28

22 0 0
                                    

"It's already written in the student's handbook that anyone who commits or have done any violence inside the school area will automatically suspended for 2 weeks."

Pagkarating ko agad ng school kanina, dumeretso na agad ako ng guidance office dahil kakausapin daw kami ni Mr. Kong. Kasama ko ngayon ang wonder pets at ang nanay ni Paul. Halatang galit na galit ang nanay niya. Masama pang pinagsadahan ng tingin ang kabuuan ko. Siguro napansin niya ang bandage sa braso ko dahil sa ginawa ng anak niya.

Nasabi ko na ang side ko kanina. Babaliktarin pa sana ako ng tatlo kaso sorry nalang sila. Isang napakalaking ebidensya ang na hospital ako dahil sa kanilang tatlo.

"Diretsuhin niyo nalang kami sir," malditang saad nung nanay ni Paul kay Mr. Kong. "Ma suspended na ba ang anak ko?"

Nakayuko lamang ang tatlo. Halatang takot. Naiiyak na rin sila. Hindi ko alam kung maaawa ako o matatawa sa kanilang tatlo. Deserve naman nilang ma suspended e. Bagay nga sa kanila iyon.

Bumuntong hininga si Mr. Kong. Tsaka seryosong tumango.

"Kung ganun aalis na kami," galit na sabi ng nanay ni Paul. "Paul halikana! Perwisyo ka talaga sa akin na bata ka!"

Nagulat ako dahil bigla niyang hinablot ang braso ng anak niya para tumayo na dahil aalis na sila.

"Ma! Ang sakit!" Halos maiyak na si Paul sa ginawa ng mama niya.

"Misis nasasaktan ang bata," nag-aalalang saad ni Mr. Kong napatayo pa mula sa kaniyang swivel chair.

Hindi siya pinasin ng nanay ni Paul at diretso lang itong lumabas ng guidance office habang hinahatak ang anak. Sumunod naman ang dalawa dahil tatlo sila ang suspended ng 2 weeks.

Hindi ko mapigilang mag-alala para kay Paul. Sa reaction kanina ng nanay niya halatang galit na galit ito sa kaniya. Ngunit di mo naman siya masisisi kasi masama naman talaga ang ginawa ni Paul. Deserve niyang bigyan ng leksyon.

Napamasahe na lamang ng sentido si Mr. Kong at umupo pabalik sa kaniyang swivel chair. Hindi agad ako nakaimik dahil ang inaalala ko ay si Paul. Baka kung ano ang gagawin sa kaniya ng nanay niya. Naalala ko na naman ang nangyari sa akin dati pero umiling lang ako para mawala ulit iyon sa isip ko.

"How's your feeling right now, Mr. Soriano?"

Sumulyap ako kay Mr. Kong at tipid siyang nginitian.

"Mabuti naman po, nakapagpahinga na po ako kahapon kaya maayos na po ako ngayon," sagot ko.

Marahan siyang tumango at ngumiti sa akin. Minsan ko na rin naging guro ito si Mr. Kong. English siya namin noong grade 8. Masasabi kong strict siya pero sa lahat ng guro namin, siya ang pinaka the best. Dahil mini make sure niya talaga ang kalagayan ng lahat ng estudyante dito. Iniisip niya kung ano ang mas nakakabuti sa amin. Kaya mas mabuti na rin na siya ang ginawang guidance councilor sa BL school.

"Mabuti naman kung ganun," sagot niya.

Ngumiti lang ako sa kaniya. Ang tahimik ng guidance office. Pakiramdam ko kung mag-isa lang ako dito hindi talaga ako mananatili dito. Ang creepy kasi e. Napapalibutan ng kurtina ang buong office tsaka medyo madilim. Kaya kapag may nagrereklamo dito, ramdam agad ang tension.

"You may go now," aniya.

Tumango lang ako at nagpasalamat sa kaniya. Lumabas na ako ng guidance office para pumunta ng canteen. Maraming nakakita nung pangyayari kaya famous ako ngayon sa campus.

Si Baklang sinabunutan ng mga kapwa niya bakla.

Hindi na ako nagpasama kay Sean kasi may pasok din siya. Ayaw kong bumuntot siya sa akin dahil may sarili din siyang buhay. Hindi sa lahat ng oras sa akin lamang umiikot ang mundo niya. Kailangan niya rin sanayin minsan na hindi puro ako ang iisipin niya. Masyadong selfless si Sean pagdating sa relasyon naming dalawa. Kaya ayaw kong masanay siya sa ganun. Hindi sa lahat ng oras ako lamang ang prayoridad niya. He needs to think for himself too.

UNEXPECTED YOU (GAY series #2)|✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon