[Lumang Bayan: Pababang daan]

865 21 0
                                    

"Ano mga apo, nagustuhan niyo ba ang una kong kwento?" Tanong ko sa mga batang nasa harapan ko. Mukhang nagulat ko yata sila base sa hilatsa ng mga mukha nila. Haha!

Si Ishie ay nagtatago sa likod ni Prince. Grabe ang kapit nya sa manggas nito, halos mapunit na ata haha. Si Prince naman medyo natakot din pero hindi katulad ng iba, dala narin siguro ng edad nito at medyo mature ng mag-isip. Ang dalawa namang magkapatid nagyakapan na.

"Nyay! Lola hindi mo naman sinabi na nakakatakot po pala ang ikukuwento niyo! Di ako handa eh (/_\)"- Dominic

"Anong ikaw lang di handa?! Ako rin hanoo! Pwew! Grabe takot ko dun ah."- Aj na pinupunasan pa ang noo niya. Naku baka pinagpagpawisan sa kaba ang batang ito.

"Uy Ishie girl? Maawa ka sa damit ko. =___="- si Prince. Oo nga naman grabe kasi sa pagpulupot eh.

"Sorry Kuya Prince. Grabe Lola totoo ba yan?" Sabi ni Ishie ng mahimasmasan. Bumitaw ito sa kanyang Kuya Prince at binalingan ako na para bang walang nangyare. Haha ang cute talaga.

"Totoo yun mga Apo."

"Weeeehh???????"

Hindi naman sa tinatakot ko lang sila pero totoo yung kwento ko at sa mga ikukwento ko pa. Base talaga ito sa totoong karanasan.

"Oo. Bahala na kayo mga apo kung paniniwalaam niyo ito. Ano magkukwento paba si Lola? Handa ba ulit kayong mangilabot at matakot?"

"Opo!" Sagot nila. Hihi okey kwentuhan na. Magsasalita na sana ako ng sumingit bigla si Dominic at Aj.

"Sige lang Lola! Hindi na ako matatakot. Atapang a tao ata ito." -Dominic na pinapakita pa ang muscles kuno niya pero wala naman. Haha!

"Ako din! Ako din kaya! Wala sakin ang mga multong yan. Haha!"-segunda naman ni Aj. Ang magkapatid talagang ito oh, magkapatid talaga. Napailing nalang ako.

"Talaga lang ha? =__="-Prince

"Pakapit ulit Kuya ha? Hehe."-Ishie

"Okey heto na......"

***

[Lumang Bayan: Pagbaba ng tulay]

Sa Panangsanghan ay may nagiinuman. Ang magkapatid na Linda at Tes, at kaibigan nilang sina Bultron at Violy.

"Tara uwi na tayo Ate." Pagaya ni Tes sa ate niyang si Linda. Medyo nakainom narin kasi sila at malayo pa ang kanilang uuwian.

"O sige. Sandali at magpaalam muna tayo."

Nagpaalam muna sila sa iba pang kaibigan na kasalo sa kaunting kasiyahan. Inaya na nilang umuwi ang kasama nila sa paguwi na sina Bultron.

"Ge mga Pre! Mauna na kami." paalam pa ni Bultron sa mga kaibigan.

Tumungo na sila sa di kalayuang tricycle na nakaparada. Pagaari ito ni Bultron na ginamit nila sa pagpunta doon.

Sa pagsakay ay sina Tes at Violy sa loob. Habang si Linda ay sa likod ni Bultron umupo. Umandar na sila. Mga trenta minutos din ang byahe papunta sa Lumang bayan na kanilang tinitirhan.

Malapit na sila sa kanilang destinasyon. Pumasok na sila sa kanto ng L.B at liliko sa pagbaba ng tulay.

Sa pagbaba nila ay kapansin pansin ang dilim dito. Sa parte kasi na ito ay walang ng mga bahay.

Direderetso sila hanggang sa napansin ni Linda na..

May sumabay sa kanilang nakaputing babae. Halos kasingbilis din ng pagpaatakbo ni Bultron ng kanyang tricycle.

Nagkagulo sa ang dalwang babae sa loob, si Bultron ay nagpagewang gewang, si Linda na may paramg binuhusan ng mlamig na malamig na tubig. Napakalamig ng pawis nito.

Sa paglapit nila sa kanto kung saan kailangan na nilang kumanan at kung saan may ilaw na poste ay bigla itong nawala.

"Nakita nyo ba yun?" Naginginig na sambit ni Linda sa anyang mga kasama.

[Pababa na daan...]

- - -***- - -

"Ahm. Lola una na pala ako sa taas ha. Nakalimutan ko palang tawagan si Mommy. Ge bye po~!"- Dominic na nagtatakbo na papasok sa bahay. Hmm tumingin kami nila Prince sa naiwanan niyang kapatid--si Aj.

"A-e-i..."

Nakita ko naman si Prince na pumunta sa likod nito at..

"O-U!!"

Sa gulat nito'y napatayo at nagsisigaw na sumunod narin sa kapatid niya sa loob. Haha! Ang mga batang yun talaga.

Nagkatinginan kaming tatlo ng naiwang mga apo ko dito sa hardin...

At tawa nalang namin ang narinig ng mga mahal kong halaman....HAHA

Mga Kwento ni LolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon