[He's Back]Someone's POV
Nakatingin ako sa dalawang bata sa harap ko. Sino sila? Bakit nila ko ginulo? Heto naman ang gusto ko..ang may makasama sa bahay na ito. Pero bakit di nila ko napapansin? Kinakausap? Nakikita?
"Kuya, laro tayo." pinagmasdan ko ang babaeng bata. Gusto ko ding maglaro. Nasabik naman ako. Makikipaglaro ako sa kanila..
**
Ishie's POV
Umalis na lang ako dun sa garden.. Sarap kasi dun parang gusto ko na ngang tumira eh haha!
"Oh baby, bukas uuwi na kami." sabi ni momsie ko ng makapasok ako sa kwarto. Naabutan ko nga siyang nakaupo sa kama may hawak na picture pero tinago niya agad. Diko na lang pinansin. Natuod nga ako dito sa may pinto dahil shock ako sa bungad ni momsie eh. Wala manlang patumpik tumpik. Huhu.
"WAAAAH di ba pweding sabay na po tayung umuwi?" nagpapadyak ako dito. Ayoko pa siyang umuwi.. T_T bakit ganun? Parang kailan lang nung dumating siya eh. Naka-isang linggo na ba? Diko ramdam eh. Huhu
"Halika nga dito baby ko."
Lumapit akong nakayuko. Huhu namumuo na yung luha sa mata ko. Ayoko namang ipakita kay momsie kasi baka mahirapan siyang umalis. Alam kong may trabaho pa siya eh.
Wala naman akong nagawa ng hawakan niya ang baba ko at itaas para makita niya ang mukha ko. Diko na napigilan kaya niyakap ko siya. Malapit naman na ang pasukan eh. Uuwi narin kami ng Manila one of this days. Magkikita naman kami sa bahay eh. Bakit ba naiiyak ako? Ay umiiyak napala ko, humahagulgol na nga eh. Hays. Siguro kasi first time namin magbonding. Ngayun lang namin to nagawa kaya siguro nakakalungkot lang kasi pagdating namin sa Manila balik na ulit sa dati. Kailan kaya ulit kami magiging ganito ni mama?
"Huwag ka ng umiyak baby. Pag-uwi mo sa bahay natin nandun ako. Lagi mo ng makakasama si momsie." nanlaki ang mata ko at bumitaw ako sa yakap. Hinarap ko si momsie na di makapaniwala. Totoo ba yung narinig ko?
"Haha baby. Ang cute cute mo talaga. Oo totoo yung sinabi ko. Gusto ko kasing bumawi sayo eh. Ang laaaaaki ng pagkukulang ko bilang momsie mo. Alam ko bata ka pa pero anim na taon din kitang di nasubaybayan kahit nasa iisang bahay lang tayo. Lagi na lang si Nanny Delya mo ang kasama mo. Siya lahat ang nakagawa ng mga bagay na dapat ako ang gumagawa. Sorry baby...I'll make up to you na, promise yan." kasabay ko na ngayonh umiiyak si momsie. Huhu kung kanina umiiyak ako dahil sa lungkot ngayon umiiyak ako sa tuwa. Ang saya saya naman! Di na ko makapaghintay makauwi!
"Naiintindihan ko naman po momsie eh. Sabi nga po ni Lola kaya lang daw po kayo busy dahil nagwowork kayo at para din sakin iyon. Huwag na po kayo iyak. Mahal na mahal ko po kayo. Ang saya ko po ngayon kasi makakasama ko na kayo! Thanks po momsie." yumakap ako ulit. Mahigpit na mahigpit. :D ang saya! Pero..wait
"WAAAH wait!"
"Ano yun baby?" nataranta naman si momsie dahil sa pagsigaw ko. Hehe.
"Eeh diba nagwowork kayo? Paano yun kung lagi ko na kayung kasama? Paano po yung trabaho nyo?" hala baka maghirap naman kami kung ganon.
"Haha, nga pala paguwi mo may makikila ka. Ako na bahala, wala ka dapat ipagalala. Ikaw talaga.. Saka Ayaw mo bang makasama si momsie? :3" haha sa kanya talaga ako nagmana. Kamukha ko magpout!
"Hehe gustong gusto po ah!! Pero sino naman po yung makikilala ko?"
"Yun naman pala eh. Haha secret baby. It's a surprise. I love you baby ko!"
"I love you too mom!"
Yey! Nasurprise na nga ako sa sinabi ni mom na makakasama ko na siya pero may another pa! Hays sana lagi na lang ganito ka saya..
**
He's POV
Nakatingin ako sa batang babaeng binabantayan ko. Ewan ko din kung bakit ko to ginagawa..siguro dahil alam kong maaari siyang mapahamak. Ilang beses ko ng nakita--
"Ay sorry po .." napatingin ako sa pumasok dito sa kwarto. Napapansin ko nagtatama ang mga mata namin kapag nilalapitan nya yung batang babae. Posible kayang nakikita nya ko? Maaari.
Paalis na siya nang magawi ang tingin niya sa sulok kung nasan ako. At totoo nga ang kutob ko. Nakikita niya ko. Dalawa na silang nakakakita sakin. Kaya lang, ewan ko kung bakit dina ko maramdaman at makita nung batang babae. Mahirarapan akong--
Bigla nanaman akong nawala at napunta sa isang kwartong puro puti at nakikita ko nanaman ang katawan ko. Maraming nakakabit na kung ano sa katawan ko at naririndi ako sa tunog ng katabi ng kama ko. Parang isang makina.
Pinagmasdan ko ang sarili ko. Nung una akong mapunta dito nagulat ako. Diko alam kung papaano ako napupunta at bigla rin namang bumabalik dun sa bahay nung batang babae. At ngayun nga nandito nanaman ako...
**
Prince's POV
Iba sa pakiramdam ang may maka eye contact kang multo.
"Oh Prince anak, nasan sila Doms ha? Uuwi na kami bukas eh. Hays ung mama naman nila nandun lang lagi sa tabi ni mama. Aish ang babaeng yun talaga kakaiba magbuntis." natawa naman ako. Nakakatawang magbuntis si Tita Beth eh. Pero nasan nga ba sila Doms? Nandun nanaman ba sa kwarto? Lagi silang nandun. Mapuntahan nga.
"Oh saan ka naman pupunta ha? Dimo manlang ba ko kakausapin dahil uuwi na kami! Uuwi na! Hoy!"
May sinabe pa si mama pero pinabayaan ko na. Hays si mama talaga oh ang daldal eh. Iniwan ko na siya dun sa kwarto nila. Kailangan kong makausap yung dalawa. Kakaiba na sila kung kumilos eh.
Nang makarating ako sa tapat ng kwarto namin, parang ang bigat sa pakiramdam. Ano nanaman bang makikita kong kakaiba ngayon? Parang ayoko tuloy pumasok.
Hinawakan ko ang doorknob at unti-unting binuksan ang pinto..
Namayani ang paglangitngit at nagbigay ng tunog na sa horror movie mo lang maririnig ang pinto. Bakit ko pa kasi dinadahan dahan eh nandito naman sila?
Binigla ko na ang bukas at sa di malamang dahilan ay naisarado ko ito.
..totoo ba yung nakita ko??
Yung dalawa..
May itim na aura akong nakitang kasa-kasama nila..**
Regina's POV
"Wala na siya.."
Hindi ko magawang maniwala kay mama. Alam kong nandito pa siya! Ayoko ng makipagtalo pa kaya umalis na ko. Saka pumasok si Beth at alam kong lalambingin nanaman niya si mama. Seriously? Ibang klase siyang magbuntis.
Pumunta ako agad sa taas para hanapin si Ishie. Kailangan ko siyang makausap. Nakita ko si Prince sa hallway na tulala. Nakaharap siya sa pintuan ng kwarto nila. Ano naman kaya ang problema nito?
"Prince?" tawag pansin ko sa kanya. Parang di niya ko narinig dahil nilampasan niya lang ako at bumaba. Huh? Naku ang batang yun. Teka si Ishie nga pala!
Pumasok ako agad sa kwarto niya. Pero wala siya. Mapuntahan nga momsie niya baka sakaling kasama niya.
Nang makapasok ako sa kwarto namin walang tao. Seriously? Pansin ko parang amg tahimik ng bahay ngayon. Dati parang buhay na buhay to eh. May kakaiba talaga...
At alam kong nagumpisa to nang bumalik siya..
**
