15

31 0 0
                                    

“Baka may pupuntahan din kayo ng mga kaibigan mo?”

Sumakay na kami ng taxi dalawa. Hindi ko alam kung saan na naman ako dadalhin ng mantiw na ito kasi di niya sasabihin sa akin. Basta napaka special daw ng date na ito. Special nga ba talaga? Ang effort niya ha. Partida hindi pa kami niyan, paano nalang kaya kung boyfriend ko na siya baka sobra pa dito ang effort niya para pasayahin ako.

“Bahala sila sa buhay nila,” ngumisi siya.

Agad ko naman siyang sinamaan ng tingin. “Baliw! Di ka na naman sumabay sa kanila!?”

Baliw talaga ang mantiw na ‘to! Palagi niya nalang siyang umaabsent sa gala nila ng mga kaibigan niya. Nagtatampo tuloy sa kaniya. Marami naman kaming oras para mag date bakit kailangan niya pang unahin ako kesa mga kaibigan niya e mas matagal niyang nakasama iyon kesa sa akin?

He pouted like a kid. “Sorry na…”

Hinawakan niya ang kamay ko pero tinaasan ko lang siya ng kilay.

“Ano kasi,” humawak siya sa batok niya habang nag-iisip ng ipapaliwanag sa akin. Malilintikan talaga siya sa akin kung hindi maganda ang rason niya!

Mas lalong tumulis ang nguso niya, hirap na hirap makalanghap ng e rarason sa akin.

“Sean mga kaibigan mo ‘yun…marami pa naman tayong time para mag date e…”

“Pero mas priority kita Swerte…maiintindihan naman nila iyon,” sagot niya.

“Pero Sean…”

“Swerte, huwag mo ng isipin iyon,” bumuntong hininga siya at marahan na pinisil ang kamay ko. “Parati ko naman silang nakakasama, ikaw minsan lang…”

“Kaso kaibigan mo sila…”

“Ang tunay na kaibigan nererespito ang desisyon ko…” biglang siyang sumeryoso kaya napakagat ako ng labi para manahimik na lamang. “Alam kong naiintindihan naman nila ako ni Brian.” Ngumiti siyang tipid. “Sabi sa akin ni Tita Paula, pipiliin ko ang mas nagpapaligaya sa akin…” nangunot ang noo ko. Sinabi rin sa kaniya iyon ni Auntie? “Kaya pinili kita kasi sayo ko nararamdaman ang saya na hindi ko nararamdaman sa iba.”

Umiwas agad ako ng tingin kasi napangiti ako sa sinabi niya. Hindi ko lubusang inakala na ito pala ang nararamdaman ni Sean sa akin. Akala ko ang babaw lang ng nararamdaman niya meron pa palang mas malalim pa doon. And I felt so grateful dahil ramdam na ramdam ko talagang seryoso si Sean sa pagmamahal sa akin.

“Bakit kailangan pang mag blindfold, Sean?”

“Shhh…”

Nanahimik nalang ako habang inaalalayan niya ako kung saan niya man ako dadalhin ngayon. Kinakabahan ako baka kasi kalokohan na naman ang gagawin ni Sean sa akin pero meron ding part sa akin na umaasa na sana magandang surpresa ito. Wala akong marinig kasi pati tenga ko tinakpan niya ng kamay niya pero ramdam kong malambot ang naaapakan namin kaya inassume ko na sa dagat niya ako dinala kasi ramdam ko rin ang malamig na simoy ng hangin kahit naka hood ako.

“Here we are,” dinig kong sabi niya.

Nang tanggalin niya ang takip sa mga mata ko, marahan akong dumilat para tanawin ang lugar na pinuntahan namin ngayon.

Napaawang agad ang labi ko nang bumungad sa akin ang asul na dagat na paalon-alon sa dalampasigan. Bago pa tumulo ang laway ko sa kaka nganga, tudo ngiti kong nilingon si Sean at agad siyang niyakap ng mahigpit. Gusto kong maiyak sa tuwa kasi ngayon ko lang naramdaman na malaya ako sa lahat ng bagay. Nawala lahat ng negatibong palaisipan at damdamin na matagal ko nang iniisip at nararamdaman sa sarili ko. Parang inihip lahat iyon ng hangin palayo sa akin. Nilinis ng hangin ang utak at puso ko. Wala na akong ibang nararamdaman ngayon kundi matinding kasayahan.

UNEXPECTED YOU (GAY series #2)|✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon