[SURPRISE!]

255 11 0
                                        

Mervin's POV

Nabili ko na yung mga pagkaing iniutos sakin ni mama. Nakakapagtaka lang kung bakit kailangan ng madaming pagkain eh nakapagluto naman ako kanina ng ulam.

Habang nagdadrive, nasagi sa isip ko ang asawa ko. Haays kailan kaya siya uuwi? Hindi pa siya tumatawag nitong mga nakaraang araw. Nag-aalala ako. Baka masyado siyang busy at napapagod doon. Hayaan niya't pag nakauwi siya ay ako na ang magtatrabaho para samin.

Malapit na ko ulit sa bahay ng mapatingin nanaman ako sa bakanteng lote na palaruan ng mga bata. Ewan ko rin at nakakaramdam ako ng lamig.

Nakita ko nanaman doon ang babaeng nkita ko nung isang araw. Ganun parin ang suot niya? Hm baka marami lang siyang ganyan. Pero bakit kaya lagi syang nandyan? At palaging nakaupo kung saan mismo ko siya nakita noon. Nakatalikod nanaman kaya diko talaga makita at makilala siya.

Haay bakit ba interesado ko masyado. Madalian na nga't para makauwi. Napagod ako sa pamimili.


***

Regina's POV

Kumuha ako kanina sa baba ng bimpo at maligamgam na tubig. Mahilamusan muna ang batang to at para bumaba ang lagnat.

Nang nilagay ko sa ulo ni Ishie ang bimpo biglang nagkwento si Doms at Aj kaya nakinig nalang kami.

"Alam mo tita, bago ka dumating kinabahan talaga aku nung biglang lumagitngit ung gate. Nakakatakot po kasi eh, dahan dahan po kasi yung pagkakabukas tapos ang lamig at lakas pa ng hangin. Akala ko po tlaga mumu na." Ang daldal pala nito. Haha.

Magrereact palang ako sa sinabi ni Doms nang si Aj naman ang nagsalita. Haha ang cucute. Sana may anak din ako tulad nila.

"Ako naman po, kanina napansin ko po yung pinto katabi nung cr. Eh hindi ko naman po yun nakikita simula po nung pumunta kmi dito. Nagulat pa nga po ako nung may pusang lumundag sa harap ko nung pumasok ako."

"Hindi talaga kapansin-pansin ang pintong yun. Kakulay kasi nung pader diba? At nasa bandang kaliwa pa na katabi na ng pader kaya dimo mapapansin."

"Siguro yung pusang lumundag sa harap mo hindi lang nasakto ang timing para malundagan ka. Andaya! Tyak namang yung lumundag saking pusa ang nakita mo. Magagawa ko talagang siopao yun." Nagtaka naman ako sa sinasabi ni Doms. Aahh baka yung tinutukoy niya yung pusa sa lumang bahay sa harap namin.

"Yung pusang itim ba? Naku ganun talaga ang pusang yun. Nakatira yun sa lumang bahay na nasa harapan natin."

Nagulat naman ako nung magreact si Ishie.

"Waah! Galing po sa haunted house yun? Naku buti diko nakikita ung pusa. Huhu." Nagtaka naman ako. Tsaka haunted house? Hm sabagay luma na ang bahay at walang nakatira.

"Naku Ishie! Dimo talaga gugustuhing makita. Kung makatingin nakakakilabot." Sabi naman ni Aj. Haha ang mga batang to talaga oo.

Humaba ang usapan nila sa pusa ng may nagbusina mula sa labas.

Napahinto kami sandali nang maaalala na ang asawa ko yun! Dali-dali kaming bumaba. Pumunta kami sa sala, sinarado ang pinto, pinatay ang ilaw. Naghanda na kami. Haay kawawa nan si Ishie. Nasa taas lang. Diko pinayagang bumaba at makihalubilo pa sa amin baka mabinat at mapagod lang.

Ayan na. Mukhang papasok na siya at naipark na ang van niya. Huh! Miss ko na itong taong to. Ngayun palang naluluha-luha nako.

Pagkabukas niya, sinalubong siya ng party poppers nila Aj at Doms. Nabigla naman siya at di pa ako napapasin.

"Teka anu to?" Naguguluhang tanong niya sa mga bata. Naku po pasuspense pa ang tagpuang ito dahil tumalikod siya para maharap ang dalawang bata. Nakita ko namang ngumunguso ang dalawa sa gawi ko kaya nagtaka ang asawa ko at lumingon dito. Hay sa wakas nakita na din niya ko. At syempre nakita ko nadin siya sa wakas sa kabila ng mga taong pagkakawalay ko sa kanya.

"Ahm hi?" Medyo alinlangan kong tanong. Natulala kasi. Haha! Naiintindihn ko naman dahil nga hindi niya inaasahan ang pangyayareng to.

"Miss me?" Biro ko. Aba talagang wala yatang balak akong yakapin manlang. Tsk. Aku na ang lumapit at sinara ko pa ang nakangangang bibig saka niyakp ng mahigpit.

"Sobrang namiss kita!" Bulong ko sa kanya. Dun lang yata siya natauhan at niyakap aku ng mahigpit. Namiss niya din ako. Huhu.

***

Ishie's POV

"Ang gara naman :3. Huhu di ko alam kung anu na kaganapan sa baba. Teka kaganapan talaga? Wow lalim. Hoho." Baliw na ata ako dahil sa sakit ko. Haha kung anu na ginagawa ko tulad nalang ng pakikipagusap sa sarili ko. Haays medyo inantok ata ako makatulog nalang. Pero huhu medyo may rinig akung nasasagap dito mula sa pagsasaya nila sa baba. Naiinggit aku. T_T

Waaah makatulog nalang.

Zzzzz

Zzzzzzz....

Zzzzzzzzzz

....

Diko alam kung medyo matagal akong nakatulog nang bigla akong makaramdam ng lamig. Waaah. Siguro dahil sa lagnat ko..

Niyakap ko ang sarili. Medyo mabigat ang mata ko nung napatingin ako sa sidetable kung anung oras na. Hala saktong 12:00. Nakatulog pala talaga ako. At mukhang tulog narin sila dahil tahimik na ang paligid. Waah. Nakakatakot..

Kahit nakakumot...bakit parang medyo ok na..paramg di na malamig? Parang may nakayakap? Waaah. Wala naman siguro. Makatulog nalang ulit.

***

Vote and comment po ay highly appreciated. Kaya wag po sana kayung mahiya.(kapal ko.hehe)

Sa gusto lang po! :))))

Mga Kwento ni LolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon