24

23 0 0
                                    

Sa dalawang linggo, hindi nabanggit nila Auntie ang tungkol kay mama. Normal lamang silang umakto kapag nandiyan ako. Pero kapag wala ako, doon sila nag-uusap tungkol kay mama.

Umaakto lang din ako na walang alam kahit deserve ko namang malaman ang tungkol doon. Nanay ko ‘yun, may karapatan akong malaman kung ano man ang nangyayari sa kaniya ngayon. Kahit galit ako sa kaniya dapat hindi nila pinagkakait sa akin ang impormasyon na dapat kong malaman tungkol sa kaniya.

Ngunit naiintindihan ko naman si Auntie. Alam kong iniisip niya lang din ang mararamdaman ko. Kahit sabihin niya man sa akin ang totoo, hindi naman mababago nun na wala na talagang pakealam sa akin ang nanay ko.

Kailangan ko na lamang tumutok sa kung anong meron ako ngayon. Kailangan ko na lamang isipin ang mga importanteng bagay na nangyayari sa buhay ko ngayon kesa sa isipin pa sila. Isa pa, nandiyan naman si Auntie Paula. Siya ang nanay ko. Siya ang nagpalaki at nag-alaga sa akin. Sila lamang ni lola ang nagmamahal at may pakealam sa akin. Siya ang maituturing kong nanay kahit hindi naman ako galing sa kaniya.

Nanibago ako sa paligid nang makarating kami ng Maynila. Mahigit dalawang buwan lamang kaming nandun sa probinsya pero pakiramdam ilang taon kaming nandun dahil sa nararamdaman ko. Madali lang kasi akong masanay sa paligid doon sa probinsya. Mas nagugustuhan ko pang nandun ako kesa dito. Kaya buo na talaga sa plano ko na doon ako maninirahan sa probinsya kapag nakapagtrabaho na ako.

“Paula! Na miss ko kayo!”

Tuwang tuwa si Tiyo Randy nang salubungin niya kami pagbaba namin ng bus. May dala pa kaming mga prutas at gulay. Nilapag namin iyon para tanggapin ang mainit na yakap ni Tiyo Randy.

“Na miss ka rin namin Randy,” nakangiting saad ni Auntie.

“Pamangkin!” agad din akong niyakap ni Tiyo.

“Kamusta ka tiyo?” nakangiting tanong ko.

Kumalas siya sa pagyakap sa akin at tinulungan kami sa mga dala namin. Pumunta na kami sa gawi ng tricycle niya.

Sa totoo lang, dahil kay Auntie Paula at Tiyo Randy hindi ko na kailangan pang isipin na sana tunay kong mga magulang ang kasama ko ngayon. Mas sobra pa kasi sila sa tunay na magulang ko kung maka trato sa akin ng tama. Masuwerte ako na kasama ko sila sa buhay.

“Naging busy ako sa tindahan niyo…” ani Tiyo at ipinuwesto na ang plastic na may mga prutas at gulay sa likod ng tricycle. “Maraming namimili tuwing bakasyon kaya malaki din ang kita.” Aniya. “Nga pala Paula, ito ang mga kinita ko sa mahigit dalawang buwan na pagbabantay ko sa tindahan niyo.”

“Mamaya nalang ‘yan Randy, umuwi muna tayo at pagod pa ako. Gusto ko nang magpahinga.” Nakangisi man si Auntie pero ramdam ko ang pagod sa mukha niya. Siguro dahil sa byahe. Mahaba kasi ang naging byahe namin. Pero may iba pa akong nararamdaman na nakapagdulot sa kaniya ng pagod ngayon.

Ilang araw ko na rin kasing napapansin na malalim ang iniisip niya. Kung tatanungin ko siya, palagi niya lamang sinasabing ‘OK lamang siya’.

Yumakap ako sa braso ni Auntie at nginitian siya nang sulyapan niya ako. Ngumiti din siya sa akin. Kung wala lang akong alam sa kung ano man ang bumabagabag sa isip niya ngayon, aakalain kong okay lamang si Auntie.

Agad kaming umalis ng terminal para umuwi. Kahit papano na miss ko rin ang Maynila. Nang pumasok na kami sa aming baryo, bigla kong naalala ang probinsya. Iba kasi talaga kapag nasa probinsya ka, lahat ng tao inaabangan ka pero dito sa amin…wala ka ngang makikitang mga tao sa labas kasi nasa loob ng kani-kanilang mga bahay.

“Nakaka miss ang bahay!” saad ko nang huminto na kami sa harap ng bahay. Nakasarado ito. Kampante naman kaming hindi mananakawan kasi binabantayan naman ito ni Tiyo Randy habang wala kami.

UNEXPECTED YOU (GAY series #2)|✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon