[FAMILY REUNION]

228 10 0
                                    

Ishie's POV

"Tindeee mo Doms! Haha." Kanina pa sila kuya Aj at Doms na naghaharutan sa likod. Yehey! Ako naman ngayon ang nakaupo sa tabi ni Tito. ^^

"Tito..kamusta na po ba?" Napatingin naman ako sa katabi ko. Bakit kinakamusta ni kuya Prince si Tito? Eh kasama lang naman namin siya ah.

"Okey na.." ang gara naman ang sagot ni tito..diba dapat okey lang ako. Di kaya may tinatago sila? Andaya naman. :3

"Ano yun kuya?"

"Wala lang yun." Tss. Okey sabi mo eh.

Nandito na kami sa bahay. Waaah. Nakakapagod pala. Haha!

Pagbaba ko. Natigilan ako. A-andito kami nakaparada sa tapat nung scary house! OMG naman ee..

"Uy! Halika na kaya sa loob." Sigaw sakin ng mga kuya ko na nasa gate na at papasok na. Eh bakit kasi hindi pinasok yung Van? Bakit nandito sa labas? Huhu. Hindi ako makagalaaaaaw~~~


"Hay nako." Hahatakin na sana ako ni Kuya Doms ng may para akong naapakan. Huh? Yumuko ako at nakita ang isang kwintas. Wow ang ganda *_*

"Pinagnasaan mo pa yan! Halika na." Hinatak ako ulit ni Kuya pero pinulot ko muna yung kwintas. Nung nasa kamay ko ito..lumakas ang hangin at kinikilabutan ako. Waaah! Tumakbo nako. Gagawan siguro nung scary hunted house yun e. Lagi nalang ako tinatakot.:3

Nandito na kami sa tapat ng pinto. Eh? Bakit kami tumigil? Ayaw ba nilang pumasok? Anu ba yan.

"Bakit di pa po tayo pumapasok,tito?"

Bigla naman silang pumwesto sa likod ko. Hala! Baka kasi may alam na sila na may mumu dito! Tapos pag binuksan yung pinto bubulaga yung mumu! Tapos kakainin kami nung mumu! Tap-

"Go Ishie! Ikaw ang bumukas ng pinto." Nagulat ako sa sinabi nila mula sa likod ko. Sila dapat aasahan kong magshishield sakin kasi you know i'm the only girl here tapos sila mga boys diba? Eh anu nangyare?! Ako ang pinagbubukas nila tapos ako magtatanggol sa kanila?! Ganon? Ihhh ayoko ! Diko kaya yung mumu! Ang liit ko lang kaya!

"Huy ! Bilian mo na. Buksan mo na!".tinutulak pa nila ako. Tapos mga nakangiti pa sila! Anu akala nila na matatalo ko ng ganun kadali yung mumu na nasa loob? Waaah. Mahirap yun pero kung inaasahan nila talaga ako edi gooo!!


Humanda na ako at pinihit na ang doorknob. OMG nanginginig ako >_ kung bakit ba kasi ako pa ang inasahan nila! Isa lang naman akong takot sa mumu!

Bumukas na yung pinto at may pumutok. Pumikit ako at sinipa yung kung sino man yun.

*yaaah!*

Hindi ko alam kung saan tinamaan yung sinipa ko at nagsisigaw sa sakit. O my G! Natalo ko na ba? Dinilat ko ang isa kong mata dahil nakapikit pa din ako.

-_-
o_-
O_-
O_O

Nanlaki ako sa nakita ko...Oh my Gulay talaga.!!!! WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHH! DIKO INAASAHAAAAAAANG MAKIKITA KO.........







SI MOMSIE!!!! ^^

Tumakbo ako kay Momsie ko at niyakap siya ng mahigpi na mahigpit! Waah namiss ko siya sooobra! Buti pumunta siya dito. :D


"Ouch ouch ouch! Aray aray aray!" Habang yakap ko si Momsie! May naririnig akong dumadaing. Huh?

"Mom, sino yun?" Tanong ko kay momsie nung humiwalay ako sa yakap.

"Bata ka talaga oh. Haha. Tumingin ka dun." Tinuro naman niya yung sa may bandang pinto. Nakita ko dun si...si Tito Nel ba yun? Andito din siya? Eh anu nangyare bakit parang nasaktan siya at inaalalayan ni...waaaah! Si Tito Erick at Tito Shaun ba yun????!! Napatingin naman ako sa may banda ni momsie. Nakita ko dun..sina Tita Beth at Tita Carol?!! Is this a family reunion??? Nandito silang lahat! ^^ ang saya-saya.

"Oh Ishie. 'Wag ka munang magtatalon dyan. Magsorry ka muna sa tito Nel mo." Hala bakit? May nagawa ba ako? Diko naman inaaway si Kuya Prince ah!

"But momsie..hindi ko po inaway si Kuya Prince! Goodgirl po ako." Depensa ko.

"Haha--ouch! O-okey lang Mons. Mukhang di niya yata napansin na may nasipa siya. Huhu Ishie dimo Love ang Tito mo!" Aya! Nagtatampo sakin si Tito. Teka ang sabi niya nasipa? Hmm...Hala! Siya ba yung nasipa ko?

"Naku tito! T_T diko po yun sinasadya! Kasalanan po nila Kuya yun tas ni Tito Mervs!" Tinuro ko yung nasa gilid lang na mga pinsan ko at si Tito na nakayakap kay Tita Reg!

"Ishie! 'Bat ka nambibintang?!" Nagagalit narin tuloy si Momsie kuh. T_T ayoko na iiyak nako..Huhu.

"*teary eyed* waaaah! E kasi ako yung pinagbukas nila ng pinto! Akala ko may mumu sa loob tapos ako yung magtatanggol sa kanila sa nangangain ng mumu ehh! Huwaaah!"

Umiiyak ako at tinutuluan na ng uhog nung lahat sila tumawa. Ngayon naman pinagtatawanan nila ako? They are so bad to me! T_T

***

Nandito na kami sa Van. Kaya pala hindi pinasok ni Tito dahil aalis daw kami. Yehey!

"Saan daw po tayo pupunta momsie?" Tanong ko kay mom.

"Secret basta." Ganun? Surprise pa?

Napanguso tuloy ako. Ayaw kasing sabihin eh. Nandito nga din pala si Lola ! Yey! Kasama siya! Ang saya ng araw na ituuuuu~!

Umandar na ang Van. Excited nako kung san kami pupunta.

Napatingin ako sa bintana. Andito lang kasi sa tabi nun. Kaso dapat pala dina ako dito umupo ...

Kasi habang naandar ang van..nadaanan nun yung Scary hunted house a-at napatingin ako sa bintana..

May nakatayo dung batang walang mukha at kinawayan ako....

Ang alam ko nalang nanlalamig ako at tulala sa buong byahe..

***

Hi guys. Abangan niyo sana ang next chapter!

NC: Sharing ghost Stories

hehe. ;)
Vote nyo if nagustuhan niyo po. THANKS PO NG MADAMI

Mga Kwento ni LolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon