30

24 0 0
                                    

SEAN

“Sean, I’m so sorry. But I am now breaking up with you.”

My brows were furrowed when I saw how serious and determined she was to break up with me after 3 months of being in a relationship. We’ve been in a relationship for 3 months ngunit sa tatlong buwan na iyon, masasabi kong siya lamang ang seneryoso kong babae.

I shook my head in disbelief. Hindi ko tanggap na tatapusin niya lamang ito ng ganun lang. Wala akong nakikitang rason para hiwalayan niya ako. Siya lamang ang inaasahan kong babae na tatagal sa akin tapos ganito pa ang gagawin niya sa akin? Makipaghiwalay na siya? Hindi naman ata tama ‘yun!

“Ayaw ko Monique, walang maghihiwalay,” seryosong sagot ko. Nagbabasakali na sana babawiin niya ang sinabi niyang makipaghiwalay sa akin.

Nasa kaniya na lahat ng hangad ko sa isang babae. Sa kaniya ko lamang naramdaman ang pagmamahal na hindi ko naramdaman sa ibang nakarelasyon ko dati.

“No Sean,” saad niya.

Nakangiti man pero ramdam kong hindi niya rin kaya ang pinagsasabi niya ngayon. Gusto kong magalit kaso hindi ko ‘yun kayang gawin sa taong mahal ko.

Okay lang na ako ang saktan nila, hindi lang ako ang makasakit sa kanila.

“I’m still grateful that you are my boyfriend for 3 months,” aniya.

Hinawakan niya ang kamay ko. I wanted to cry kaso pinigilan ko iyon. Ayaw kong magmukhang mahina sa harap niya. Kahit gustong gusto ko nang lumuhod sa harap niya ngayon.

“But magiging magkalayo na tayo. Hindi ko kaya iyon.”

“Handa naman akong sumabay sayo kung saan ka mag-aaral. Please, Monique huwag mo lang akong iwan!”

Naluluha na ako. Hindi ko mapigilan. Sa ilang babaeng nakarelasyon ko, kay Monique lamang ako naiyak ng ganito. Sobrang nasaktan ako.

“You can proceed to BL school without me Sean,” sagot niya. Nangingilid na rin ang luha. “Buo na diba ang plano mo na doon ka? Huwag mo nang sirain pa iyon ng dahil sa akin.”

“Ngunit hindi ko kaya kung wala ka,” nakikiusap na saad ko.

“Kaya mo Sean." Lumunok pa siya at hinaplos ang pisngi ko. “Hindi lamang sa atin dalawa umiikot ang mundo natin. Makakakita ka pa ng mas higit pa sa akin, Sean. You deserve someone better than me.”

You deserve someone better than me.

Kalokohan! Siya lang naman ang better para sa akin e.

“Ang pagmamahal ko sayo ay hindi na kagaya pa nung una kitang nakilala,” pag amin niya. “Aaminin ko, wala na akong nararamdaman para sayo, Sean. Hindi na kita mahal.”

Parang piniga ang puso ko sa mga sinabi niya. Gusto ko siyang pigilan pero mas masakit kapag hindi niya sasabihin sa akin. Siguro karma ko na ‘to dahil sa pagiging babaero ko.

“May mahal ka na bang iba?”

I’m still hoping na sasabihin niyang wala. Panatag ako dun. Matatanggap ko pang sabihin niyang hindi niya ako mahal, basta huwag niyang lang sabihin na may mahal na siyang iba. Masakit para sa akin iyon.

“Wala,” sabay iling niya. “Sadyang naglaho lang talaga ang nararamdaman ko para sa iyo. Siguro hindi talaga ako ang para sayo, Sean. Tanggapin na lamang natin ang katotohanang iyon.”

Tumango nalang ako. Hindi na ako nakiusap pang muli dahil ramdam kong buo na ang desisyon niya. Hindi niya na ako mahal. Sira na ang relasyon naming dalawa.

UNEXPECTED YOU (GAY series #2)|✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon