13

24 0 0
                                    

“GAGI! Anong meron? Bakit may mga pulis dito kanina?”

Papasok palang ako ng room iyon agad ang mga naging bukambibig ng mga kaklase ko. Nangunot ang noo ko dahil hindi ko alam ang pinagsasabi nila.

“Everyone! Pumasok muna kayong lahat sa loob, meron akong importanteng sasabihin sa inyo!”

Sumulyap ako kay Laleyla ng bigla siyang pumasok sa room. Tumingin siya sa akin at ngumiti. Mukhang okay na siya ngayon, hindi na siya kagaya nung dati na parang problematic siya. Sa totoo nga ang blooming niya ngayon.

“Anong meron?” tanong ko sa kaniya.

Bigla siyang bumuntong hininga dahilan para mangunot ang noo ko lalo. Meron kayang nangyari?

“Sasabihin ko mamaya, maupo muna kayo,” sagot niya at tango lang ang naitugon ko.

Wala pa ang dalawa kong kaibigan kaya agad kong kinuha ang phone ko sa bulsa. Meron na akong phone ngayon, regalo sa akin ni Auntie nung birthday ko. Late niya na ngang naibigay kasi pinag-ipunan niya pa ito. Kaya ang saya-saya ko at tudo ang pasasalamat ko kay Auntie kasi binilhan niya ako ng cellphone. Di na ako mababagot sa bahay kung ako lang maiiwan dun.

Nag open muna ako ng facebook. Bago pa ang account ko kaya wala pa akong gaanong friends. Sina Valeria, Bea at Gabby pa lamang ang friends ko. Marami na rin ang nag send sa akin ng friend request kaso di ko pa ina-accept. Hindi ko naman kasi kilala ang iba, pero karamihan kaklase at school mates ko. Di ko alam kung merong facebook account si Sean kaso madalang ko lamang siyang nakikitang gumagamit ng cellphone kapag magkasama kami.

“Anong meron?”

Nagulat pa ako ng biglang may kumalabit sa akin, paglingon ko si Valeria lang pala. Kakarating lang niya. Nandito na rin ang ibang kaklase namin. May pinag-uusapan sila na hindi ko naiintindihan.

“Nasaan si Bea?” tanong ko sa kaniya di niya kasi kasama si Bea e.

Umupo siya sa tabi ko. Di pa nga siya nakapagsuklay ng buhok niya. Halatang nagmamadali siyang pumasok ngayon.

“Absent siya,” sagot niya at nagsimula nang isuklay ang kaniyang buhok.

“Bakit?” Takang tanong ko.

“Dysmenorrhea,” sagot niya habang tinatali na ang buhok niya.

Tumango lang ako. Ang hirap maging babae. Pero mas bet ko pa rin maging babae. Wala akong balak magpa transgender, okay na ako sa woman by heart. Ba’t ko naman kailangan ‘yun? May nagmamahal na nga sa’king lalaki e kahit bakla ako.

Dati iniimagine ko lang ‘to. Naiinggit pa nga ako kay Clionet e dahil mayroon siyang Tayrone na nagmamahal sa kaniya. Pero ngayon hindi ko na mararamdaman iyon dahil meron na rin akong Sean na nagmamahal sa akin. Gustong gusto ko na siyang maging jowa kaso much better kung mas kilalanin ko pa siya bago mangyari lahat ng iyon. Hindi pa naman ganun kalalim ang pagkakilala ko kay Sean. Naghihintay lang kasi ako sa karampot na detalye ng buhay niya na random niya lamang na binabahagi sa akin. Hindi naman ako nagtatanong kasi mas gusto kong kusa niyang ikukuwento sa akin ang tungkol sa buhay niya.

Marami akong gustong itanong sa kaniya kaso itinatabi ko muna para mas magiging mahaba pa ang kwentong ito. Base kasi sa nakikita ko sa kaniya, mukhang maayos naman ang buhay niya. Parang wala lang problema pero baka ganun lang iyon kasi nga di ko naman nakikita kay Sean na nakasimangot siya o nalulungkot. Panay ang ngiti niya. Masayahin siya. Pero mas lalong siyang lumigaya ngayon na kasama niya na ako. Ramdam na ramdam ko na mahal na mahal niya talaga ako.

Tama nga sila, hindi masama ang mangarap.

Sa lahat ng birthday wish ko, ito lang ang nagkatotoo. Siguro para talaga kami ni Sean sa isa’t-isa.

UNEXPECTED YOU (GAY series #2)|✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon