Ishie's POV
Papunta kami ngayon sa Lola namin. Kasama ko sila Aj, Prince, at Dominic. Sinundo kami ni Tito Mervs sa Lola pa naming isa si Lola Neneth.
Sabik kaming magpipinsan na makita si Lola Emer ulit, kaytagal narin kaming hindi nakakabisita sa kanya eh. Balita ko humihina na nga siya dala ng katandaan huhu T_T
"Anong mukha yan Ishie girl?" tanong ng katabi ko si Prince. Matanda saming lahat 'to. Nasa 10 na ang edad niya samantalang ako ay 7, si Aj 8 at si Dominic ay 9. Magkakasunuran lang hanu? haha.
"Wala naman Kuya Prince. Naaalala ko lang si Lola kasi sabi ni Momsie humihina naraw siya eh :3"
"Tsk. Malakas pa si Lola! Makikita mo mamaya makukwentuhan pa tayo nun."
Ngumuso lang ako kay kuya at tumingin sa bintana ng van na sinasakyan namin. Oo nga pala, tuwing pumupunta kami kay Lola ang libangan namin dun ay ang mga kwento niya. Minsan nakakatawa tapos minsan nga nakakaiyak. Naalala ko pa nung siguro mga 5 palang ako inuhog ako kakaiyak haha xD
"ANDITO NA TAYOOOO!!" sigaw nung dalawa sa likod. Tss! Kakabingee eh.
Nagsiunahan na yung mga boys at ako naiwan dito sa van. :3 Hindi manlang ako inintay!
At eto na nga nakuha ko naring bumaba at pumasok sa bahay ni Lola. Wala paring pinagbago dito. Ang lamig ng simoy ng hangin at napansin ko sa labas andami paring halaman at mga bulaklak sa hardin niya. Dito naman sa loob, nasa tulad na ayos parin ang mga kagamitan ni Lola.
Nasan naman kaya ang mga pinsan ko at si Lola?? Nakita ko si Tito Mervs na nasa kusina. Lumapit ako at para matanong narin kung nasan ang iba.
"Tito! Nasan po sila?"
"Oh? Akala ko kasama kanila ah. Andun sila sa kwarto ng Lola niyo." Sagot ni Tito habang naghihiwa yata ng karne. Siguro yan yung magiging hapunan namin.
"Sige po punta nako dun."
Pumunta na ako sa kwarto niya na malapit lang sa hagdan. Sabi ni Momsie dito na daw siya nilagay dahil hindi na daw siya peding maghagdan at mahina na daw ang tuhod nito. :'( Kawawa naman ang Lola koooo.
Sa pagpasok ko, nakita ko sila Kuya na nakapalibot sa kama ni Lola. Sumiksik narin ako sa kanila. Nakita ko narin siya sa wakas! Kaso natutulog pala :3 hindi ko malalambing.
"Shhhhh...wag kayong maingay natutulog si Lola. Tara labas na tayo baka maistorbo pa natin siya." sabi ni Kuya Prince kaya lumabas na kami na di gumagawa ng ingay. Para nga kaming ninja eh. ^^
***
Nakakain na kami ng hapunan. Nandito na ako sa kwarto ni Tita Reg. Dito ko kasing gusto matulog dahil napakagirly ni Tita nubg bata pa siya. Haha namimiss konarin tuloy siya. Nasa ibang bansa kasi siya ngayon dahil nagtatrabaho. Si Tito naman naiwan dito dahil pinapagaling pa yung paa niya. Ewan ko kung anung nagyare eh.
*yawn*
Inaantok nako. Bukas siguro makakapagbondin nakami ni Lola. Excited nako sa kwento niya. GOOODNIGGGHT!!!