[HOLLOWEEN PARTY!]
"Ma, saan na yung costume ko?" Napatingin ako sa Prince ko. Sa tuwing nakikita ko ang expression niyang poker face diko alam kung kanino niya nakuha. Sa papa ba niya? Sa bagay si poker face din ang lalaking yun e. Pero kahit ganun pogi parin ang dalawang lalaki sa buhay ko!
"Wala pa 'nak. Magshoshopping palang si mommy e. Samahan moko?" Nilapitan ko siya at nilambing. Wala akong makakasama sa pamimili e. Nakakainis naman kasi ang tatay ng batang to! Ayaw na ayaw akong sasamahan sa pagshoshopping. Gagawin ko lang daw siyang tagabitbit. Aba syempre noh?! Yung iba ngang ka-amiga ko kasama yung mga sweetheart nila tapos ako waleeeey!
"May gagawin ako e." Mana talaga 'to sa ama niya! Ganyang-ganyan din ang sabi non sakin. -__-
"Oh siya sige! Ako nalang." Nakakatampo talaga. Bahala nga sila. Hmp. Kala niyong dalawa ah! *smirk* tingnan natin!
***
After 4hours of shopping..
***Kapagod! >_ pero ang dami kong nabili ^^ at syempre yung surprise ko para dun sa mag-ama ko. Haha! Magugulat talaga sila panigurado yan.
Pagbaba ko ng sasakyan sakto namang daan ng kumare kong si Alex. Saan nanaman pupunta 'to? Napakagala ng babaeng to e. Parang ako lang e.
"Mars! Saan ka galing? Dimo manlang ako sinama :3"
"Ay oo nga ano? Galing ako ng Baguio e." Haha maloko nga muna.
"Whaaaaaaat?! Dimo ko sinama? BAGUIO? Ayoko na tampo nako sayo!" Pinagpapalo ako. Pinagpapalo ko rin siya. May toyo din 'to e. Parang kakakita lang namin kanina nung pumunta ko ng bahay nila. Ni hindi naisip na ang layo ng bagyo at nakauwi ako agad?
Napahinto siya nung nilabas ng driver ko yung mga pinamili ko galing compartment. Siguro naman natauhan na tong babaeng 'to.
"Sm Navotas?" Oh diba? Nakita nya ang tatak ng plastic kaya ayan sinamaan nako ng tingin. Eh lokaloka eh. Masyadong Guillable.-__-
*paaak!*
Aba't pinalo ako ng pagkalakas-lakas?! Sabay takbo..
"Yari ka sakin Aleeeex!" Sigaw ko sa kanya. Balak ko sanang habulin pero aasikasuhin ko pa ang mag-ama ko para sa Holloween Party ng subdivision mamaya. Yari talaga sakin yun dahil magkikita naman kami nun dun.
"Prince! Nasan ka ba?" Pinapatong ko nalang kay Mang Kanor sa may lamesita namin yung mga pinamili ko. Ung anak ko naman, tinatawag ko pero mukhang di ako naririnig.
Inakyat ko na sa kwarto niya.
"Prince? Huy anak! Bibihisan na kita e. Labas na." Kinatok ko ng kinatok ang pinto niya pero wala padin. Aalis na sana ako pero nagbukas yung pinto. Nakuu pinipikon talaga ako ng batang 'to e.Pumasok nako at handa na sanang bulyawan ang anak ko pero wala naman siya sa loob. Ha? Tinataguan ba ako ng batang yun? Eh may nagbukas ng pinto e!
"Prince ayoko ng biruan ha. Lumabas kana kung ayaw mong isang buwan kitang bubulyawan at talagang maririndi ka sakin!" Pero wala padin. Tsk. Baka naman wala talaga dito. Eh paano naman yung nagbukas ng pinto? Huhu 'wag naman sana multo yun! May multo sa kwarto niya? Di nako papasok dun!
"Oh Ma? Anu ginagawa mo sa kwarto? Saka nilock ko yata yan ah? May spare key ka Ma?" Nilamig nako sa mga tanong niya. Dali dali akong lumabas at hinatak sa isang tabi ang anak ko.
"May multo ba dun 'nak?" Nanginginig ako. Nakukutkot ko nadin ang kuko ko. Ayoko talaga sa lahat ang multo! Takot ako sa multo e.
"Ano nangyayare sayo Ma? Ok ka lang?" Para akong batang kumapit sa anak ko. Ayoko sa multo!
![](https://img.wattpad.com/cover/39276655-288-k373608.jpg)