25

20 0 0
                                    

“Kinakabahan ako Sean…”

Natawa si Sean sa akin. Kaya mas lalo lamang tumulis ang nguso ko.

“Hindi naman sila nangangain at isa pa, hinihintay din nila ang araw na ito,” sagot niya.

Nanginginig ata lahat ng parte ng katawan ko dahil sa kaba. Kagabi hindi rin ako nakatulog ng maayos dahil sa kakaisip sa araw na ito. Kaarawan ngayon ni Sean at inimbitahan niya akong sumama sa diner nilang pamilya. Gusto sana ng mga ate niya na handaan talaga ang birthday niya pero mas gusto ni Sean ang simpleng dinner lamang kasama ang mga taong mahal niya.

“Dapat lang nilang hintayin ang araw na ito kasi birthday mo,” nakangusong saad ko.

Natawa siya at marahan na hinagod ang likod ko para pagaanin ang loob ko. Agad niyang ipinatong ang braso sa balikat ko at inalog pa ako ng marahan. Kahit papano nakatulong naman iyon para gumaan ang naramdaman ko.

Okay lang sa akin kung ano man ang posibleng maging reaksyon nila, ang importante sa’kin ngayon ay ang pagmamahal ni Sean. Kampante ako sa pagmamahal ni Sean dahil alam kong kahit anong mangyari hindi niya ako pababayaan. Alam kong ipaglalaban niya ako.

“Pasok na tayo?” nakangiting aya niya. Lumalabas naman ang malalim niyang dimples kay napangiti na lamang ako ng tipid.

Muli akong sumulyap sa restaurant na labas palang mukhang mamahalin na ang kanilang mga menu. First time kong makapasok dito kaya medyo na hesitate akong pumasok sa loob dahil halatang mayayaman lamang ang afford na makapasok dito.

“Okay lang ba ang ayos ko?” tanong ko kay Sean. “Baka kasi hindi appropriate sa loob e.”

Para mas safe, nagsuot ako ng satin polo na kulay dirty white naka insert sa brown pants ko. Suot² ko rin ngayon ang necklace na binigay sa akin ni Sean at wrist watch na neregalo sa akin ni auntie noong 16th birthday ko. Minsan ko lang sinusuot ‘to tuwing may ocassion kasi hindi ako sanay na may suot na kung anong burloloy sa kamay ko.

Samantalang si Sean naman ay naka casual attire. Naka black coat siya tapos white tshirt sa loob tucked with his black maong pants. Kagaya ko, suot niya pa rin ang bigay kong bracelete sa kaniya. Nasa isang kamay niya ito tapos sa kabila ay ang mamahalin niyang relo.

“Don’t worry, always kang maayos,” pampalubag loob niya sa akin. Hinaplos pa ang pisngi ko.

“Binobola mo naman ako e,” nakangusong angal ko. Natawa naman agad siya.

“Trust me Swerte, walang panget sa iyo ngayon. Lahat maganda.” Bumuntong hininga siya at muli akong nginitian.

Bumuntong hininga rin ako at tumango na lamang. Malaki naman ang tiwala ko kay Sean kaya kailangan kong maging matapang ngayon dahil nandiyan naman siya.

Dala-dala ko rin ngayon ang paper bag na may lamang gift ko sa kaniya. Ang scrapbook. Isang linggo ko lamang tinapos ‘to at sana magustuhan niya. Nakabalot pa ito sa wrapper para hindi niya makita kung ano ang laman nitong paper bag. Mamaya ko pa kasi ito ibibigay sa kaniya after ng dinner.

“Para ba sa’kin ‘yan?” nakangising tanong niya nang mapansin ang hawak kong paper bag.

Napasulyap muli ako sa paper bag at nakangiti siyang tinanguan. Agad namang kumislap ang kaniyang mga mata siguro dahil sa tuwa.

“Patingin!” tuwang-tuwa na aniya at aagawin pa sana sa akin kaso agad kong inilayo sa kaniya iyon. Napanguso siya. “Bakit?”

“Mamaya na. Excited?” kunyari nakangiwing saad ko sa kaniya.

“Bakit mamaya pa kung pwede naman ngayon?” ngumiwi rin siya.

Pabiro akong napairap. “Huwag kang atat Sean…harapin muna natin parents mo.” Ngumisi ako sa kaniya at mahinang tinapik ang pisngi niya.

UNEXPECTED YOU (GAY series #2)|✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon