[WEIRD2]

207 11 0
                                    


Si Dominic ay nagulat nang humarap sa gate dahil dumating na pala ang tita nila.

"Oh Waah Dom ang laki muna!" Sunggap sa kaniya ng Tita amoy abroad pa.

"Hehe Tita kamusta napo?" Yan nalang nasabi ng bata dahil di pa siya makaget-over sa kaba na naramdaman niya kanina.

"Nku ayus lang. Teka nasaan ba sila? Ayus naba ang plano?"Sunod sunod na tanong ng kanyang tita habang papasok sila sa loob.

***

"Aaaaaah!" Napahawak siya sa dibdib dahil sa pagkagulat.

Pagkabukas ni Aj ng pinto ay bigla siyang nagulat sa pusang itim na lumundag mula taas papunta sa harap niya.

"Grabe yun pwew!" Nang makarecover pinaalis niya ang pusa na nakatingin lang sa kanya. Kakaibang tingin na nakakapagpakilabot.

"Chu!" Pumasok siya sa loob na ngayun niya napansin na ang kwarto pala'y ang likod bahay.

Naglibot-libot siya di kalakihang likod bahay at napansin din jiya na may daan papuntang hardin.

***

Nagmamadaling bumaba ang batang si Prince pala makahingi ng gamot sa Lola.

"Lola! Ay sorry po. Ahm mainit po kasi ang salat ko kay Ishie lola, may gamot po ba tayu?" Bungad niya agad pagkapasok. Mukhang napalakas ang boses niya kaya humingi siya ng paumanhin dahil mukhng kagigising lang ng kanyang lola.

"Tara tingnan natin sa kusina, iho." Inalalayan naman niya ang matanda at nagtungi na nga sa kusina.

"O ayan. Ipainom mo sa kanya." Sabi ng Lola ng makahanap na ng gamot at ibinigay sa apo.

"Sige po."

Paakyat na dapat si Prince ng matanawan ang pumapasok sa sala. Ang kaniyang tita kasama si Doms.

"Helloooo! Mama!" Sabi nito at niyakap ang ina.

Pagkayakap sa Ina ay ang dalawang bata naman.

"Ang gwagwapo niyo't ang lalaki na. Oh nasaan sila Aj at Ishie nga pala?" Tanong nito ng mapasin na wala ang dalawa pang bata.

Naalala namab vigla ni Prince na ibibigay pa niya ang gamot kay Ishie

"Ay Tita, si Ishie po kc may sakit nasa taas po. Si Aj naman po---" naputol ang sinasabi ni Prince ng biglang lumabas si Aj sa isang pintuan. Kumunot ang noo niya dahil ngayun lang din niya nakita ang pintuang iyon.

"Waaah Tita!" Niyakap din siya ng kaniyang Tita.

"Tara samahan na kita Prince kay Ishie." At tumungo na nga sila sa taas. Sumama narin sina Aj at Doms.

***

Napainom na ng gamot si Ishie at ngayon ay ngkukwentuhan na sila. Katabi niya ang Tita at nasa paanan naman ng kama nkaupo ang kanyang mga pinsan.

"Mahirap talaga ang mawalay sa pamilya. Grabe pagkamiss ko dito, buti nakauwi nako." Ngiting sabi ni Regina.

"Namiss ka po namin tita." Sabi ng mga bata.

"Ako din namiss ko kayo. Buti dito kayo nagbakasyon."

May naisip ang kanilang tita.

"Balita ko mahilig kayo sa kwento at lagi kayong nagpapakwento kay mama. Gusto niyo ba ng kwento ko? Hmm. Awoooo~~ yung nakakatakot."

"Waah gusto po namin yan!" Sabay-sabay na sabi ng bata pero stand out ang pagkasabik na si Ishie. Ginulo naman ni Reg ang buhok niya.

"Haha totoo nga ang sabi-sabi. Ikaw nga Ishie ang pinakamahilig sa inyong magpipinsan sa kwento."

"Sige eto na..."

***

REGINA'S POV

Una akong nakaramdam ng kababalaghan, nung namatay ang Nanay ng tatay ko. I'm 7 years old that time.




***

"Ma, banyo lang poko." Paalam ko kay mama.

"Itong batang to, kailangan pa bang magpaalam? Haha sige na." Hehe kailangan kung ipaalam dipa ko marunong maghugas ng sarili ko eh.

"Lam mu naman Ma na hehe dipa ko marunong magwash eh."

Napatawa siya ng kaunti. Hehe.
"Sabi ko nga. O bili na punta kana sa Cr. At baka magkalat kapa dito." Si mama talaga wo.

Pumunta na nga ako sa cr namen. Waah. Habang dumudumi ako parang nakarinig ako ng paglakad sa labas namin. Batuhan kasi yun kaya parang naririnig ko yung pagapak sa mga bato. Ah basta ganun.

Naisip ko nalang baka mga kapit bahay lang namin.

Maya-maya ayan nanaman siya. Pero ngayun parang papalapit siya dito sa bahay. At parang malapit lang dito sa cr namin.

Bigla may narinig ako...

"Boy! Emer! Chuchay! Halina kayo...."

Pagkarinig ko nun, kahit nasa cr pako sumigaw ako para marinig ni mama.

"Ma! May tao yata sa labas!"

Narinig kong bumukas ang pinto namin. Siguro tnignan ni mama. Kaso sabi niya wala naman daw tao.

Parang pamilyar nga yung boses eh..parang si...Lola?

"Pero tinatawag tayu mama eh" sigaw ko ulit.

"Anu gagawin natin eh wala ngang tao sa labas. Bilian mo dyan at ikaw ang tumingin." Ansungit talaga ni mama sakin huhu.

Pagkatapos ko dumumi inaya ko na ulit matulog si mama. Madaling araw palang kasi eh. Nagising lang ako dahil kailngn kong dumumi.

Hindi pa kami nakakapikit ng may tumawag sa cellphone ni mama.

Nagulat nalang aku na para siyang balisa at naluluha-luha.

"Bkit ma?"

"Ang lola mo..patay na daw."

***

"Edi Tita nagparamdam siya sayo?" Tanung sakin ni Aj.

"Parang ganun na nga."

---


Thanks sa mga nagvovote at nagbabasa hehe.

Mga Kwento ni LolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon