[They're POVs]Dominic's POV
Bumaba kami ng kapatid kong si Aj para sabihin ang nangyare sa taas. Grabe bakit kaya si Ishie na tumba? May sakit ba siya?
"Mama!" Sigaw agad netong si Aj. Makamama talaga siya! Ako naman pumunta kay papa.
"Papa!"
"Ano?!" mama/papa
Ang sama ng tingin ni mama kay Aj. Pffft. Makasigaw kase wagas. Kaso binatukan naman ako ni papa. Aish wala naman akong ginagawa ah.
Siniko ako ni Aj para magsalita. Kaso hehe natatakot ako kay mom. Sabi ni papa kaya lang daw ganyan si momy dahil buntis. Grabe nga eh! Lagi siyang galit samin nila Dad. Kawawa tuloy si Dad kasi mas matindi galit sa kanya.
"Ahm ano..." Bumaling ako kay Dad. Mas mabuti kong kay Dad ko nalang sabihin. Pwew. 'Tong si Aj kasi si momy pa tinawag eh.
"Ano dad.. Si Ishie kasi nakita naming nakahiga dun sa tapat ng kwarto namin. Di naman alam nangyare eh."
Tumayo naman silang lahat at umakyat. Naiwan si momy. Hehe yare. Aalis na dapat kami ng kapatid ko kaso hinawakan niya kami sa mga kwelyo namin at iniharap sa kanya. Momy wag ka namang ganyan oh.
"Nasaktan ba si Ishie?" Pwew buti nalang. Kala ko bubugahan nya nanaman kami ng apoy eh. Nakahinga ng maluwag din tong kapatid ko kaya siya ang sumagot.
"Eh opo mama. Iniinda ni Ishie yung balakang nya eh." tumayo naman si momy at parang may kinuha sa bag nya na lagi nyang dala.
"Oh eto bigay nyo sa kanya. Papahid nyo kay Tita Reg nyo sa balakang ni Ishie. Oitment yan." kinuha ko naman yon at umakyat na kami. Buti mabait si momy kay Ishie. Parang gusto niyang panggigilan lagi yon eh. Pinaglilihian siguro. Hays kami din daw kaya ganun eh yun nga lang samin masungit.
"Tita eto daw po oh, oitment. Pahiran nyo daw po si Ishie." kinuha naman yun ni Tita agad.
Nang mapahiran siya, tinanong na siya ni momsie nya sa nangyare.
"Ano bang nangyare, baby?
"B-bigla na lang po kasing nagbukas yung pinto nila kuya tapos parang may tumulak sakin kaya tumama ako sa pader"
Nagtaka kami doon. Tiningnan ko si Prince pero umiling lang siya. Siya kasi naiwan at nagsara ng pinto namin. At kasama naman namin siya kanina kaya sino naman ang magbubukas ng pinto at tutulak kay Ishie?
Napatingin ako kay Tita Reg na biglang umalis ng kwarto. Nakit kaya? Hala si momy at lola na nga lang pala ang nasa baba.
Bumaba ako pero naaninag kong pumasok si Tita Reg sa kwarto ni Lola. Parang alalang-alala siya kaya nag-alala din ako kay Lola baka may nangyare kaya tumungo na din ako doon. Nakauwang yung pinto kaya kita ko sila at naririnig.
"Ma..di kaya may kinalamaan to doon?" di mapakaling sabi ni Tita. Bigla siyang nawala at baka umupo sa kama. Si Lola naman nakikita kong nakaharap sa bintana. Papasok sana ako kaso napahinto ako sa narinig ko..
"Di maaari yun. Napabendisyunan ko na ang bahay at wala ng multo pa dito. Wala na siya.."
Sino tinutukoy nila? Saka multo? May multo dito?
**
Aj's POV
Lumabas ng kwarto si Kuya Doms dahil pupuntahan daw niya si Ishie girl. Naiwan ako dito sa loob ng kwarto nanaman. Natatakot ako kaso ayoko naman sabihin kay Kuya at pati kila mama ang meron dito. Pag nandito ako di ako makahinga.
Bumaba ako ng kama at dali-daling tumungo sa pinto kaso bigla yung nagasara! Ayan nanaman! Napaatras ako at tumakbo sa kama para magtalukbong ng kumot. Naiiyak nako. Ano ba kasing nangyayare? Di naman ganito dati rito.
Yumakap ako sa tuhod ko. Biglang umalog ang kama kaya napasigaw ako. Please tama na...tama na...
Ilang minuto ding nagtagal ang pakiramdam na para kang nasa isang lugar na nababalot ng kalungkutan, galit, init at halo halong sigaw. Ano to? Umiyak ako ng umiyak. Mama..papa..kuya..
Ng mawala ang lahat, at tumahimik sa kwarto ko, dali dali kong inalis ang talukbong at tumakbo sa pintuan. Di na ako nagabalang ibalang kahit saan ang mata ko basta ang alam ko lang lalabas ako dito! Buti nagbukas iyon at nakahinga ako ng maluwag. Para akong sinakal.
"Oh Aj anu nangyare? Putlang-putla ka!" nakita ko si kuya na papalapit. Hinakbang ko ang paa ko at magsasalita sana na wag siyang papasok sa kwarto pero nakalapit na siya sakin at dahil nasa tapat padin ako ng pinto ng kwarto namin, may humila samin papaloob!
...at lahat nabalot na ng kadiliman.
**
Prince's POV
Ng sandaling tumabi sakin si Ishie..parang may malamig akong nararamdaman. Ngumit ako sa kanya dahil nakakalakad na siya ng maayos. Mukhang dina masakit ang balakang nya. Ginulo ko ang buhok nya at sa di malamang dahilan ay napaiwas ako ng tingin sa kanya. Inayos niya ang buhok niya at ngumiti..
Dumating na ang lahat at tinignan nila ng may pagalala si Ishie. Ngumiti na lang ulit siya. Iniiwas ko ulit ang tingin ko. Kumain na lang ako..kaso nanlalamig talaga ako.
Pagkatapos naming kumain ay nag-ayang manuod sila Tito ng Movie. Nagtungo kami ng sala. Lahat sila nakaupo maliban sa sofa kung saan katapat si Ishie. Wala nakong choice kaya umupo na ko.
Kada minuto, napapatingin ako sa kanya... Bakit ganon? Ano yan? Napatingin si Ishie sakin kaya umiwas ako ng tingin at kunyareng nanood na. Hindi maaari..
Pagkatapos ng panonood namin lumabas siya. Sinundan ko siya at sa garden siya pumunta. Ang dalas niya dito. Peaceful kasi at mahangin.
Nilapitan ko siya at nagaalangan pa ko kung sasabihin ko sa kanya. Pero mukhang di naman niya nakikita at napapansin. Ayoko namang magfreak-out siya at sabihin pang nananakot ako. Nakakakilabot. Totoo ba to? Bakit ako nakikita ko?
"Pansin ko lang, lagi kang nandito.." hay wala akong maisip na sabihin.
Di naman niya ako pinansin at parang sa mukha pa lang nya ay nangangarap siya ng kung ano.
"Hoy." Tawag pansin ko pero di parin niya ko pinapansin. Kinakabahan ako sa kanya ha. Hinampas ko nga.
"Problema mo ba kuya! Aray ha?"
Nakakatuwa itsura niya. Haha kaso nakita ko nanaman yung..kaya lumayo ako. Nakakatakot.
Umirap naman siya at humalukipkip. Masama yata ang palo ko. Kaso kahit ganun parang nawala nanaman siya dahil kuminang bigla ang mata nya at tila nangangarap. Hay nako. Pinalo ko nga ulit. Wala ba talaga siyang balak sagutin ako?
"Pangalawa mo yan ah! Grr."
Haha napailing na lang ako. Hindi siya matinong kausap ngayon. Ano kaya iniisip ng pinsan kong 'to?
"Haha maiwan na nga kita." paalam ko. Mukhang wala naman siyang nararamdamang kakaiba sa paligid nya. Hay. Nakasalubong ko naman si Doms. Mukhang pupunta din kay Ishie. Pansin ko parang may kakaiba dun sa dalawa. Ano ba nangyayare? Aish.
**