6

52 1 0
                                    

"Bakit malungkot ang Lucky?"

Sumulyap ako kay Bea ng bigla niya akong lapitan dito sa hallway. Hindi pa ako nakaalis dito habang iniisip ang nakita ko kanina. Wala naman talaga akong karapatan na masaktan pero iyon ang nararamdaman ng puso ko.

Abnormal ka talaga self! Ba't ka naman masasaktan e crush mo lang naman 'yan?

Dapat maging happy nalang ako for him kasi iyon ang kaligayahan niya. Sino ba naman ako para magustuhan ni Sean? Isa akong bakla, tapos straight siya. Malabong magustuhan niya rin ako.

"I know iniisip mo pa rin ang nabanggit kanina ni Valeria," dagdag pa niya.

Agad namang nangunot ang noo ko. Hindi niya kasama si Valeria, siya lamang ang nandito sa tabi ko. Gusto kong mapag-isa muna pero mukhang kailangan ko nga ata si Bea ngayon.

"Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong ko.

Bumuntong hininga si Bea at tuluyan nang tumabi sa akin. Sumulyap muna siya doon sa mga naglalaro ng volleyball at sinulyapan muli ako.

"Kaibigan kita kaya alam ko kung ano 'yang ene-emote mo ngayon." Kunyaring natawa pa siya. "Alam kong affected ka dahil sa sinabi ni Valeria."

Si Bea tahimik lang pero napaka observant niya. Siya ang tipo ng kaibigan na kahit hindi mo siya sasabihan ng problema alam at ramdam niya agad na may problema ka.

Kahit two timer ang gaga na 'to ngunit pagdating talaga sa problema at sekreto maaasahan ko talaga siya. Iyon talaga ang reason kung bakit naging kaibigan ko si Bea, she's my human diary.

"Hindi ah!" Angal ko agad.

Agad naman siyang natawa sa naging reaksyon ko. Pero ngumuso lang ako dahil alam kong kahit anong angal ko, 'di talaga ako lulubayan ni Bea hangga't 'di ko masasabi sa kaniya ang totoo.

"Sus! Kunyari ka pa!" Mahina niya akong kinurot sa gilid kaya napangiwi ako at umiwas ng tingin. "Normal lang 'yan."

Marami naman akong nagustuhang lalaki ngunit ngayon lang ako naging affected ng ganito. Di ko na naiintindihan ang nararamdaman ko para kay Sean. Grabi talaga ang epekto ng lalaki na 'yun sa'kin. Crush ko palang nga pero nasasaktan na ako ng dahil sa kaniya.

"Crush is just paghanga," dinig kong sabi ni Bea kaya muli ko siyang nilingon. Nakatingin lang siya doon sa mga nag vo-volleyball tapos nginitian ako. "Huwag mong masyadong dibdibin ang mga ganung bagay dahil hindi naman dapat kailangan pino-problemahan 'yun."

Hindi ako nakasagot sa sinabi ni Bea dahil tama naman talaga siya, hindi ko dapat kailangang problemahin ang mga bagay na kagaya nito. Kaso ngalang ang sakit e. Ewan ko ba pero nakakainis na rin minsan ang feelings ko.

"Dapat maging happy ka nalang for him bilang ADMIRER niya. Taga-hanga," dagdag pa niya.

Bumuntong hininga ako. Hindi ko alam ang isasagot sa kaniya, hindi ko alam kung paano ko ibabahagi sa kaniya ang tunay kong nararamdaman ngayon dahil alam kung ganun pa rin naman ang sasabihin niya. HUWAG AKONG UMASA KAY SEAN, MAGING MASAYA NA LAMANG AKO SA KANIYA BILANG TAGAHANGA NIYA.

Alam ko namang mahirap talaga magkagusto sa straight na lalaki. Impossible talagang magugustuhan ka rin nila. Masasabi nating iba sa kanila ay na a-appreciate 'yung tunay mong nararamdaman para sa kanila pero hindi nila kayang suklian iyon.

UNEXPECTED YOU (GAY series #2)|✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon