ako sa pagsusulat ng essay para sa isang subject namin tapos kumunot ang noo ko.

Isang buwan na ang nakalipas at hindi pa rin nagbabago ang tingin ko kay Hendrix. Naiinis pa rin ako sa pang-aasar niya at hindi na talaga nakakatulong ang panunukso ng mga kaklase namin sa amin. Kaya kinokompronta ko na sila minsan kaya marami nang may lihim na galit sa akin ngayon na kaklase ko lalong lalo na ang ibang bakla. Hindi ko nalang sila pinapansin.

“Bakit?” takang tanong ko.

Bumuntong hininga si Hendrix. Hindi agad siya nakasagot dahil may biglang sumingit sa pag-uusap namin.

“Sus! Pakipot pa mukhang may gusto rin naman,” parinig ni Paul. Kasama niya ang dalawang bakla na friend niya. Nakaupo siya sa desk. Alam kong ako ang pinaparinggan nila.

Alam kong naiinggit lamang siya sa’kin dahil panay ang lapit sa akin ni Hendrix tapos sa kaniya hindi. Hindi naman kasi maganda minsan ang inaakto niya, nagiging touchy na siya sa ibang boys buti nalang at hindi naman nagagalit sa kaniya.

“True,” singit ng isa. Si George. “Feeling hard to get pero tinitigasan naman agad puta.”

Sila talagang tatlo ang war freak sa room. Dinaig pa ang mga babae namin. Although may iba ding babae na may lihim na galit sa akin. Siguro dahil hindi ako nagpapakopya. Hindi naman kasi makatarungan ang ginagawa nila minsan. Sumusubra na sila. Parati pa silang nag o-open notes. Tangina section A pa naman kami tapos ganun sila.

“Kunyari hindi gusto pero naglalaway din naman,” dagdag pa ni Nicos.

Natawa sila na parang demonyo. Napailing lang ako at hindi na sila pinansin. Hindi naman sila importante para pagtuonan pa ng pansin.

“Ano na ulit ang sasabihin mo?” balin ko kay Hendrix.

Lumingon siya sa akin. Nakangisi siya at mukhang natatawa pa sa mga bruheldang bakla na nagpaparinig pa rin sa harap.

“Mahirap maging hot, pinag-aagawan,” pagyayabang niya.

Napangiwi ako dahil agad niya pang binuksan ang limang butones ng uniform niya dahil naiinitan siya. Wala siyang suot na sando o t-shirt sa loob kaya bumungad agad sa akin ang bandang dibdib niya at ang taas ng tiyan niya. Kaya mas lalo pang nagparinig sina Paul.

“Ehem! Ako nalang kasi!” Parinig pa ni Paul. Hindi talaga sila tumitigil. “Worth it naman akong dumila at sumubo.”

Napapikit ako ng mariin, konting-konti nalang talaga at mabubusalan ko na ang mga bibig nito e. Ang iingay.

“Lapitan mo na nga sila! Nakakairita na kasi sila!” angal ko kay Hendrix.

“Ano naman ang pake ko sa kanila?” angal niya rin.

“Mukhang gusto ka nilang tikman kaya doon mo ipakita ang katawan mo sa kanila!”

“Hindi naman ako nagpapakita ng katawan, mainit kasi,” katwiran pa niya habang pinapaypayan ang sarili ng panyo niya.

Umiling lang ako at tumayo na para lumabas. Sumasakit ang ulo ko kapag mananatili ako sa room tapos kasama ko ang mga piste na ‘yun.

“Woi! Luis!”

Nasa labas na ako ng room ng bigla kong narinig ang pagtawag sa akin ni Paul. Napapikit ako ng mariin habang nakakuyom ang aking mga palad. Bumuga ako ng napakalalim na hininga at hinarap siya.

UNEXPECTED YOU (GAY series #2)|✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon