38

41 0 0
                                    

Walang madali sa mundo. Lahat ay kailangan mo pang pagdaanan sa butas ng karayom para lamang makamit ang hinahangad mong tagumpay at kalayaan.

At a young age, I suffered a lot. I am a victim of child abuse by my own father. Until this moment I have never forget that experienced although I am now okay. Hindi na rin ako nanaginip tungkol pa doon.

Namatay ang Auntie ko na hindi ko man lang nasabi kung gaano ako nagpapasalamat na siya ang tumayo kong guardian ng ilang taon. Kahit wala na siya hindi ko pa rin nakalimutan lahat ng sinakripisyo niya para sa'kin.

And Lastly si Sean. Even though our love story has ended too soon, I'll never forget those memories I have with him before. Nanatili pa rin iyon sa isip at puso ko. Although unti-unti ko nang naaalis ang nararamdaman ko sa kaniya ng ilang taon. Hindi ko na siya nakita pa after ng graduation nila. I transferred school na rin kasi after nung pangyayari, hindi na nakakabuti para sa akin ang manatili doon. Lalong lalo na't marami kaming ala-ala doon dalawa.

All of those happened because of a reason. Those reason which put us in the right path.

"Lakasan mo pa ang pag iri!" utos ng doctor.

Mahigpit ang pagkahawak ko sa isang kamay ni Valeria habang naluluha siyang pinapanuod na nanganganak.

"Ahhhh!!" sigaw niya. At halos maputol na ang ugat niya sa leeg sa sobrang sigaw.

She was pregnant with a baby boy. Excited na kaming makita ito.

"Hindi ko na kaya!"

Halos sumusuko na siya. Sa laki ng tiyan niya at sa bata na nasa sinapupunan niya halatang hirap na hirap na siya. Kahit nanunuod lang ako sa tabi niya parang ako ang nasasaktan at nahihirapan para sa kaniya. Ang bilis din kasi ang tibok ng puso ko sa kaba. Hirap na hirap din akong huminga habang naririnig siyang sumisigaw sa pag iri.

"Huwag kang sumuko, umiri ka lang, malapit na ito...lumalabas na ang ulo ng bata," kalmadong saad ng doctor na babae.

"Kayanin mo," pampalubag loob ko sa kaniya. "Maya-maya lang makikita na natin si Baby."

Kahit nanghihina na, naluluha, namamawis at namumutla. Determinadong inilalabas ni Valeria ang anak. Nasa tabi niya lang ako para pagaanin ang loob niya. I also sang her favorite song niya "Honey my love so sweet."

Nakahinga kami ng maluwag nang marinig ang iyak ng bata.

"Konting tiis nalang misis, iri pa," nakangiting saad ng doctor.

"Ahhhhhhhh!!!" Inubos na ni Valeria ang kaniyang buong lakas at maayos niya namang nailabas ang baby.

Napangiti ako sa baby na binubuhat ngayon ng doctor para linisan. Tapos na rin kasi nitong putulin ang pusod ng bata.

"Ang anak natin," nanghihinang saad ni Valeria.

Napairap ako at lumapit sa doctor na binubuhat ang baby namin, malinis na. Hindi mapantayan ang tuwa na nararamdaman ko ngayon. Lalong lalo na nang iharap sa akin ng doctor ang baby na panay pa rin ang iyak.

"Ang pogi ng anak niyo mister oh," sabi nung doctor.

Inabot niya sa akin ang baby namin ni Valeria tsaka nakangiti ko naman itong tinanggap para buhatin. Ang tangos ng ilong, mapula ang labi, normal na umaarko pataas ang pilik mata at makapal din ang kilay.

Lumapit ako kay Valeria para ipakita sa kaniya ang anak. Nanghihina siyang ngumiti habang naluluha. Tuwang tuwa at nailabas niya ng maayos ang anak niyang pinaghirapan niyang dalhin ng siyam na buwan.

"Kamukha ni Hendrix," mahinang saad nito habang nakatingin sa anak.

Gagu na lalaki na iyon. Kung hindi ko lang talaga tinuturing na kapatid iyon ang sarap banggain ng kotse e. Alam niya na ngang ngayong linggo ang due date ng asawa niya pero nakuha pa niyang pumunta ng abroad para manuod ng NBA ng live. Pangarap niya kasi iyon kaya hindi niya na pinalampas ang pagkakataon. Hindi rin kasi sure kung anong araw ang panganganak ng asawa niya kaya nakampante ang bwiset niya!

UNEXPECTED YOU (GAY series #2)|✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon