Kriing kriing kriing
Napahinto ang batang si Ishie sa pagkuha ng mga chocolate sa ref ng biglang tumunog ang telepono. Agad naman na siyang tumungo doon at sinagot ang tumatawag.
"Hello po??" Tanong niya kasabay ang pagkagat sa tsokolateng dala.
"Hello?" Medyo alangang sagot din sa kanya ng nasa kabilang linya. Parang hindi ang bata ang inaasahang sasagot sa kanyang tawag.
"Sino po to?"
"Ahm..si Regina to. Si mama? I mean mama emer?" Pagpapakilala ng nasa linya
"Ahh--"sandaling natigilan si Ishie..
"Hello? Hello?"
"WAAAAAAAH!!!!!!!!!!!!"
***
Samantala...
Si Mervin ay kasalukuyang pauwi lulan ng kanyang van. Kagagaling lamang niya sa palengke para bilhin ang mga kulang sa sangkap na kanyang lulutuin. Nang madaanan niya ang bakanteng lote, napatingin siya dito at nagtaka kung bakit may nakaupo sa duyan na babaeng nakaputi ngunit nakatalikod kaya naman di niya nakita ang mukha. Nagtaka siya dahil parang wala naman siyang kilalang ganun ang pustura sa kanilang lugar. Lahat naman ay kaibigan nila at kakilala pero ang babae ay di pamiluar sa kanya. Ipinagsawalang bahala nalang niya iyon at baka may nadayo lang.
Nang makarating ng bahay, ipinatong na muna niya sa kusina ang mga pinamili at sinilip ang byenan niya, tulog pa naman ito kaya nagluto na siya para may makain ito at pati narin ang mga bata.
***
Ang mga bata naman ay busy sa kani-kanilang ginagawa. Sila'y naghahanda para sa isang sorpresa na talaga namang ikakatuwa ng kanilang sosorpresahin. Ginagandahan talaga nila upang maging maganda ang tagpo mamayang gabi...
"Kuya! Hoho, lagay natin sa may hardin yung table para sa dinner nilang dalawa. Bili!" Taas babang kilay at may nakakalokong ngiting sabi ni Aj sa kuya niyang si Dom.
"Psh. Sige." Walang ganang tugon naman ni Dom sa kanya. Di nalang pinansin ni Aj ang katamlayan ng kapatid at dali daling nagayos sa hardin.
Si Ishie naman ay inihahanda ang table cloth na gagamitin at ang ginawa nilang welcome banner na isasabit.
"Kuya Prince, 'kaw ba magsasabit neto?" Tinaas niya ang dalang banner.
"Oo. Akina." Kinuha naman ito ni Prince.
"Wait. Tulungan napi kita hihi."
"Wag na. Sila Aj at Dom nalang. Kaw nalang dyan sa mga iba pang gagamitin."
Napasimangot naman siya dun pero tinanggap narin naman sa sarili ang sinabi ng kuya. Itinuon nalang niya sa iba pang gagamitin ang pansin.
***
Hindi nila alam may nakatingin sa malayo...
Walang emosyon..
Maputla..
At wala ng buhay..
***