[BETH'S GHOST STORY]

254 11 0
                                    


[MY LOLA]

Beth's POV

Nasa trabaho ako nung araw na yon. Abalang-abala ako kaya siguro naiirita ako sa mga umiistorbo. Kaya naman nang may tumawag sa'king telepono ay nasigawan ko.

"Busy ako!"

"Easy ka lang, Beth. Kalma. Si sonia 'to. Napatawag ako dahil kaamatayan ni Lola Teresita ngayon. Eh mukhang busy ka at sa sobrang busy mo, naninigaw kana. Ano makakapunta ka ba?" Si ate Sonia pala 'to. Malayong pinsan ko siya. At anu raw? Ika-40 days ni Lola ngayon?!

"Hoy Sonia! Bakit parang ngayon mo lang sakin sinabi ang tungkol dyan sa kamamatayan ni Lola?! " Ngayon ko lang nalaman 'yun. Sa nagdaang mga taon ngayon lang niya sinabi ang tungkol dyan! Grabe ang tagal ng patay ni Lola tapos ngayon lang niya lang talaga sakin pinaalala!

"Eeeeeeeeeeh...sorry pinsan. Ngayon ko lang naman kasi nalaman ang numero mo. Bruha ka kasi! Pumunta ka ng manila at dina nagparamdam hano! Buti bumalik dito si Ka Isko. Nakuha ko sakanya number mo kaya ngayon ko lang sayo nasabi. Pasensya naman hane?" Kahit diko nakikita, abot langit na ang irap ng babaitang 'to. Kasalanan ko pala ganon? Tsk. Naging abala lang ako masyado dahil sa trabaho. Haaaays tiyak nagtatampo na sakin si Lola kung nasan man siya.

"Hoy! Ano? Ngayon mo na nga lang nalaman yung tungkol sa ika-3 taong kamamatayan ni Lola, dika pa makakapunta?! Ay naku. Tampo na sayo yon. Baka mamaya multuhin kana niya dyan. Hahahaha." Bruha talaga. Kinilabutan naman ako dun. Tss. Syempre pupunta 'ko. Malapit ako sa Lola kong 'yun. Naalala ko tuloy ang mga memories ko kasama siya dun sa probinsya. Haaays. Naalala ko din kung paano sya malagutan ng hininga.

"Pupunta ko." Ramdam ko ang lungkot sa boses ko. Nakakamiss narin kasi. Kung pwede lang ibalik ang oras, humanap na sana ako ng paraan para makauwi roo't malaman ang kamamatayann niya. Pero nakalimutan ko nari't hindi na nabigyan ng pansin. Naging sobrang sbala pala ako masyado. Tsk.

"Owkeey! Kitakits. Dun parin naman kami nakatira. Di kami umaalis. Siguro naman di nakasama sa paglimot mo kay Lola kung saan siya nakatira, diba? Haha. Babushie!"

"Aba't h--" talaga naman woh. Nanginis pa yung bruhildang 'yon. Hindi ko naman nakalimutan si Lola ah? Hindi naman diba? Aish. Patawad ho Lola kung nasan ka man. Hangad ko ang kapayapaan mo. Pagbaba ko ng telepono dahil inunahan ako nung babaeng 'yon ay nagdasal ako ng mataimtim.

Humagin ng malakas. Kailan nakapasok ang hangin dito? Diko nalang pinansin at umupo sa may table ko katabing bintana.

Kailangan kong icancel ang mga appointment ko para makapunta ko sa probinsya. Ang tagal na pala talaga. Biruin 3 taon ang nakalipas at ngayon lang ako makakapunta sa kamamatayan ni Lola? Tsk. Nakaligtaan ko na ang 3 sa 3 taon.

Napatingin ako sa harapan. At bumungad sakin ang vase ko na punong puno ng rosas. Mamasa-masa nanaman siya. At nasa tabi nanaman nito ang spray. Hmm mukhang may nagaalaga talaga dito.

At yung paghangin kanina? Kailan ko nga ba ulit naramdaman 'yun? Alam ko kada taon, nararamdaman ko yun. Tapos ganun din dito sa mga rosas na diko alam kung sino naglagay. Ayoko pa naman nito. Tatlong taon narin at di pa ito nalalanta.

Kinuha ko na ang cellphone ko. Aasikasuhin ko na ang pagcancel ng mga dapat kong gawin ng mamayang hapon makaalis na'ko. Teka sasama kaya ang asawa ko? Isa pa yung abala e.

Inuna ko na siyang tawagan bago ang sekretarya ko.
"Hon. Sasama kaba? Kamamatayan ngayon ni Lola Teresita." Nakailang ring nga muna bago niya sagutin e. Di halatang busy -__-

"Ay sorry Hon. Ahm sobrang daming problema dito na kailangan ng ayusin ASAP. Siguro ikaw nalang ha? Basta umuwi kadin agad. Nalaman kong ang dami mong appointments ngayon na tiyak ipapacancel mo." Hindi ko naman maiwasang mangiti. Kaya love na love ko 'yang asawa ko e. Updated siya lagi sa mga ginagawa ko. Hindi naman 'yun nakakasakal. Yung tipong alam niya lahat sayo. I find it kiligable nga e! Kasi biruin mo naman, busy din naman siya pero nagkakaroon pa sya ng time para icheck ako.

Mga Kwento ni LolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon