39

29 0 0
                                    

"How are you?" Sean asked me while I'm making his coffee.

Sandali akong natigilan. Halos ilang taon na ang nakalipas at marami nang nagbago sa aming dalawa. Pareho nang may tinatahak na career. We've been through a lot before at least we still end up in a successful life.

"Okay lang naman," tipid kong sagot not looking at him. Nakatuon lang ang atensyon ko sa kape niya.

Magsasarado na dapat ako e kaso dumating si Sean Tristan Suarez. Ang bastos naman kung hindi ko siya pagbibigyan at mukhang inaantok pa siya ngayon. Kailangan niya nga ng kape.

"I see," tumango siya at hindi na nakapagsalita pa.

Sa totoo lang ang awkward ng presensya niya ngayon. When I get back to our past, hindi naging maganda ang huling pag-uusap namin and right now, unexpected kaming nagkita ulit after so many years.

Bukod sa career, malaki din ang pinagbago niya. He looked more strong and mature now. Naging matikas pa lalo ang kaniyang pangangatawan. His tanned skin is still the same even though tumagal siya doon sa america. His voice became more deeper now and he looked more serious than before. Siguro dahil nasanay siya sa modeling industry. Nagkaroon rin ng ilang bigote siguro hindi nakapag shave. 

After I made his coffee, inabot ko na agad iyon sa kaniya. Medyo nanginginig pa ang kamay ko dahil na rin siguro sa aircon.

"Keep the change," saad niya nang ilapag ang isang libo. Agad na siyang umalis para pumwesto malapit sa may glass wall. Napasulyap muli ako sa pera niya.

Wow! Kasabay na rin pala ng pagbabago niya ang "Keep the change." But I don't like it, I need to return his change. Kumuha ako ng change sa money case tsaka lumapit sa gawi niya. Nilapag ko iyon sa harap niya dahilan para umangat siya ng tingin at pinagkunotan ako ng noo.

"What's that?" takang tanong niya. Saglit na sinulyapan ang pera tsaka muling bumalin sa akin.

"Malamang pera," sarkastik kong sagot.

"Alam ko," sagot niya rin. Seryoso na ulit ngayon. "Anong gagawin ko diyan?"

Napabuntong hininga ako. Hindi porket mayaman siya, isawalang bahala niya nalang ang halaga ng pera. Kahit barya lang 'yan malaki pa rin ang value niyan sa buhay ng tao. Kaya huwag naman sana siyang mag aksaya ng pera kasi hindi lahat may pera kagaya niya.

"Hindi uso ang 'Keep the change' sa coffee shop na 'to. Kaya 'yan ang sukli sa 1000 pesos mo!" mataray kong saad tsaka tinalikuran na siya.

Narinig ko siyang natawa. Napairap muli ako. Nakakainis talaga siya ngayon. Kailangan niya ba talagang ipamukha sa akin na maganda na ang buhay niya at may pa keep the change pa siyang nalalaman? Tsk! I don't need his money! Duh!

"You change huh?"

Natigil ako sa paglalakad at inis siyang nilingon ulit. Nakatalikod siya sa akin habang nakatutok sa kape niya.

Jusko! Ako pa ang nagbago ha? E siya nga 'tong nakakainis na may pa keep the change pang nalalaman. Nakakairita!

"Woi! Mr. Disguise na mukhang holdaper! Anong nagbago ang pinagsasabi mo?" inis kong sabi sa kaniya.

Agad siyang tumayo at hinarap ako, hawak pa niya ang cup ng coffee niya. Nakangisi pa siya at mukhang enjoy na enjoy na pinipikon ako ah? Bagay talaga silang pang untugin ni Hendrix!

"Hindi ba?" sarkastik niyang saad.

Mas lalong kumulo ang dugo ko sa kaniya. Kung pwede lang talaga siyang itapon sa labas ng coffee shop gagawin ko e!

"Baka ikaw ang nagbago?" sarkastik ko ring saad. I crossed my arms over my chest.

Natigilan siya at umawang ang labi. Ngumuso siya ng kaunti at kumunot pa ang noo. Kunwaring nagtataka pa sa saad ko.

UNEXPECTED YOU (GAY series #2)|✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon