10

32 1 0
                                    

"Swerte! Hintayin mo ako!"

Papunta na ako ng palengke nang marinig ko ang boses ni Sean na tinatawag ako. Huminto ako at kunot noo siyang nilingon.

"Iniwan ba naman ako," nakangusong aniya at patakbong lumapit sa'kin. Mag-isa lang siya, hindi niya kasama si Brian.

Bakit sumunod pa 'to?

"Sabi ko diba hintayin mo 'ko? Ba't iniwan mo ako?" Panunumbat niya.

Di ako nagsalita kasi naaalala ko na naman ang kanina. Ang nakita ko. Magkasama silang umakyat ulit ni Michelle kanina di ko alam kung ano ang ginawa nila. Nakakainis! Bakit panay na naman ang dikit ngayon ni Michelle kay Sean?

"Hoy!" Napahawak ako sa noo ng bigla niya akong pinitik doon. "Nakikinig ka ba sa'kin?"

Sa sobrang lalim ng iniisip ko, 'di ko na namalayan na nasa harapan ko na si Sean Tristan. Naiinis ako pero wala akong karapatan na ipakita iyon sa kaniya, ayaw ko naman kasing isipin niyang nagseselos ako ng walang dahilan. Hindi naman ako nagseselos, naiinis lang ako kasi pinaghintay niya pa ako dun ng ilang minuto. Nagmamadali pa naman ako.

"Bakit sumunod ka pa sa'kin?" hindi ko intensyon magmukhang galit pero iyon ang tuno ng boses ko dahilan para mangunot ang noo ni Sean.

"Bakit naman hindi?" kunot noong sagot niya. "Sabi ko diba sabay tayong pumunta sa palengke?"

Hindi agad ako nakasagot dahil tuwing nakikita ko siya naaalala ko si Michelle. Okay na ba sila ulit? Totohanin na kaya nila ang relasyong likhang isip lamang ni Michelle dati?

Umiwas na lamang ako ng tingin. Dinig kong bumuntong hininga si Sean. Gusto ko nang umalis ngayon kasi ayaw kong maging awkward para sa'ming dalawa ang inaakto ko ngayon. Kahit ako hindi ko rin naiintindihan ang sarili ko kung bakit inis na inis ako ngayon.

"Uy, bad mood ka ba?" kinalabit niya ako sa balikat. Sandali lang akong sumulyap sa kaniya at nakuha niya pang ngumiti sa akin. "Nagtatampo ka ba sa'kin?"

Umiling ako. Di ko siya masagot baka kasi ano pa masabi ko sa kaniya. Hindi alam ni Sean na gusto ko siya baka kung tatalakan ko siya ngayon baka madulas ang dila ko at maamin ko sa kaniya na matagal ko na siyang gusto.

"Woi? Ano ang kasalanan ko?" Nakikiusap na siya. Hinawakan niya ako sa kabilang pisngi at marahan na hinarap sa kaniya. Nakanguso siya sa akin at parang batang nakikiusap sa akin. "May nagawa ba ako sayo? Okay naman tayo kanina ah?"

Kung pwede lang sanang sabihin ang totoong nararamdaman ko ngayon, maglalakas loob akong sabihin kay Sean. Kaso ayaw ko namang lumayo siya sa'kin. Baka kung sasabihin kong gusto ko siya magiging komplikado para sa'ming dalawa iyon. Baka iyon pa ang magiging dahilan na lalayo na talaga ng tuluyan ang taong crush na crush ko.

"Sean?" ani ko. Tumitig ako sa kaniya at ganun din siya sa'kin. Mataas siya kesa sa'kin kaya medyo nakatingala ako sa kaniya. "Ba't mo 'to ginagawa?"

Hanggang ngayon hindi pa rin malinaw sa akin kung bakit naging malapit sa akin si Sean. Sinabi niya na sa'kin noon pa na gusto niya akong maging kaibigan, pero di niya nilinaw kung bakit gusto niya akong maging kaibigan. Ngayon na mas lalo na kaming malapit sa isa't-isa pakiramdam ko ang hirap para sa sitwasyon ko kasi mas lalo akong nahuhulog sa simpleng ginagawa niya para sa'kin kahit hindi niya naman intensyon na pahulugin ang loob ko sa kaniya.

Mukhang ako lamang ang nag-iisip ng kung ano² sa closeness namin ngayon.

"Ang alin?" takang tanong niya.

Binasa ko ang labi ko at lumunok. Pilit na nilalakasan ang loob na labanan ang mga tingin niya sa akin. Nanghihina na ang tuhod ko sa titig ni Sean sa'kin. Pakiramdam ko hinihypnotize niya ako sa pamagitan ng mga titig niyang iyon.

UNEXPECTED YOU (GAY series #2)|✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon